Sebastian's POV
Sa private school kung saan ang mayayamang studyante ang tinitingala at kinakatakutan. We set the rules and once you disobey, get ready for your punishment!
Kami ang batas at wala silang susundin kundi ang mga utos lang namin!
Ang sama 'di ba? Actually kailan ko lang din na realized na ang gago talaga namin noon. Tsk tsk...
Wala sa plano kong maparusahan si Tin, dahil unang kita ko pa lang sa kanya wala na siyang dating sa akin, kumbaga walang appeal.
Dahil sa kagagawan nila Kevin, kaya mas lalo ko siyang nakilala.
Bago pa man makapasok ang mga transferee sa kani-kanilang classroom kinakausap muna sila sa faculty at kapag may bagong lipat gawain na naming silipin at tignan sila bago pa makita ng mga bago nilang kaklase.
"Maganda yung na sa pangalawa pwedeng biktima!" Sa tono ng pananalita ni Marco, halata ng may binabalak itong hindi maganda.
Bigla namang sumingit si Erik, "Mas maganda yung pang lima simple lang at mukhang inosente." Na agaw naman ng panglimang studyante ang pansin namin.
Tama siya maganda naman kahit hindi niya kulayan ang mukha niya tulad ng mga babae dito sa school na kulang na lang pati ilong nila mamula para mag mukha na silang Clown.
Celestine Cortez.
Siya ang bago naming kaklase, malas niya dahil sa section namin siya napunta, swerte naman kami dahil balita ko matagal na siyang gusto ni Daryl na nasa pangatlong section naman.
Para sa kaalaman niyo mag ka away ang grupo namin ni Daryl at dahil iyon sa babaeng gusto niya na dikit ng dikit sa akin. Dati namin siyang kasama sa grupo pero kumalas siya dahil lang sa pag seselos niya sa akin.
Babaw 'di ba? Parang tanga lang! Pake ko ba sa babaeng higad na 'yun!
Every year may Acquaintance party na nagaganap para mag kakila-kilala ang mga studyante at every event ng school meron din kaming pa party.
After sa school, requirements na sa lahat na umatend sa party namin except sa grupo nila Daryl.
Ang sabi sa akin ng isang studyante narinig niya raw na kausap ni Tin, ang mga kaibigan niya sa restroom at ang topic ayaw niyang sumama sa after party dahil ayaw niya kaming makasalamuha.
Inutusan ko ang isa sa mga kaklase namin na kailangan niyang sumama dahil ang party na 'to ay para sa kanila, para sa mga baguhang tulad niya.
Wala naman siyang choice kundi sumama. Kahit pilit pa siyang nag tatago sa likuran ng ibang studyante wala naman siyang nagawa ng tawagin ko na ang pangalan niya.
Lumapit ito na halatang natatakot at nahihiya. Tumabi na siya sa mga kasamahan niyang transferee kaya nag simula na ang pa welcome party sa kanila.
Hanggang round 10 ang laro at ang kailangan lang nilang gawin ay ubusin ang bawat alak na ilalagay namin sa mga baso nila, oo baso at hindi shot glass kaya kung never pa silang nakainom ng alak sa tanan ng buhay nila malamang game over agad sila.
Si Marco na ang nag salita para ipaliwanag ang magiging mechanics ng laro.
"Simple lang naman ang rules. Alam na ito ng lahat dahil dumaan na kayong lahat dito except sa sampung studyante sa harap natin ngayon. Matira matibay!"
Pa unang speech pa lang 'yan ni Marco pero halata sa kanila na kabado sila. Well sino ba naman ang hindi.
"Every round iba't ibang alak ang iinumin niyo 1 to 2 minutes lang ang ibibigay namin para maubos ang mga alak sa baso niyo at ang hindi maka ubos game over. Para naman sa matitira hanggang round 10, eh di congrats kasi nakapasa kayo. It means parte na talaga kayo ng school na ito at welcome na welcome na talaga kayo dito."
Hindi na sila mapakali at kanya kanya na sila ng hawak sa kamay ng katabi nila.
"Pag natalo kayo may punishment at mamaya ko sasasabihn 'yun after ng game!"
Nag sigawan na ang lahat ng matapos niyang ipaliwanag kung paano tatakbo ang laro at sa hudyat niya nag simula na ito.
First round, Gin Pomelo. In two minutes kailangan nilang maubos.
After two minutes kompleto pa ang mga player kaya naman sigawan ang mga tao.
Round two, root beer na may halong Gin Pomelo. In two minutes ulit kailangan nilang maubos
Ang round 3 to 7 ay puro Red Horse na. Halata na sa lahat ang pamumula ng mukha nila at ang pagkahilo.
Mukhang nasipa na sila ng pulang kabayo. Habang tumatagal mas lalo namang naging interesado ang laro. Lahat ng studyante nag kanya kanya na ng pustahan kung sino ang matitira at ang mapaparusahan.
Para sa round 8 Vodka naman ang kailangan nilang ubusin pero dapat sa loob na lang ng isang minuto.
Hirap ang lahat sa pag inom at lalo na sa pag ubos nito. Nag pustahan naman kaming lima kung sino ang bibigay sa round na ito pero walang nanalo sa amin.
Akalain mo't matibay pala ang mga ito o takot lang silang maparusahan kaya kahit hindi na nila kaya pinipilit pa rin nila.
Sa round 9 Tequila naman ang pinainom namin at tulad kanina lahat sila hirap na hirap na at lasing na lasing na.
Sigawan ulit ang crowd ng maubos nila ang laman ng mga baso nila. Kami naman natatawa na sa mga itsura nila, hindi na kasi maipinta ang mga pag mumukha nila at halos lahat sila pinipigil na mag suka.
Last round kaya kabado ang lahat sa ipapainom namin. Kami naman excited dahil sigurado kaming may babagsak sa last round na ‘to at kailangang may maparusahan kami.
Round 10, Jack Daniel naman ang kailangan nilang inumin. Amoy pa lang matapang na kaya mas lalo silang naduduwal.
Close fight at walang gustong malaglag, na una ng naka ubos ang pito sa kanila at tatlo na lang ang hinihintay. 15 seconds pa ang natitira sa tatlo at na una ng nakatapos ang dalawang lalaki.
Si Tin, na lang ang hinihintay nila para mag diwang dahil walang mapaparusahan. Naubos nito ang laman ng baso niya kahit na hindi na niya kinakaya pero hindi siya umabot sa oras kaya naman may parusa pa rin siya.
Parang basang sisiw si Tin, nanlumo ito dahil sayang ang effort niya na ubusin ang mga alak. Nilapitan naman siya ng mga kasamahan niya para i-comfort.
Ang parusa niya ay naka base sa mga mabubunot nila, Kevin, Erik at Dominic.
Ang nag handa ng bunutan at ang punong abala sa larong ito walang iba kundi sa Marco, at hindi niya sinabi sa amin kung ano-ano ang nakalagay dito kaya maski kami tiyak na magugulat sa mabubunot nila.
Bago ang bunutan pinaliwanag muna ni Marco, kung ano-ano ang laman ng bawat fish bowl.
Parang game show 'di ba?
"Sa unang bowl nakalagay kung ilang oras, ilang beses at ilang araw gagawin ang parusa. Sa pangalawa naman kung ano-ano ang magiging parusa. At sa huli kung sinong tao ang kasama sa parusa, pwedeng kasama siya sa parusa o maaring siya ang mag paparusa, basta depende sa kung ano ang mabubunot ng una at pangalawa!”
At tulad ng dati kung sino ang hindi gumawa ng parusa magiging slave ng buong section niya sa buong school year.
Tindi 'di ba?
"Ready, set, go!" Sa hudyat ni Marco, nagsimula na ang tatlo sa pag bunot pero imbis na bumunot si Dominic si Tin ang pinabunot niya dito. Sunod na bumunot si Erik. At sa panghuling bowl si Kevin naman ang na ka toka pero pinasa niya sa akin para daw hindi lang ako tumunganga sa sulok.
Binigyan pa ako ng trabaho ng tukmol na 'to!
Isa isang pinakita ang nakasulat sa bawat papel na nabunot namin.
Binuksan ni Tin ang hawak niya at binasa ito bago iharap sa audience.
Dalawang oras na...
Sumunod naman si Erik. Tinignan pa nito ang hawak na papel ni Tin, saka ngumisi ngisi at hinarap na sa audience ang nabunot niya.
One-night stand kay...
Biglang nanahimik ang lahat para bang nalungkot sila sa mga narinig nila. Napayuko naman si Tin, at halata sa kanya na hindi niya alam ang gagawin niya. Nang mag angat siya ng tingin mapapansing maluha luha na ito.
Na sa kamay ko noon kung sino sa mga lalaki sa loob ng tambayan namin ang makaka one-night stand ni Tin.
Wala akong pakialam kung sino man ang nabunot ko kaya agad ko na itong binuksan at sa hindi ko malamang dahilan bigla akong natigilan.
"Hoy, sino nabunot mo? Ipakita mo kaya!" Tinapik tapik ni Marco ang balikat ko at doon lang ako natauhan.
Hinarap ko na sa kanila ang papel na hawak ko at tulad ko rin natigilan silang lahat.
Sebastian Del Mundo.
Nagulat ang iba at kinakabahan para kay Tin, tumaas naman ang mga kilay ng mga babaeng nangangarap na maranasan ang parusa ni Tin.
Sa apat na taon naming ginagawa ito ngayon lang yata ako medyo kinabahan, hindi ko first time pero bakit hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.
Para hindi nila sabihing madaya bago nila kami ikulong sa kwarto binuksan nila isa-isa ang laman ng bawat fish bowl saka binasa ang mga ito.
Kinulong na nila kami sa pangatlong kwarto ng tambayan namin sa loob ng compound ng school.
Kumpleto ang gamit dito, mula sa kama, sofa, dining table, TV, refrigerator at sariling banyo.
Na upo si Tin sa sofa, naginginig ang kamay at pinag papawisan kahit pa naka todo ang aircon dito. Ako naman nakatayo at nakasandal ang pwetan sa dining table habang pinag mamasdan ko siya.
"Huwag ka ngang tumingin ng ganyan!" Paninita niya sa akin. Nanginginig pa ang boses nito.
"At sino ka naman para utusan ako? Ikaw ang dahilan kaya ako nandito kaya huwag kang mag inarte dyan!" Sagot ko naman.
"Kagagawan niyo 'to at yung kabaliwan niyong mga rules! Mga bwisit kayo!" Aba't may taglay pa lang tapang ang babaeng ito. Hindi pa siya nakuntento at muling nag salita.
"Psycho! Manyak, Diablo!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dali-dali akong lumapit sa kina-uupuan niya.
Hinarang ko ang mag kabilang braso ko sa gilid niya dahilan para makulong siya sa mga bisig ko at mahirapang makagalaw. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya naman pilit itong lumalayo hanggang sa napasandal na ito.
"Wala ka ng kawala!" Inilapit ko ang labi ko sa mga labi niya. Nilihis niya ang mukha niya kaya sa tainga niya ako natapat ngayon.
"Ayaw mo? Sige lalabas na ako at sasabihin kong hindi mo ginawa para yung isang parusa ang gagawin mo! I think kaya mo naman 'yun!"
"I'll give you three seconds to decide."
Nag simula na akong mag bilang at ng akmang tatayo na ako bigla naman niya akong hinila pabalik sa kanya dahilan para mag lapit ang mukha namin.
Isang segundo pa lang yata akong natingin sa kanya ng bigla niya akong halikan.
Ramdam ko na parang naninigas ang katawan ko at ramdam ko rin ang pablis na pabilis na t***k ng puso ko, parang may karerea ng mga kabayo sa loob ko na parang kahit anong oras pakiramdam ko bigla na lang silang kakawala.
Nanatili akong walang reaksyon kahit na nakakadala na ang ginagawa niyang pag halik sa akin.
Mainit. Malalim. Madiin.
Yaan ang naramdaman ko habang hinahayaan ko siyang halikan ako. Bumitiw siya ng mapansing hindi ako tumutugon sa bawat halik na ginagawa niya.
Parehas kaming nag hahabol ng hininga at para bang nabunutan kami ng tinik ng humiwalay siya mula sa mga labi ko.
Hahalikan ko na siya ng bigla namang takpan niya ang bibig niya, akala ko nabahuan siya sa hininga ko pero hinanap niya sa akin ang banyo kaya alam ko na kung ano ang gusto niyang gawin
Halos hindi na siya makatayo kaya inalalayan ko siyang mag lakad at ng makarating na kami sa loob ng banyo tanging pag susuka niya lang ang naririnig ko.
Kahit hindi ako lasing at konti lang ang na inom ko feeling ko any moment mag susuka na rin ako kagaya niya.
Pucha, ang asim at ang baho ng loob ng banyo!
Hinang hina na siya at halos hindi na maka lakad kaya naman inalalayan ko ulit siya pabalik sa sofa pero hinahawi niya ang mga kamay ko at hindi lang pala basta hawi dahil may kasama pa itong pag hampas.
"Bahala ka!"
Sinundan ko na lang siya ng tingin sa kung saang direksyon siya dadalin ng mga nanlalambot niyang mga paa at nahihilo niyang paningin
Pabagsak siyang humiga sa kama. Sumunod naman ako ka agad at tinakpan ng kumot ang mga binti niya.
Para kang gago Seb, imbis na sunggaban mo na tinakpan mo pa! Iiling iling kong sinabi sa sarili ko.
Ilang minuto ko siyang pinagmasdan habang nakahiga, sinusuri ang buong mukha niya. Hanggang sa mapatigil ako sa labi niya at sa pag kakataong iyon nakaramdam na ako ng init sa aking katawan at pagnanais na bigyan siya ng mainit na halik pero hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil bigla na lamang kumuyom ang aking mga kamao na para bang nag sasabing pigilan ang aking nararamdaman.
"Wala ka pala eh, one-night one-night stand pa kayo ni hindi ka nga makahalik!" Garalgal ang boses nito na nilait ako.
Nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis akong nag punta sa kama kung saan siya nakahiga at marahas na hinawakan ang mukha niya palapit sa akin.
"Galit ka na niyan?" tatawa tawa niyang tanong habang tinatapik tapik ng palad niya ang pisngi ko.
"Talagang pinaiinit mo ang ulo ko!"
Hahalikan ko na sana siya ng bigla naman itong mawalan ng malay!
Knock out!
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa headboard ng kama.
Sayang makakaganti na sana ako!
Malapit ng mag dalawang oras kaya ginising ko na siya, medyo humupa na ang pag ka lasing niya kaya maayos na rin ang boses nito pero yung utak niya hindi ako sigurado.
Bigla siyang bumangon ng ma realised niyang mag ka tabi kami sa kama, "Hoy, huwag kang lalapit sisigaw ako ng rape." Hinila niya ang kumot saka pinalupot sa katawan niya.
"Ikaw pa talaga ang sisigaw ng rape?" Iniwan ko siya sa kama at dumiretso ako ng CR.
Kailangan kong guluguluhin ang buhok at ang suot ko para hindi sila mag hinala. Sumunod naman si Tin sa banyo at na abutan niya akong nilulukot ang suot kong polo.
"Huwag kang sumigaw dito ng rape at wala namang makakarinig sa'yo!" bumalik na ako sa ginagawa ko. Nakita ko naman sa salamin ang pananahimik niya kaya hinila ko siya ng marahas palapit sa akin, nag pumiglas ito pero hindi ako nag patalo kaya hindi rin siya nakawala sa akin.
"Halikan mo yung leeg ko at yung kwelyo ng polo ko." Utos ko sa kanya. Halata namang nag tatakha ito sa inutos ko.
"Ha? Ba't ko gagawin yun?"
"Pwede ba gawin mo na lang at wala na tayong oras!" Inagaw ko ang bag niya at hinalungkat ito at ng makuha ko na ang pula niyang lipstick agad ko itong binuksan at iniabot sa kanya.
"Kapalan mo yung paglalagay mo sa labi mo para bumakat sa damit at leeg ko."
Kahit hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ko mabilis naman niya itong ginawa. Hinalikan niya ako sa leeg at at ganoon din sa kwelyo ng polo ko. After nun ginulo gulo ko naman ang buhok at damit niya.
"Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong niya. Hindi ko siya pinakinggan at tuloy lang ako sa ginagawa ko dahil isang minuto na lang ang mayroon kami para mag mukhang pagod at haggard.
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang mga kaibigan ko at iba pang studyante. Nag sisigawan ang lahat at nag paputok pa ng confetti.
"Mabuhay ang bagong binyag!"
"Masarap ba Tin?"
"Iisa pa yan. Iisa yan!"
"Mag round two na kayo bukas!"
"Seb, anong lasa ni Tin?"
Ilan lang yan sa mga narinig kong sigawan ng mga tao bago ako tuluyang umalis at iwan siya doon.