Venus Sebastian Kinabahan ako sa walang paalam na pag-picture sa akin ng lalaki. Pero hindi naman ito bumalik dito sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin ko. "Miss, anong nangyari?" bigla namang usyoso ng tindera sa akin. "Si kuya po kasi. Nagpi-picture ng walang paalam sa amin!" Reklamo ko pero doon pa rin ako nakatanaw sa tinakbuhan ng lalaki at baka biglang bumalik dito. "Naku! Baka type ka no'ng lalaki! Gano’n talaga, maraming lalaking manyak at makakita lang ng maganda ay pinagnanasahan. Baka nagandahan lang sa inyong mag-ina. Hindi ko nga akalain na anak mo pala ang magandang bata na yan, neng... akala ko anak siya ng kasama mo d'yan sa apartment?" Bigla ay napatingin ako sa tindera. Oo nga pala at bigla kong naalala na kilala dito ang mga bata bilang ana

