Venus Sebastian Naghahabol pa rin ng paghinga si Ace. Pero parang mawawalan na ito ng oxygen sa katawan dahil sa tingin ko ay napigil niya pa ang paghinga dahil sa pasabog na announcement ko. Tila naghalo-halo na ang emosyon ni Ace. Nkikita ko ang pinaghalong gulat at saya sa mata nito. Parang kanina lang ay galit na galit ito pero biglang naglaho ‘yon dahil sa nalaman na may anak kami. Pero ako ang galit na galit pa rin sa ginawa niyang gulo dito. Isa pa ay hindi ko nakakalimutan ang kaninang bintang niya na niloloko ko raw siya kaya pinakita ko na hindi ako natutuwa sa kanya. “P-paano nangyari? Negative ang resulta ng pregnancy test mo?” Nagkapatawaran na kami ni Ace pero bigla ay bumabalik ang sakit ng kahapon sa mga sinasabi niya ngayon. Gusto ko siyang sampal sampalin ngayon a

