Venus Sebastian “Sino naman kayo? Bakit naman ako sasama sa inyo? Hindi ko kayo kilala. At sinong boss ba ang sinasabi niyo!?” Masungit at sunod sunod na tanong ko. Ganitong wala ako sa mood at nangangalay na sa kabubuhat kay Georgia. Idagdag pa na baka ma-bwisit ang taxi at iwanan kami dito. Wala pa naman na kasunod na taxi at kakailangan ko na naman na mag-abang in case na biglang mainip sa akin si manong driver. “Si Boss Ace po... ang asawa niyo po, ma’am” Sagot ng isang lalaki. Mas natigilan ako. At ang bilis naman na nakatunog ng mokong na ‘yun na nandito kami ng mga anak namin. Isa lang ang ibig sabihin… nangialam siya ng cellphone ko at nalaman na pupunta ako ngayon sa ospital. “Ma’am Venus, sumama na po kayo sa amin kasi mukhang nag-aalala si Boss. Pinapabantayan po kayo sa a

