Tetsu's POV "Enjoy your meal, ma'am!" bati ko sa isang customer na um-order ng pagkain. Semestral break na namin. Nagtatrabaho na ako sa isang fastfood chain. Kailangan ko nga rin kasing mag-ipon dahil uuwi ako sa Bicol ngayong Pasko. Tungkol naman doon sa apat ay wala akong balita sa kanila. Kahit na panay kaka-tawag at kaka-text sila sa 'kin ay hindi ko sinasagot. Blocked din silang lahat sa mga social media accounts ko. Gusto ko na munang mapag-isa ngayong break. Kahit naman siguro may trabaho ako ay mapagtutuunan ko naman ng pansin ang sarili ko. "Hello! Baguhan ka rin dito?" biglang tawag sa 'kin ng lalaking nasa katabing counter ko. "Nope. Nagtrabaho na ako rito one time. Why?" tanong ko naman. "Wala lang. Natanong ko lang. By the way, I'm Marcus Perez. It's nice to meet you!"

