Lumipas na naman ang isang linggo at this time hindi na ako nababagot sa bahay kasi bukod sa Korean drama marathon na libangan ko, na humaling naman ako ngayon sa pag gawa ng diamond paintings. Nakakapagod at medyo masakit sa mata at kamay pero bawing bawi naman kapag natapos mo na. Dalawa na rin yung natapos ko at medyo maliit lang naman ang mga 'to kaya nag order pa ako ng mas malaki sa dati pero si Mama at Cedric napapailing na lang sa tuwing may dadating akong order from different online store. Akala siguro nila wala na akong magawa kaya kung ano-ano na yung mga inorder ko. Maaga akong gumising para ayusin yung table at iba pang gamit para sa diamond painting na sisimulan ko at saka ako naligo para wala ng istorbo sa pag gawa ko mamaya pero hindi pa man din ako nag sisimula sandamakm

