Chapter 5

2062 Words
Celestine’s POV “Aba may pakain na may painom pa, sa apat na taon nating mag ka trabaho at mag kakilala parang ngayon lang yata kita nakitang uminom, anong meron Celestine Cortez, spluk mo na yan.” Abot tenga ang tuwa ni Vicki sa twing makakakita ng alak, hindi siya lasinggera pero ito kasi ang comfort food at drink niya ang uminom ng alak. Hindi ko siya masisisi sa laki at bigat ba naman ng stress na inaabot namin sa trabaho kailangan talaga namin ng karamay at para sa kanya alak sagot. “Ano ka ba na approved na kasi yung naka tengga niyang leave kaya ang beshie natin mag papakalayo-layo muna!” Nag apir pa ang dalawa saka ako pinag gitnaan. Parang alam ko na yung na sa isip ng dalawang ito. Gawain kasi nila ang gitgitin ako kapag may gusto silang malaman. Interrogation na naman ba 'to? “Ah may sense naman pala, ‘di ba nga kasi hindi ka umiinom dahil naaalala mo yung pinagawa sa’yo noong na sa high school ka pa… What his name nga ulit, sino nga ulit yun Wax?” Na pabuntong hininga na lang ako dahil nag sisimula na naman ang dalawa na asarin ako. “Seb, right Tin? Si Seb yung first kiss mo?” “Ayiee, yung baby girl namin naalala yung first kiss niya.” Expect ko na yung mga ganito nilang pang-aasar kaya hindi na ako napipikon at sanay na rin kasi ako sa mga galawan nila at ganoon din sila sa akin. Pero ang marinig ulit ang pangalan ng lalaking ‘yun, hindi pa yata at ayaw kong masanay. No. Never! “Alam mo I try to search him pero sa dami ba naman ng may pangalang Seb sa social media, eh hindi ko alam kung sino siya sa kanila. Kailan mo ba kasi siya ipapakilala sa amin.” Nakangising tanong ni Wax, napakunot naman ang noo ko at nagulat sa tanong niya. “Hello, hindi ko siya boyfriend o kahit kaibigan kaya bakit ko siya ipakikilala sa inyo at saka may sariling buhay ‘yun kaya huwag na natin siyang pag usapan baka mamaya masamid pa siya!” “Daming explanation, defensive ka ghorl?” pa tawa-tawanag sagot ni Wax, na nag umpisa na namang mag search sa cell phone niya. Hindi yata talaga ako titigilan ng mga ito hanggat hindi nila nakikila si Seb. “Ex-boyfriend mo siya ‘di ba, it means na sa past na siya kaya pwede na pag usapan at lalong lalo na ang makita ang mukha niya.” Nasasabik ba paliwanag ni Vicki. Then I realised na tama naman sila na sa past ko na siya kaya pwede ng pag usapan at alam ko naman na this time hindi na ako pakakawalan ng dalawang ito hanggat hindi nila nakikita at makilala si Seb. Nilabas ko ang cell phone ko at pag bukas ko pa lang nito nakatingin na agad sila sa screen nito, “Ay grabe excited lang?” ngumiti ang dalawa saka tumango. Hindi man lang sila kumontra at umamin agad. Sa apat na taon naming mag kakasama hindi nila ako nakitaan ng boyfriend at ka date, merong nanliligaw pero yung romantic relationship wala pa, kaya siguro ganoon na lang sila kung masabik. Hindi ko friend si Seb, sa kahit anong social media account ko at to be honest never ko siyang sinearch kaya sa profile ni Dominic na lang ako nag punta. “Huy akala ko ba Seb yung name bakit Dominic yan? Seb Dominic Valdez, ba ang full name niya?” tanong ni Vicki. Inagaw naman ni Wax, ang cell phone ko. “Ay besh ang pogi naman nito bakit naman kayo nag break?” Inagaw ko ang cellphone ko mula kay Wax, at pinagpatuloy ang ginagawa ko, “Hindi siya, friend niya kasi si Seb, kaya for sure may picture siya nito!” bulalas ko! “Grabe siguro naging break-up niyo kaya kahit sa social media naka block ang isa’t isa sa inyo?” “Oo nga naisip ko na rin yan dati, sagutin mo kaya yung tanong ni Wax, hindi yung busy-busyhan lang?” “Sabi mo naman dati mabait siya at boyfriend material talaga, eh bakit ka bumitaw?” “Alam mo besh feeling ko talaga may hindi pa kinukwento sa atin si Tin, kaya spluk mo na yan para naman may pag chichismisan kami ni Wax, dito habang wala ka.” Habang dumadaldal at kung ano-ano ang tinatanong ng dalawa ako naman abala sa pag hahanap ng picture ni Seb, pero habang dumadaldal sila napapa isip din ako sa mga tanong nila. Ang daming what ifs sa isip ko tapos bumabalik pa lahat ng mga memories naming dalawa. Ano ka ba Tin mag focus ka sa pag hahanap hindi sa pag alala ng mga bagay na matagal ng lumipas! “Nahanap ko na.” mahinang sambit ko. Natigilan naman ang dalawa at tinuon ang atensyon sa screen ng cell phone ko. “Sino siya dyaan?” tanong ni Wax, “Yung na cap ng black.” sagot ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong natulala ang weird ng pakiramdam ko, tapos bakit kumabog yung dibdib ko? Ganito ba talaga kapag matagal mong hindi nakita ang taong iniiwasan mo? “Hoy, akala ko gwapo na yung Dominic na friend niya pero bakit mas gwapo yung Seb mo... ex mo pala.” Hindi na nakatiis pa si Wax, at muling inagaw ang cell phone ko. Si Vicki naman hinawakan ako, “Besh okay ka lang? Mahal mo pa yata siya.” Hindi ko alam kung nag aalala ba siya o nang iintriga? “Hoy, ano ka ba ang tagal na nun, at saka simula kasi nung mag hiwalay kami ngayon ko na lang ulit siya nakita. Hindi ba pwedeng nagulat lang ako?” Lumingon naman si Wax at binigyan ako ng nakakainis na tingin, “As in ngayon lang, bakit hindi mo ba siya sinubukang tignan sa mga social media account mo kahit once lang?” “Maniwala kayo o sa hindi. Never kong ginawa!” Iiling-iling naman si Vicki na parang na dismaya sa sinagot ko, “Sayang naman kasi bagay kayo!” Zinoom-in ni Wax ang picture na ngayon ay tanging mukha na lang ni Seb ang nakikita saka nito tinabi sa mukha ko, “Oo nga girl may spark, eh." Napa sigaw pa ito ng bahagya, hindi ko alam kung dala na ba ng alak o dahil sa kinilig lang siya. “Ano nga full name niya?” tanong ni Wax, habang ngumunguya ng tacos. “Sebastian Del Mundo.” Sagot ko naman. Uminom ako ng isang lagok ng alak saka sumubo ng konting meatballs mula sa spaghetti. “Oy, bakit ganun I try to search him sa f*******:, i********: at twitter, bakit hindi ko siya makita. Hindi ba uso sa kanya ang social media account.” Childhood, middle school, college at trabaho niya lahat ‘yan hindi papalagpasin ng dalawang ito once na makita nila si Seb, kaya ayaw kong makilala nila yung lalaking 'yun dahil paniguradong mag i-stalk ang dalawang ito about sa kanya at ang nakakatakot pa baka kaibiganin pa nila ito tapos iinis nila ako lalo. Pero bakit nga kaya wala siyang social media account, masyado ba siyang private na tao? “Uy tanong kaya natin sa friend niya kung bakit walang social media account si Ex.” Mabilis kong inagaw ang cell phone ko kay Wax, alam ko kasi na any moment gagawin niya nga ang sinabi niya at baka account ko pa ang gamitin niya tapos ma mis interpret pa ni Dominic at mag mukha akong hindi pa na ka move on sa kaibigan niya. Pero alam kong hindi titigil si Wax sa pinaplano niya kaya naman nilabas na niya ang sarili nitong cell phone at nag kunwaring may kailangan siyang i-check sa email niya, eh halata naman kung ano talaga ang binabalak niya. “Wala ka na bang balita sa kanya after ng break-up niyo?” Duo nga pala ang dalawang ito kaya kahit may inaatupag si Wax, si Vicki naman ang nagtatanong sa akin. “Teka nga, siya ba talaga ang pag uusapan natin magdamag?” Na iiritang tanong ko. “Oo, unless gusto mo ng stress. Pag uusapan natin siya o yung trabaho natin?” Wala akong choice kundi ang pag-usapan na lang siya. Ayaw ko naman kasing iuwi pa ng Pilipinas ang stress ko sa trabaho kaya kahit labag sa kalooban ko wala na akong nagawa kundi hayaan silang mag tanong about sa kanya. “Nakakainis, bakit ba pa mysterious yung ex mo at wala tuloy akong mahagilap na kahit isang post na mag co-conect sa kanya? May pinag tataguan ba ito, bakit wala siyang social media account. Yummy pa naman siya.” Natawa na lang ako sa reaksyon ni Wax, ganyan kasi siya mag react kapag napaoagalitan ng boss namin! Gigil na gigil si girl! Binaba niya ang cell phone niya sa harap ko at dahan dahang i-ni-scroll ito pataas. Napatingin naman ako sa kanya. “Oh nagulat ka? Ako rin eh, hindi ko naman alam na sa dami ng friend ko sa f*******:, friend ko rin pala yung Dominic Valdez na yan.” kuminang ang mga mata nito na para bang may binabalak. May iba’t ibang kuha sila kasama ang buong barkada niya at kung saan saang lugar din ito. Mukhang nag eenjoy naman siya sa buhay niya at tulad pa rin ng dati ang itsura niya medyo nag matured lang ng konti pero to be honest mas gwapo siya ngayon. Welcome back Seb! #FreshfromItaly Sa wakas umuwi na ang no.1 sa lahat. Hala nabuhay si Sebastian? Ninong Seb dami mo ng utang sa inaanak mo? Gwapo pa rin talaga, kaailan kasal? Hoy, miss ka na namin. Ilan lang ang mga ‘yan sa mga comment na nabasa namin sa post ni Dominic, pag ka tapos i-ni-scroll na ulit ni Wax, at doon namin nakita na iba’t ibang bar ang pinupuntahan niya. “Ayun lang, mukhang nababarkada si pogi.” Kung alam lang ni Vicki, na hindi siya na iimpluwensyahan kundi malamang siya ang pasimuno dyan. “Hoy ang judgemental, porke nag ba-bar si baby Seb, babaero na?” tumingin naman kami ni Vicki sa kanya, “Baby talaga?” hindi ko alam kung matatawa ako o maiirita sa reaction niya. “Eh, di sige Baby Seb, mo na lang.” “Nope, sa’yo na lang.” Sagot ko naman. Akala ko lilipas ang oras namin na puro yuon na lang ang topic, mabuti na lang at tumawag ang kapatid ko kaya naputol ang usapan namin at iniwan ko muna sila sandali. “Bukas na yung flight ko, huwag niyo na akong sunduin.” “Wala naman akong sinabing susunduin ka namin.” “Ay grabe siya, eh bakit ka pala tumawag kung ganun?” “Ipapaalam ko lang na need mo mag punta sa Palawan kasi hindi ma asikaso ni Papa yung renovation ng transient.” “Bakit ibang babae na naman ba inaatupag ni Papa?” “Ate, huwag mo ng intindihin yun, bahala ka mag kaka wrinkles ka niyan paano na lang ang future bayaw ko?” “Sira ulo ka talaga. Huwag mong alalahanin ang future bayaw mo for sure busy 'yun sa buhay niya ngayon.” “Ibig sabihin may future bayaw na nga ako?” “Ano ka ba hindi ‘no. Ang ibig kong sabihin hindi pa siya kinakalabit ni Lord para hanapin ako kasi baka malay mo nag papakayaman pa siya para naman hindi ko na kailangan mag ibang bansa pa para mag trabaho.” “Ay, grabe siya. Kawawa naman pala ang future bayaw ko kung ganun.” “Hoy ipapaalala ko lang ako ang ate mo kaya sa akin ka dapat ma awa, kaya mag pahinga ka na kasi nag chat sa akin si Mama kanina, kakagaling mo lang daw sa Hospital para sa dialysis mo. Kaya matulog ka at kumain ng masustansya para mahanap mo din ang future hipag ko, okay?" “Ibig sabihin pwede na akong mag girlfriend?” “In the future nga ‘di ba. Tigilan mo ako sa pag gi-firlfriend na yan, ang atupagin mo ngayon yung health at pag aaral mo.” “Don’t worry ate susundin ko lahat ng utos mo para naman kahit papaano mabawasan yung pag-iisip mo.” “Ang sweet naman pala ng baby brother ko. Sige na nga malapit naman na tayo mag kita, basta tatawag na lang ako kay Mama kapag na sa pinas na ako.” “Okay ate, ingatan mo sarili mo para kay future bayaw. Love you!” “Ikaw talaga puro kalokohan, sige na love you too.” Si Cedrick, na lang yata ang nakakapag pangiti sa akin ngayon, mukhang kailangan na talagang dumating ng future bayaw niya. Nakakamiss din kasi minsan yung feeling na may nag-aalaga at nag aalala sa sa'yo. Na saan na kaya siya? Sana mag kita na kami!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD