Venus Sebastian “Venus! Venus love! Wake up!’ Naririnig ko ang boses ni Ace habang tinatapik ang pisngi ko. Gusto niya lang akong gisingin at nagkamalay nga ako dahil nararamdaman ko ang sakit ng hampas niya sa pisngi ko at lakas ng sigaw niya. “Uhhm…” ungol ko para iparamdam ko sa lalaki na gising na ako. “Sh*t! Thank God!” narinig kong sambit ni Ace at ilang sandali ay niyakap niya ako. Napaubo na lang ako dahil ramdam ko ang alikabok ng dulot ng pagsabog. Marahan kong dinilat ang mata at ilang sandali lang ay umalis sa pagkakayakap sa akin si Ace at hinawakan ang mukha ko ng magkabila niyang kamay. “Love?” Nag-alalang sabi ko dahil may nakita akong galos sa mukha ni Ace. Bigla akong napabangon sabay hawak sa masakit na ulo dahil alam kong tumama ‘yon sa matigas na bagay kanin

