Naglalakad na ako palabas ng airport. Kararating lang kanina ng eroplanong sinakyan ko. It's already fifteen minutes past three and I'm currently here at Legazpi City, Albay. Tumitig ako sa paligid at lumanghap ng sariwang hangin. Mula sa kalayuan ay natatanaw ko ang Bulkang Mayon. Tinitigan ko 'yun nang ilang sandali bago ako nagpatuloy sa paglalakad. I hired a taxi papunta sa terminal. I already texted Tita Rose na nakarating na ako. Alam ko pa naman ang papunta sa kanila kaya hindi na ako nagpasundo pa. Pagkarating ko sa terminal ay agad akong naghanap ng jeep papunta sa lugar nina tita. "Magandang hapon po, kuya. Kayo na po ba ang sunod na aalis?" tanong ko sa isang driver doon. "Oo. Galing ka ba ng Maynila?" tanong sa 'kin ng driver. Tumango naman ako. "Opo. May mga kamag-anak p

