Venus Sebastian “N-nanay? Nandito po pala kayo?” sambit ni Ate Amor. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Ate Amor. Pero mukhang mas nagulat siya na tila magkakilala ang dalawang matanda at napapaiyak pa si Nanay Barbara sa pagkakita kay Don Ramon. “Barbara, anak mo si Amor?” Nanghihinang tanong ni Daddy Ramon na unti unting naglalakad dito sa kinatatayuan namin. Gusto ko siyang lapitan agad dahil nakikita ko pa ang pamumutla niya pero na-curious ako sa reaction ng dalawang matanda. Gulat na gulat sila sa isa’t isa kaya pati ako ay hindi na makakilos. “D-dad, are you okay?” Tanong ni Ace na hindi na natagalan ang kinilos ng ama. Lumapit pa si Ace sa kinatatayuan ni Daddy Ramon na ilang hakbang na lang dito sa may sofa. Nakasunod naman sa kanya si Ate Amor na gulong gulo na rin ang itsu

