Celestine's POV
Make up na lang ang kulang at pwede na akong umalis pero habang nakatingin ako sa salamin bigla namang pumasok si Cedrick sa kwarto ko. Tinignan ko siya pero wala itong imik at tahimik lang na pinag mamasdan ako. Pagtapos kong mag ayos humarap ako sa kanya habang nananatili sa kina-uupuan ko.
"Gandang ganda ka sa ate mo 'no?" Umirap ito saka umarteng nasusuka, tumigil lang siya ng hilain ko ang buhok niya. "Ate naman galawin mo na ang lahat huwag lang ang buhok ko!" Mukhang nag bibinata na talaga, conscious na sa sarili, "Ang arte, bakit ba kasi kanina ka pa nakatitig may sasabihin ka ba?" Kinuha niya ang swivel chair ko saka tumabi sa akin, "Hanggang kailan ka doon ate?" Medyo may halong lungkot ang tono ng boses nito.
"Actually hindi ko rin alam pero sana saglit lang para naman mas makasama ko pa kayo ng matagal dito." Tatango tango naman ito sabay labas ng cellphone niya. Pinakita niya yung picture ng idolo niyang photographer.
"Oh, anong meron dyan?"
"Si SDM yan, kaso lang nakatalikod. Bakit kaya ayaw niyang ipakita yung mukha niya ano sa palagay mo ate?"
"Malamang may pinag tataguan siya or ayaw niyang makilala siya ng mga tao?"
Hindi na yata naalis sa pag uusap namin ang SDM na 'yan! Lagi siyang bukang bibig ni Cedrick! Ano bang meron sa taong 'yan at ganoon na lang ka attached yung kapatid ko sa kanya.
"Oo nga pala ate may itatanong ako." Medyo kinabahan ako kasi seryoso ang mukha niya.
Huwag naman sana yung tungkol na naman sa inumaga ako ng uwi.
"Good kisser ka ba?" Napatayo ako bigla sa kina uupuan ko mas nakakashock pa yata ito sa tanong na inaasahan ko.
"Hoy, saan mo ba natututunan 'yan. Ang bata mo pa para sa mga tanong na ganyan!" Nginitian ako ni Cedrick, sabay tusok ng daliri sa bewang ko, "Si ate defensive hindi marunong humalik. Dapat daw kasi good kisser ka."
"At sinong nag sabi tatadyakan ko ng 7 times?!"
"Si SDM."
SDM na naman?
Napailing na lang ako at hindi na siya sinagot. Kinuha ko na ang mga gamit ko para ibaba at tinulungan naman ako ni Cedrick. Habang pababa na sa hagdan tuloy pa rin ang mga tanong niya. Talaga bang kapag na sa ganitong edad sobrang dami ng gustong malaman. Bakit noong teenager ako hindi naman ako ganito kadaldal!
"Ate may nakalimutan ka yata?"
Huminto ako para tignan ang mga gamit ko pero sa palagay ko kompleto naman at wala akong ibang nakalimutan, "Wala naman!" Kunot noong sagot ko at nag patuloy sa pag lalakad.
"Meron, yung favourite bracelet mo na pinag yayabang mo pa sa akin na may kamahalan."
Tinignan ko ang kanang kamay ko at wala nga ang bracelet ko. Kinabahan ako bigla kasi may kamahalan talaga 'yun at customize pa kaya sayang naman kung mawawala. Yuon din kasi ang unang gamit na nabili ko noong unang sweldo ko sa New York, kaya sobrang special nun sa akin.
"Ano ate hanapin ba muna natin?" Umiling ako kasi mauubos ang oras ko kung hahanapin ko pa siya. Pero sana talaga na sa kwarto lang siya at hindi ko nawaglit kung saan.
"Pag-uwi ko na lang Ced, baka kasi hindi ako umabot sa flight ko." Tumango siya at sinamahan na akong mag hintay ng GrabTaxi sa labas ng gate namin.
Buti na lang hindi ako inabot ng isang oras sa daan at narating namin agad ang Airport. 2:30 pm ang flight ko pero na delayed ng isang oras kaya 3:30 na ng maka alis kami sa NAIA. Habang na sa eroplano bigla namang pumasok sa isip ko yung bracelet ko.
Saan ko nga ba siya nawala? Siguro nung na sa Bar kami?
Shit bakit pa pumasok na naman sa isip ko 'yun?!
Tigilan mo na nga ang pag iisip at malamang na sa kwarto ko lang 'yun hindi ko lang alam kung saan ko siya nailagay pero wala sa Bar at kung saan man!
Dapat iwan ko na sa Manila yung nangyari sa amin at huwag ng dalin sa Coron, gusto kong mag enjoy at ayaw ko ng dagdagan ang stress ko.
Almost fifty minutes yata ang naging byahe, nakatulog kasi ako kaya parang ang bilis ng oras. Habang na sa Airport ng Busuanga tumambay muna ako sa isang coffee shop at doon hinintay ang sundo ko.
Hindi alam ng manager at kahit mga staff ng Transient na dadating ako dahil hindi naman ako sa kanila nag pasundo. Sa ibang Van ako sumakay at sa loob lang ng 30 minutes narating ko na ang Coron Town Proper.
Alisin ang stress at i-enjoy ang Island.
Mag aalas singko na ng hapon ng dumating ako sa Villa, walang tao dahil malamang pa uwi pa lang sila Mang Teban galing sa Island Hopping, si Aling Ester naman baka mamayang alas sais pa dumating dahil may part time job din ito sa hapon.
Kung ganoon solo ko ang Villa.
Pag tapak ko sa sala bigla kong naalala lahat ng ginagawa namin dito noong bata kami. Sana bata na lang ulit para walang stress at puro kain at laro lang ang inaatupag.
Malaki ang space sa loob pero magulo pa ring tignan dahil hindi pa ito tapos kaya naman kung ano-ano lang na sala set at dinning set ang nakalagay dito. Ito yung next na gusto naming ipagawa ni Mama after ma renovate ang transient pero dahil mas kailangan ni Cedrick ang pera para sa dialysis niya kaya siya muna ang uunahin namin at saka na muna siguro ang pag papa-ayos sa Villa.
Binuksan ko ang kwartong madalas kong gamitin kapag nandito ako pero nabigla ako ng makitang may mga gamit na dito. Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto hanggang sa bathroom at mga cabinet.
Bakit puro panlalaking gamit ang nandito at bakit parang pamilyar yung amoy.
Ang tagal kong nakatayo at nakatitig sa mga gamit na nasa harap ng Dresser Table na ginagamit ko. Isang mamahaling perfume, toner, moisturizer, deodorant, powder, lotion, alcohol at sunblock ang mga nakalagay dito at ng buksan ko ang cabinet mga damit naman na panlalaki ang mga nakasabit dito, may isang pares din ng sapatos at aqua shoes na nakalagay sa likod ng pintuan.
Tinignan ko pa ang ilang gamit na nakalagay dito. May laptop sa table at katabi nito ang isa pang camera na parang pang underwater yata at isang drone.
Ano 'to, bakit hindi ko alam na may nakatira dito?
Bago ko pa tawagan si Mang Teban, dumating naman ang asawa niyang si Aling Ester at nadatnan niya ako sa kwarto. Tinignan ko siya na parang nag tatanong.
"Tin, kailan ka pa dumating, bakit hindi mo sinabi sa amin para na pasundo kita sa airport." Hindi ko alam kung bakit parang relax lang si Aling Ester at hindi man lang nagtatakha kung bakit na sa loob ako ng kwarto na occupied na pala ng ibang tao!
"Kailan pa po kayo nag patuloy ng ibang tao dito? At bakit hindi ko alam?" Medyo hindi maganda ang tono ng boses ko dahil first time na mangyari na hindi man lang ako na inform na may pinapatuloy pala silang ibang tao dito habang wala kami!
"Bisita siya ni Carlo, at ang sabi niya alam mo na raw ang tungkol dito kaya huwag ka na raw naming tawagan pero sabi ko ipapaalam ko pa rin sa'yo pero ang sabi naman niya busy ka at siya na raw ang mag sasasbi."
Napa iling at buntong hininga na lang ako. Si Kuya Carlo pala ang may kagagawan kaya pala iniiwasan niya ako dahil may kalokohan na naman siyang ginawa at dinamay pa niya ako sa pag sisinungaling niya.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Ang akala ko sa bahay lang ang stress at sa trabaho pero meron din pala dito sa Coron.
"Sino raw siya?"
"Ano raw siya ni Kuya?"
"At bakit naman nagkaroon siya ng guess dito?"
"Hanggang kailan siya dito?"
Pansin ko na medyo natataranta si Aling Ester sa sunod sunod na mga tanong ko kaya naman hindi ko na dinagdagan pa at hinintay ko na lang na sagutin niya ang mga ito.
"Kaibigan daw siya ng kuya mo kaya dapat special ang asikaso sa kanya at isang buwan daw siyang titira dito."
Seriously. Isang buwan sobrang tagal naman yata nun?!
"Eh paano po yung bill ng kuryente ng tubig at pati pag kain nung kaibigan niya, sino po ang gumagastos para doon?"
"Sabi ni Carlo mag papadala raw siya ng pera every week para sa mga bills at pag kain."
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Aling Ester, bigla namang dumating si Mang Teban. Napaharap tuloy ako sa kanya na nakakunot ang noo.
Masayang nakangiti si Mang Teban sa akin habang ako naman pinipilit na ngumiti, "Kailan ka pa dumating ang akala ko na sa New York ka pa?" Nakita kong siniko siya ni Aling Ester, siguro para tumigil ng kakatanong at sabihin din sa akin ang nalalaman niya tungkol sa guess ni Kuya.
"Na saan po yung guess niyo?" walang ganang tanong ko.
"Hindi kasi kami nag kita kanina at iniwanan lang namin siya ng pag kain, pero siguro nag lilibot lang 'yun doon sa labas. Si Seb ba ang pinunta mo dito ang sabi kasi ni Carlo kaibigan niyo siya."
Kaibigan? At Teka tama ba 'ko ng dinig, Seb?
"Sino po ulit?"
Sasagot na sana si Mang Teban ng bigla namang dumating ang mga anak nilang si Rizza at Rocco. Tama nga ang na sa isip ko na magiging reaction nila. Natigilan pa sila na tila ba hindi makapaniwala na nasa harap nila ako ngayon. Buti na lang din dumating sila para kahit papaano lumamig naman yung ulo ko at mawala saglit sa isip ko ang kalokohan ni Kuya.
"Ate, Tin." Sigaw nilang dalawa sabay takbo papunta sa akin. Niyakap nila ako at saka nag simula ng mag tanong ng kung ano-ano pero binawal sila ni Aling Ester, dahil hindi pa sila nag papalit ng damit at kasalukuyan pang naka suot ng school uniform.
"Bakit ngayon lang pala kayo 'di ba exam ngayon kaya dapat maaga kayong naka uwi?"
"Opo Tay, pero kasi nakasalubong namin si Kuya Seb, kanina habang pa uwi kami at inaya niya kaming mag Ice Cream kasi po sobrang init kanina at nawala ko po kasi yung payong namin ni Ate."
Bakit ba sa twing maririnig ko ang pangalang 'yun bigla na lang akong kinakabahan. Hindi naman siguro iisang tao lang ang kilala kong Seb at ang Kuya Seb na tinatawag nila.
"Eh, na saan si Seb?" tanong ni Mang Teban.
"Iniwan na namin siya sa labas kasi may kausap siya sa cellphone." Sagot ni Rizza.
"Binilan pa nga po niya kami ng payong bago umuwi. Ang bait ni Kuya Seb, Tay." Dagdag pa ni Rocco.
Nag paalam muna si Aling Ester na mag luluto na ng hapunan at uuwi naman ang dalawang bata para mag bihis kaya ako lang at si Mang Teban ang naiwang mag ka usap.
"Pasensya ka na Tin, dapat tinawagan ka pa rin namin kahit na sinabi ni Carlo na alam mo ang tungkol dito. Hindi ko naman kasi akalain na siya lang ang nakakaalam nito, pero huwag kang mag alala mabait naman si Seb."
Habang tumatagal na cu-curious na ako sa mukha ng Seb, na 'yan. Sino ba talaga siya at bakit si Kuya ang nag babayad ng accommodation niya.
"Pasensya na rin po kayo sa naging reaction ko, nabigla lang po ako dahil ang ine-expect ko ako lang ang titira dito."
"Ay, oo nga pala. Paano 'yan kasama mo si Seb, dito? Gusto mo ba kausapin ko siya kung pwede sa transient na lang muna siya mag stay, mabait naman 'yun at maiintindihan niya."
Maganda sana yung idea ni Mang Teban, pero nakakahiya doon sa tao lalo na hindi ko pa naman alam ang naging set up nila ni Kuya.
Nakakakonsenya naman kung palilipatin namin siya bukod sa naka ayos na yung gamit niya sa kwarto panibagong pagod na naman ang aabutin niya.
"Baka po ako na lang ang mag stay sa transient."
"Sigurado ka ba na okay ka doon, eh nag re-renovate sila."
"Mas okay nga po yuon kasi mas malapit ako kasi yung renovation din po ang dahilan kung bakit ako pumunta dito."
Hindi na nag salita pa si Mang Teban, paniguradong nabigla siya at nag iisip din ito ng paraan para maayos yung sitwasyon ngayon. Pero bakit ba naisipan kong sabihin 'yun, eh ayaw ko naman talagang mag stay sa Transient. Pwede naman bawiin kaya okay lang at saka kami kaya ang may-ari nito kaya kung may lilipat man dapat yung guess ni Kuya Carlo 'yun at hindi ako!
"Hintayin na lang po siguro natin yung guess para makilala at makausap ko rin siya at kung paano yung set up nila ni Kuya." Tumango tango si Mang Teban at nag paalam na tutulungan niya lang na mag hain si Aling Ester ng hapunan, ako naman naiwan sa sala tulala at hindi ko alam kung ano ba ang una kong iisipin.
Kung sino ba talaga yung Seb na 'yan at kung bakit si kuya ang nag babayad ng accommodation niya at bakit dito pa talaga siya sa Villa pinatuloy ni Kuya eh, pwede naman sa transient na lang.
Na pagod na akong mag isip pa kaya tinulungan ko na lang sila Aling Ester na ayusin ang lamesa. Sakto namang dumating sila Rizza at Rocco at kasama na nila yung kaibigan daw ni Kuya.
"Nay, kasama na namin si Kuya Seb." Sigaw ni Rocco.
Bakit parang kinakabahan ako, eh samantalang first time ko lang makikita ang Seb, na 'to. Malabong ang kaibigan ni Kuya Carlo na Seb, ay ang kilala kong ding Seb. Maraming taong may pangalang ganon kaya malabong mangyari ang na sa isip ko.
Relax ka lang Tin!
"Pasensya na po kayo nag pasama po kasi ako sa dalawang bata na kumain." Medyo pamilyar yung boses pero hindi ko masyadong maaninag yung mukha dahil naka suot ito ng cap.
Habang papalapit siya sa lamesa lalo namang bumibiilis yung kabog ng puso ko napahawak pa nga ako sa dibdib ko dahil sa taranta. Hindi ko alam kung nasusuka ba ako o na jejebs? Daig ko pa yung na sa panel interview kung kabahan.
Napayuko na lang ako ng tanggalin na niya ang suot niyang cap at humarap pa na ito sa akin.
Kaya pala ganoon na lang kung kabahan ako! Bakit ba kailangang mag kita pa ulit kami?
Nang magtaas na ako ng tingin nakita kong gulat din ang naging reaction niya at hindi rin ito makapag salita. Hindi namin parehas na napansin na ilang segundo na rin pala kaming nagtititigan.
Naalis lang ang tingin ko sa kanya ng mag salita si Rocco, "Masama po ang pinag hihintay ang grasya."
Pina upo na ni Mang Teban sa tabi niya si Seb, na katapat ko naman. So paano ako kakain nito?
Parang nawala yata yung gutom ko.
Para bang gusto ko na lang lumubog sa kina uupuan ko. Bumabalik na naman sa isip ko yung nangyari sa amin sa Bar!