Venus Sebastian “Niloko ka ng babaeng ‘yan, Ace Bryan! Baka nakakalimutan mong inakit niya ang pinsan mo? Tapos makikipagbalikan ka? I’m just concern, hijo, na baka gawin niya uli sa’yo!” Naramdaman kong napahigpit ang kapit ni Ace sa kamay ko. Mukhang hindi siya aware do’n kaya hinayaan ko lang. “Kailan ka pa naging concern sa akin, mom?” Bigla ay napatingin ako kay Ace. Hindi ko masabi ang emosyon nito. Halatang nagpipigil ng galit. Nang binaling ko ang tingin kay Donya Tasha ay naniningkit ang mata nito. Bigla naman ay nag-ring ang cellphone ni Donya Tasha at bigla niyang kinuha ang phone sa bag. Nakita ko ang pagngiwi nito sabay mabilis ang kilos na pumunta sa katabing sasakyan ni Ace. “Mag-uusap pa tayo, Ace Bryan kapag balik ko!” Matigas na sabi ni Donya Tasha na tiningnan ako

