Venus Sebastian “Love, please forgive me sa inasal ko kanina. Selos na selos lang ako kaya ko nagawa ‘yon! Ako lang dapat ang hahawak sa’yo, ‘di ba? Hindi ko sinasadyang ipahiya ka. Ayokong lalapit ka sa lalaking ‘yon—” “Ganyan ka naman, eh. Inuuna mo ang galit mo kesa makinig muna. Tingnan mo ang gulong ginawa mo at may nadamay pa na inosente. Hindi mo muna ako hinayaan na magpaliwanag!” Bulyaw ko. Ngayon ay kita ko ang pagsisisi sa mukha ni Ace. Ang tindi rin ng kapit at himas niya sa kamay ko na hinayaan ko na lang. Lumakas naman ang loob ko na sermonan si Ace dahil alam niya naman na siya ang mas may kasalanan. Subukan niya lang na pumalag at pahihirapan ko talaga siya bago ako makipagbati. Mabuti na lang talaga at marunong na siyang magpakumbaba ngayon kahit papaano. “At hindi m

