Venus Sebastian “Mommy gusto ko po ikaw ang bubuhat sa akin.” Biglang parang maiiyak na sabi ni Georgia nang nauna ko nang buhatin si Gavin. Palabas na kami ng kwarto dahil mamamasyal kaming pamilya sa mall para ipamili ni Ace ng mga gamit ang bata. Bihis na kaming lahat at balak na kumain na lang sa labas ng breakfast. Pagkatapos naman naming mamasyal at mag-shopping ay pupuntahan namin ang Lolo Ramon ng kambal para magkita-kita na sila. Hindi pa pinapaalam ni Ace sa mga magulang niya ang tungkol sa kambal kaya siguradong magugulat si Donya Tasha at Don Ramon na meron pala silang apo, matagal na. “My baby, si Papa Ace na lang ang bubuhat sa’yo, ha?” Malambing na sabi ko kay Georgia at pagkatapos ay tumingin ako kay Ace na ang atensyon ay na kay Georgia. “Yes, my babylove. Ayaw mo ba

