Third Person's POV "Alas dies na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi, ano na kaya ang nangyari doon? Hindi naman siguro siya apektado sa mga sinabi ko kanina kasi sa itsura at kilos niya pa lang parang nakikinig lang siya ng storya na galing sa isang libro. Wala yata siyang idea kung totoo na o hindi yung kinukwento ko." Namalagi muna si Seb sa sala para doon hintaying maka uwi si Tin, pero kahit anong paglilibang niya sa sarili hindi naman niya maalis sa isip ang pag-aalala sa dalaga "Kung kailan ko naman kailangang mag puyat doon naman ako tinamaan agad ng antok. Wrong timing naman!" napahampas pa siya sa lamesa sa sobrang pagka dismaya. Habang lumilipas ang oras unti-unti na niyang nararamdaman ang pag pikit ng mga mata niya hanggang sa hindi na niya ito napigilan at tuluyan ng ki

