Venus Sebastian “Melody?” Kumunot pa ang noo ko at naningkit pa ang mata ko at baka namamalikmata nga lang ako pero parang siya talaga ‘yung kamukha ng ex-wife ni Ace. Bigla ay nakita kong yumukod ang babae para halikan ‘yung bata nanasa wheelchair at pagkatapos ay binaling ang atensyon kay Kuya Anton at inangkla nito ang braso sa lalaki. “Ouch!” Bigla ay na-out of balance ako nang may naka-bunggo sa akin. Nakaharang kasi ako sa gitna ng hallway. Mabuti na lang at hindi ako tuluyan na natumba. Nang nilingon ko ay ang doctor na hinahanap ko pala at may kausap na nurse kaya hindi rin ako napansin. Siya ang doctor ni Georgia at mabuti ay namukhaan ko pa. Mukhang namukhaan rin ako ng doctor na biglang sumenyas sa nurse na mauna na ito sa paglalakad. “D-doc, Ahm… Hinahanap ko po kayo.”

