Celestine's POV From: 0915XXXXXXX Hi Tin, sorry hindi na ako nakapag paalam sa'yo maaga kasi akong sinundo at saka ang himbing pa ng tulog mo kaya hindi na kita ginising pa. Thank you pala kagabi dahil sa mga sinabi mo gumaan yung pakiramdam ko and sorry ulit. Ingat ka lagi. 7:01 am "Hindi mo nireplyan?" tanong ni Chari. "Anong irereply ko?" "Tanungin mo kung naka uwi ba siya ng safe o na saan na ba siya o kaya kung ano-ano lang para madugtungan yung usapan niyo." Ngumiti siya pero asiwa namang tumingin sa kanya si Tin. "Bakit ko naman pahahabain pa yung usapan namin?" "To start of a new friendship." Suhestyon niya habang binabangga bangga ng balikat niya ang braso ko. Nag sisimula na naaman siyang mang asar. "Tss! Friendship ka dyan!" "Ay ayaw ng friendship, sige relationship n

