Sebastian's POV
"Hoy Seb, pinapasama ka ni Sheila, bukas sa party ni Kath."
"Madaming ulam doon for sure mabubusog ka!"
Kanina pa dumadada itong si Dominic, at aya ng aya sa akin kung saan-saan, anong akala niya sa akin kaladkaring lalaki na kung saan may babae este party pala, eh basta basta na lang sasama.
"Ano na Seb, oo na ba irereply ko dito?"
"Alam ko namang tagal mo ng walang s*x life kaya go na bro!"
Napa bitaw ako sa hawak kong cellphone, para kasing nag dilim yung mata ko at gusto kong sapakin sa mukha si Dominic, minamaliit nito ang s*x life ko porke lagi syang nakaka home run sa mga dinedate niya.
"Hoy, pag tayo natalo sa game na 'to babangasan ko yang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya. Nanahimik si Dominic pero yung tatlong tukmol naman ang pumalit ng kaka alaska sa akin.
"Mag biro ka na kasi sa lasing at bagong gising huwag lang sa lalaking hindi maka chansing!" Madiin na sabi ni Kevin Pinipikon talaga ako ng mga tarantadong 'to!
"Tigilan niyo nga yung mga ka manyakan niyo!" Binato ko ng popcorn si Kevin na tawa ng tawa habang nakikipag bakbakan kami sa ML.
"Hala, pikon. Kailan ba kasi yung huling may naikama kang babae?" Talagang nag tanong pa ang tukmol na Kevin na 'to. Pinag kakaisahan yata ako ng mga tarantadong mga 'to, palayasin ko kaya?!
Hindi ako umimik dahil kasalukuyan akong pinag tutulungan ng mga kalaban namin.
Puchang Nana at Bandang na 'to talagang inabangan ako! Bwisit!
"Ay, ayaw sumagot kasi sobrang tagal na!" Tinignan ko ng masama si Erik, at dahil may 45 seconds pa naman para mabuhay ulit si Bruno, kaya ginulo gulo ko ang buhok niya saka ko binuhusan ng chichirya sa ulo.
Effective dahil tumigil siya sa pang aalaska sa akin. Diretso sa CR si tukmol at doon nilinis ang buhok niya.
Pero dahil mga chismoso ang mga kasama ko hindi pa rin sila tumigil ng kakatanong. Sabihin ko na lang kaya na gabi-gabi may naikakama akong babae para lang tumigil na sila. Maniwala kaya ang mga tukmol na 'to?
"Baka naman kasi may hinahanap hanap siyang ibang babae kaya ayaw nang tumikim ng iba!" Umiling lang ako sa sinabi ni Marco,dahil focus ako sa laro namin, laki kaya ng pusta ko kaya hindi pwedeng matalo.
"Hanep ka Seb, huwag mong sabihing hindi ka pa nakaka move on kay Tin?" Napahampas pa sa wall si Dominic, tumingin naman ang tatlo sa akin.
Teka ako hindi pa move on sa manlolokong babae na yun? Excuse me, mas maraming magagaling na babae sa kama kumpara sa kanya.
"Gago! Alam niyo boring yung babaeng yun, walang ka thrill thrill kaya paano naman ako masasabik sa kanya!"
"Sus, pakunwari pa huwag kami Seb, kilala ka namin. Laro lang yung one night stand niyo pero niligawan mo, eh samantalang marami ka ng nagalaw na babae sa school dati pero hanggang doon lang at walang ligawan na naganap. Yuon ba yung boring sa kama at walang ka thrill thrill?" Na inis ako sa sinabi ni Kevin, dahil naalala ko tuloy yung user na babaeng yun!
"Hoy, FYI niligawan ko yun kasi ayaw ko doon sa mga babaeng ni la-line up niyo sa akin, halata naman kasing laspag na yung mga yun at kulang na nga lang pumasok na sila sa beer house para maging ganap na GRO!
"Sa presinto ka mag paliwanag, huy. Pero na in love ka kay Tin, kaya niligawan mo?" Aba't hindi pa nag pa awat si Kevin, at may follow up question pa.
"Hindi nga. Natuwa lang ako dahil virgin pa siya."
"Sabagay mas gusto mo nga pala yung ikaw ang mag bibinyag sa kanila. Pero nasarapan ba siya sa ginawa mo?" Sa aming lima si Kevin talaga ang may future pagdating sa pag babalita, kalalaking tao napaka chismoso!
"ML ba pinunta niyo dito o pag kukwentuhan natin yung s*x life ko?" Nanilisik ang mga mata ko habang tinitignan sila, para matakot at tumigil na sa kakatanong.
"Syempre... Both!" Sabay sabay nilang sigaw sabay tawa! Tarantado talaga, hindi man lang tonablan sa tingin ko.
Natapos na ang laro sa loob ng 27 mins. At buti na lang at panalo kami kundi uupakan ko talaga ang mga tukmol na 'to.
"Pero seryoso na bro, tigang ba talaga s*x life mo sa Italy?" Tanong ni Dominic. Hindi na kami nag lalaro at pag inom na lang ng alak ang inaatupag namin.
"Wala as in Zero. Okay na?"
"First, priority ko ang pera doon, second lang ang mga babae, pwedeng makapag hintay ang s*x pero ang trabaho ko hindi pwede." Tumango tango naman ang mga tukmol. Ano 'to nakumbinsi ko na ba silang tumigil na ng kakatanong sa akin o sinasakyan lang nila ang sinabi ko!
Inabot kami ng alas 2 ng madaling araw, maraming napag usapan at napagkwentuhang. Iba't ibang tao at kung saan-saang lugar kami napunta, lawak kasi ng imahinasyon ni Dominic at si Erik naman dakilang adventurous na tao kaya yung mga kinukwento niya ay yung mga lugar na napuntahan na niya, nag ka idea tuloy akong mag travel na lang dito sa Pilipinas habang nag babakasyon ako.
Lalabas na lang ng pintuan ko may pahabol pa ang mga gago. "Seb, may sinend ako sa'yong link buksan mo kapag nahiga ka na, pampasarap ng tulog yan!" Tumawa yung tatlo sa labas mukhang alam nila yung kagaguhang sinend sa akin ni Dominic.
Inayos ko muna ang mga nakakalat na bote ng alak at mga pinag balatan ng chichirya, nag vacuum na rin ako para siguradong walang matitirang mga dumi sa sahig.
Pucha, napagod ako doon. Next time nga sa bahay na lang nila ang venue, hirap mag linis.
Nakahiga na ako at matutulog na sana ng maalala ko yung sinabi ni Dominic.
"Seb, may sinend ako sa'yong link buksan mo kapag nahiga ka na, pampasarap ng tulog yan!"
Na curious ako kaya binuksan ko ang link. Ano na naman kayang site ng porn ang bago nitong pinag papanuoran.
‘Nak ng!
Mapapamura yata talaga ako dito. Pampasarap ng tulog ha! Lagot kayo sa akin sa susunod na mag kita-kita tayo!
Social Media account pala ni Tin, ang laman ng link.
Nag lalaro tuloy sa isip ko kung i-eexit ko na ba o papasadahan ko ng tingin ang profile niya.
Nanaig ang pagiging chismoso ko at tinuloy kong tignan ang buong profile niya. Saglit lang dapat, pero nalibang ako sa mga nakita ko.
Hindi maikakailang maganda pa rin siya hanggang ngayon, actually mas lalo pa ngayon. May Album pa siya na naka suot lang ng cocktail dress, semi formal at mga gown.
Revealing ang karamihan sa mga dress, labas ang balikat, mataas na hati ng slit kaya halos makita na ang pang loob niyang suot at medyo nakalabas na ang cleavage nito.
Putik ano 'to bakit nag init bigla yung katawan ko? Taragis ka Seb, huwag mong sabihing tinitigasan ka pa rin kay, Tin?
Ay hindi, dala lang ng naka inom ako at sigurado ako doon. No need to worry Seb, all is well, humawak pa ako sa dibdib ko at huminga ng malalim para marelax ang isip ko sa kung ano ang masamang balak nito.
Tinodo ko nga yung aircon saka ko nilayo sa akin yung cellphone ko.
Matulog ka na Seb, puyat lang yan!
Sinubukan ko namang matulog pero kahit bumalibaligtad pa ako sa kama ayaw na talagang bumalik ng antok ko.
Sa pag lipas ng oras hindi ko naman mapigilan ang isip ko sa kaka flashback ng nangyari sa amin ni Tin, before!
Ang totoo walang one night stand na naganap noon.