Naglalakad na kami pauwi ni Chase. Nakasuot na lang ako ng white shirt at itim na track suit. Buti na lang at may nahanap sina Zeno na ipapasuot sa 'kin. Nananakit na ang buo kong katawan dahil sa iba't-ibang tama sa katawan ko. Nanlalagkit pa rin ang buhok ko kahit na nakakailang shampoo na ako. "Sigurado ka bang okay ka lang talaga?" tanong sa 'kin ni Chase habang nag-uunat ako ng mga braso. "I'm fine. Iinom na lang ako ng painkiller at magpapahinga. Mawawala rin 'to," sagot ko. "Next time kasi hayaan mo na lang kung ano man ang malalaglag sa 'kin," kunot-noong sabi ni Chase. "Hindi ko pa rin maiiwasan. I've been babysitting you since the day we met. Sa tagal ng pagsasama natin ay nasanay na lang ako na ako parati ang sumasalo sa 'yo sa bawat kalokohan na ginagawa mo," sagot ko. Cha

