Venus Sebastian “Ace, ano ba!” Singhal ko. Hinampas ko siya sa dibdib pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. Tinanggal niya pa ang hawak kong damit mula sa kamay ko at hinagis sa kung saan. “Sh*t!” Agad akong napahawak sa towel kong nakatapis sa akin at inayos iyon. Wala pa akong suot na panty at bra. Asawa ko naman siya at nakita na ang lahat lahat sa akin pero dahil gigil ako sa kanya ay ayokong pagnasahan niya ako ngayon. “Ace, anong ginagawa mo dito!?” Mataas ang boses na tanong ko pero sinigurado ko naman na hindi magmumukhang nag-aaway kami dito sa loob ng kwarto. Ayoko ng eskandalo at narito ang mga anak namin. Nasa labas pa rin si Nanay Barbara at nakakahiya na marinig pa nito na nag-aaway kami. "Love..." tanging nasambit ni Ace. Tinitigan muna ako nito sa mukha at il

