Venus Sebastian “Ace!?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng sasakyan ni Ace sa harapan ng apartment ko. Bigla ay napalingon tuloy ako sa pinto namin kung nakabukas pa ‘yon at baka masilip ako ni Ate Amor na may sumusundo sa akin. Mabuti na lang at naisarado na ni Ate Amor ang pinto ng bahay at naroon na sila ng mga bata sa loob. Inasikaso pa ako ni Ate Amor para sa babaunin ko ngayon at magiging busy naman siya sa pag-aasikaso sa kambal mamaya kapag nagising na ang dalawa. Nakagat ko ang ibabang labi nang biglang bumukas ang bintana ng kotse. Parang kakawala ang puso ko sa kilig nang bumungad si Ace sa paningin ko. “Sh*t! Ang gwapo ng asawa ko!” Parang gusto ko ng dumukwang at halikan si Ace agad-agad. Fresh na fresh ang itsura niya. ‘Yung tipong malayuan mo pa lang tingnan ay al

