Sebastian's POV "Malapit ka ng umalis pero pangalan at edad mo pa lang yata ang alam ko. Pwede ka bang mag kwento para naman hindi tayo mainip sa kakahintay sa mga isda." Late na akong nakatulog at maaga naman akong gumising dahil sa pangingisdang gagawin namin ngayon ni Mang Teban, tapos gusto niya akong mag kwento tungkol sa buhay ko. Mag aalas singko pa lang ng umaga at hindi pa talaga tuluyang nagigising ang isip at katawan ko. Hindi ko siya sinagot kaya muli na naman siyang nag tanong. "Na sa abroad din ba ang mga magulang mo?" "Dati po, pero ngayon mas madalas na sila dito sa Pinas." "Ilan pala kayong mag kakapatid?" Parang matandang version lang ni Rocco ang kausap ko ngayon. "Tatlo po kami, isang babae at dalawang lalaki. Ako po yung bunso." "Ah, babalik ka na ba agad sa t

