bc

A Night to Remember (Tagalog)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
14.7K
READ
one-night stand
second chance
independent
brave
twisted
sweet
no-couple
highschool
first love
photographer
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila "love is sweeter the second time around", pero paano kung dahil lang sa isang pag kakamali kaya kayo mag babalikan.

Sapat bang dahilan ang obligasyon para mag sama kayong muli?

Susundin mo ba ang sinasabi ng puso mo o ang dikta ng isip mo?

Tataya ka ba sa isang bagay na hindi mo sigurado kung saan papunta?

Si Tin, ay isang babaeng puno ng responsibilidad sa buhay. Hindi ito sanay na inaalagaan dahil simula ng maramdaman niya kung paano ang hirap ng buhay, pinangako niya sa sarili niyang hindi na ulit mararanasan ng pamilya niya ang hirap na dinanas nila noon.

Nakilala niya ang isang lalaking ng lumipat ito ng eskwelahan. Walang tiwala si Seb, sa mga taong kakikilala niya pa lang kaya naman bumuo siya ng rules sa eskwelahan nila kung saan makikita niya kung masama, mabuti, o nag papanggap lang ang isang tao.

Dito mag sisimulang mabago ang pananaw nila sa buhay at kung paano sila nabuhay noon.

Romance. Comedy. Medyo SPG

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sebastian's POV Mahaba ang naging preparasyon bago ako nakapag exhibit ulit. Pangatlong beses na ito at masasabi ko naman na sa bawat event mas maraming tao ang nagiging interesado sa mga kuha ko at bukod doon mas marami ring nagiging interesado sa akin kaya kaliwa't kanan ang pag lapit ng mga babae sa akin at kahit sa mga social media account ko nakasubaybay din sila. Karamihan sa kanila magaganda at sexy parang na tetemp tuloy akong tikman sila isa-isa, pero never ko pang ginawa yun dahil hindi naman ako nakikipag s*x sa hindi ko kilala. Speaking of s*x, matagal tagal na rin yung huli. Wala naman akong magagawa dahil kailangan kong unahin ang trabaho ko kundi maiipon lahat ng bills ko at wala akong kakainin. Hindi ako lumaking mahirap pero hindi rin ako umaasa sa magulang ko dahil ayaw ko na kontrolin nila ang buhay ko, kaya kahit tagilid yung chance ko na kumita at sumikat sa photography pinag patuloy ko pa rin ito. Gusto kong patunayan sa pamilya ko na kahit hindi ako nagtatrabaho sa kumpanya nila kaya kong buhayin ang sarili ko. At gusto ko rin patunayan sa isang tao na 'yun na successful ako sa kung ano ang ginagawa ko ngayon. Two months vacation ang plano ko after ng matagumpay na exhibit. Balik pinas ako para mag pahinga at mag pakasaya. Gusto kong mag recharge para pag balik ko ng Italy bagong idea at bagong Sebastian Del Mundo ang mag babalik trabaho. Hindi ako stress or burnt out dahil sa trabaho, kailangan ko lang talaga ng bakasyon para makalimot panandalian at mag pakasaya, nakakamiss kaya ang buhay ko noon. Pag lapag ng eroplano agad kong tinanggal ang airplane mode ng phone ko at parang nag sisi tuloy ako dahil halos ayaw na niyang tumigil sa kakatunog, Messenger, IG, Twitter, Email at ultimo Mobile Legends ko ayaw din mag pahuli sa notification. "Sir Welcome back po!" Masayang pag bati sa akin ni Manong Quando, ang driver namin. Nginitian ko naman siya ng sandali at pumasok na agad ako sa kotse hinayaan ko na siyang isakay ang mga bagahe ko. Pag dating talaga sa sikreto hindi mo pwedeng pag katiwalaan si Ate Sam, malamang siya ang nag papunta ng driver dito sa airport para sunduin ako. Kainis! Ate Sam: 10:32 am Seb Seb kasama mo na ba si Manong Quando? Sa bahay ka umuwi ha at hindi sa condo mo, baka mamaya puro babae na naman ang atupagin mo! Ate Sam: 10:33 am Matanda ka na at kumikita na rin ng malaki at alam kong malaki na ang ipon mo kaya maghanap ka na ng PERMANENT SISTER IN LAW KO. Ayan ha all caps para mabingi ka. Ate Sam: 10:35 am By the way Congratulations sa successful exhibit mo. Ikaw na gwapo! Pero pasalamat ka at hindi ako naging lalaki kaya hindi matatalbugan yung pagiging pogi mo hahaha. Ingat sa pag uwi. Dalawin mo ako dito ha. Hay, ang kulit talaga ni Ate daig pa ang batang nag papabili ng pasalubong. For sure naririndi din si Kuya Harold sa ka daldalan niya. Tinawagan ko na lang si Ate Sam, dahil alam naman niya na wala siyang mahihintay na reply mula sa akin, ako kasi yung taong hindi mahilig sa text message, oo tama ang na sa isip niyo, tamad nga ako kaya kahit oo or okay ang isasagot ko tatawagan pa kita para sabihin lang 'yun. Habang na sa byahe pa uwi sinandal ko muna ang ulo ko sabay pikit ng mata. Sinabayan naman ni Manong Quando ng music ang pag papahinga ko. "On my pillow Can't get me tired Sharing my fragile truth That I still hope the door is open" "Cause the window Opened one time with you and me Now my forever's falling down Wondering if you'd want me now" "How could I know One day I'd wake up feeling more But I had already reached the shore Guest we were ships in the night Night, night" Aba at may taste din pala sa music si manong kaya imbis na mainis pinili ko na lang munang tapusin ang kanta. At ng matapos na umangat ako mula sa pag kakasandal at kinausap siya. "Aba Manong Quando, may taste ka pala sa music akala ko mga 70's at 80's lang ang pinakikinggan mo." Tinapik ko pa ang balikat ng matanda dahil sa tuwa ko, napatawa naman siya dahil doon. "Ang sabi po kasi ni Ma'am Sam, ganyang music ang mga gusto niyo, malumanay at mabagal lang. Gusto niyo raw po kasi na narerelax ang isip niyo." Bumalik ako sa pag kakasandal at hindi na umimik pa. Akala ko naman gusto talaga ni Manong yung kanta 'yun pala utos lang ni Ate. Pag uwi namin diretso agad ako sa kwarto. Hindi ko na pinansin pa ang mga katulong na nag aabang sa pag dating ko, hindi sa suplado ako pero kapag kasi wala ako sa mood hindi talaga ako namamansin at hindi mo ako makaka-usap ng maayos. Lumipas ang isang linggo na nanatili ako sa bahay namin, siguro naman sapat na 'yun para masunod yung gusto nila. Pag katapos kong maayos ang mga gamit na dadalin ko sa condo, ang sarili ko naman ang sunod kong inayos. Nag suot lang ako ng white t-shirt, maong na pantalon at ang paborito kong black cap, kung kilala niyo si Lou Gehrig alam niyo na kung anong design ang suot ko. It's my turn simulan na ang masayang bakasyon, Seb!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

OSCAR

read
248.6K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook