Third Person's POV
Naisipan ng lumabas ni Tin ng kwarto pagkatapos niyang tignan ang oras sa cellphone niya, "Late na kaya siguro naman na sa loob na siya ng kwarto niya at kasalukuyan ng nananaginip ngayon."
Para maka siguradong wala si Seb sa labas tinapat pa nito ang tainga niya sa pinto at pader ng kwarto niya na para bang maririnig niya talaga ang ingay sa labas, "Tahimik naman at wala ni isa akong ingay na naririnig kaya baka pwede na akong lumabas."
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto saka nilabas ang ulo at kaliwa't kanang tinignan ang paligid, pinatay rin nito ang ilaw na nanggagaling sa loob ng kwarto niya para maiwasang mapansing gising pa siya. Maingat niyang tinatapak ang mga paa niya sa sahig para hindi makagawa ng kahit mahinang ingay habang nag lalakad siya.
Dumiretso siya sa kusina at agad na binuksan ang ref, halos maubos niya ang isang pitcher ng tubig dahil sa sobrang uhaw, "Ang haba rin naman kasi ng tulog ko tapos idagdag pa yung stress na hinaharap ko ngayon kaya sino ba naman ang hindi ma uuhaw sa sitwasyon ko?"
Matapos niyang ma ubos ang tubig nilapag niya ito sa lababo at nag umpisa ng mag hagilap ng pagkain. Na pa sibangot siya ng wala siya ni isang kasirolang nakita o kahit man lang isang mangkok o platong may lamang pagkain.
Muli niyang binuksan ang ref at naghanap ng pwedeng iluto pero gulay at itlog lang ang nakita niya, "Kailangan ko ng protein dahil pakiramdam ko nanghihina ako pero ayaw ko naman ng itlog."
Dismayado niyang sinara ang pinto ng ref at nagtungo na lang kung saan nakalagay ang rice cooker, nagbabakasakaling may laman ito at laking tuwa niya ng makita niyang wala pang bawas ang kanin, "Mainit init pa for sure kakatanggal lang sa saksakan nito."
"Pero na saan ang ulam?" tanong niya sa sarili niya sa isip niya habang nakatitig sa kanin.
Late na niyang na realize kung bakit walang bawas at mainit pa ang kanin ng biglang may pamilyar na boses na narinig niya, "Gutom ka na?"
"s**t! Bakit gising ka pa?" dismayado niyang tanong sa isip niya.
Pinakalma niya muna ang sarili niya saka mabilis na nilingon ang binata pero binawi niya rin ito agad. Nagkunwari na lang si Seb na hindi niya nakita ang kilos ni Tin at nag patuloy na lang sa ginagawa niya.
"Saan ba siya galing at bakit gising pa siya?"
Pagkatapos ayusin ni Seb ang mga binili niyang pagkain lumapit siya kay Tin at tinapik ang balikat nito, "Umupo ka na doon at ako na ang kukuha ng kanin." Mabilis naman niyang sinunod ang utos sa kanya kaya lumakad na ito papunta sa dinning table na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata.
Pangiti ngiti naman si Seb habang nag sasandok ng kanina. "Awkward na siya sa akin kaya it means naalala na niya yung mga ginawa niya kagabi. Mukhang magigig masaya 'to."
Alam niyang mananahimik lang si Tin kaya naman hindi na niya itong hinintay na mag salita at siya na mismo ang nag lagay ng kanin sa plato niya at saka nilapit ang tatlong putahe ng ulam na binili niya sa labas kanina.
Tahimik at full attention si Tin sa pagkain habang si Seb naman hati ang atensyon sa pagkain at cellphone niya. Pa lihim na sinusulyap sulyapan ni Tin si Seb pero ang hindi niya alam mas nakatuon ang atensyon nito sa kanya kaysa sa hawak niyang cellphone at pagkain sa harapan niya.
Kung magaling umiwas ng tingin si Tin, magaling naman magkunwari si Seb na walang pakialam.
"Sobrang busy ba at pati sa harapan ng pagkain hindi mabitawan yung cellphone?"
Dahil hindi naman pagkain ang inatupag ni Seb kaya na una ng natapos si Tin, pero siya na sa kalahati pa lang ng kanin at ulam niya. Nahihiya siya na iligpit ang pinagkainan niya habang kumakain pa si Seb kaya kahit sobrang awkward na sa kanya ng sitwasyon nila pinili pa rin niyang manatili sa hapag kainan at hintayin an matapo si Seb.
Alam ni Seb na isa sa mga ugali ni Tin ay ang magbalik ng pabor o magandang nagawa sa kanya kaya alam niya rin na hindi basta aalis si Tin at magkukulong sa kwarto habang nakikita niyang may nakakalat pa sa lamesa.
"Ganyan nga Tin, hintayin mo ako at mag uusap pa tayo."
Palihim niyang iniiripan si Seb habang nakatuon ang atensyon nito sa kinakain niya, "Bwisit ka, sinasadya mo pa yatang mag tagal pa!" bulong ni Tin sa isip niya.
Nang matapos na si Seb, walang imik na tumayo si Tin at kinuha ang mga plato nila saka dinala sa lababo para urungan, pagkatapos bumalik siya para iayos ang mga natirang kalat sa lamesa habang pinagmamasdan naman siya ni Seb.
"Nagmamadali ka ba?" na ka ngiting tanong ni Seb. Nilingon naman siya ni Tin habang nag pupunas naman ng lamesa, "Oo, gabi na kasi!"
"Pero kakagising mo lang kaya for sure hindi ka pa aantukin niyan."
Hindi na siya inimik pa ni Tin at nagtungo na lang ulit sa lababo, "Bwisit na 'to, mukhang balak pa yatang demonyohin yung gabi ko."
Pabalik na sana siya sa kwarto niya ng biglang tumayo si Seb at hinarang ang kaliwang kamay niya dahilan naman para mapahinto ang dalaga sa paglalakad dahil kamuntikan ng matamaan ang leeg niya. "Ano ba!" naiinis na bulyaw nito.
Unti unting lumakad papalapit sa kanya si Seb kaya naman unti-unti rin siyang napapahakbang paatras at hindi na niya namalayan na sumandal na pala siya sa lababo at wala na siyang hahakbangan pa. Kinakabahan man dahil iniisip nito na baka dahil sa mga ginawa niyang kalokohan kagabi kaya ganito ang kinikilos ni Seb ngayon, pero dahil ayaw niyang mangyari ang iniisip niya kaya inunahan na niyang sindakin si Seb para tumigil sa binabalak nito.
"Ano bang problema mo?!"
Hindi naman nagpatinag ang binata sa pinakita ni Tin, at imbis na matakot lalo pa siyang ginanahang kausapin ito. Humakbang siya palapit kay Tin saka yumuko ng bahagya para magkalapit ang mga mukha nila pero umiwas naman ng tingin si Tin, "Iniiwasan mo na naman ba ako?"
"Hindi!" mahinang sabi niya saka tinulak si Seb palayo sa kanya. Hindi siya handa sa ginawa ni Tin kaya na pa atras siya pero mabilis rin siyang nakabalik ng makitang tatakas si Tin sa kanya. Kinulong niya ang dalaga sa bisig niya at magkabilang nakahawak sa tiles ng lababo.
Muli niyang nilapit ang mukha niya, "Eh bakit hindi mo ako matignan sa mata."
Nilingon naman siya nito, "Ilayo mo kaya yung mukha mo para makatingin ako sa mata mo!"
Sinunod naman niya ito at tinaas pa nga ang dalawang kamay na para bang sumusuko, "Okay na ba yung ganito kalayo?" pilyong sabi niya.
Napasandal naman siya sa lababo saka naghalukipkip ng kamay, "Talent mo talaga yung mambwisit ng tao 'no?!"
"Actually sa favaourite ko lang." sabay ngiti at kindat.
Lumakad na ulit palayo si Tin pero sinundan naman siya ni Seb at dahil sa sobrang pagka rindi kaya napilitan ng huminto ang dalaga sa paglalakad saka ito binulyawan, "Ano ba?!"
Pinapakalma niya si Tin pero unti unti rin naman siyang dumidistansya, "Chill ka lang. Teka suot mo pa rin pala?" Kinuha ni Seb ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing pero binawi rin ito agad ni Tin.
"Kainis ka naman Tin, bakit ba kasi hindi mo hinubad 'yan kanina bago ka lumabas ng kwarto!" bulong niya sa isip niya.
"Huwag mo nga akong hawakan!" Banta niya.
"Opo madam, pero in one condition."
"Ano na naman?"
"Let's talk."
Habang nakatitig kay Seb nag iisip na siya ng pwede niyang gawing dahilan para makatakas sa kanya. "Oo nga pala pinapakuha na ni Chari yung singsing."
Nilahad naman ni Seb ang kaliwang kamay niya, "Kunin mo na." Naka ngiting sabi niya na kinainis naman ni Tin, "Tanggalin mo na kaya!" naiinis namang tugon ng dalaga.
"'Di ba ikaw yung nag suot sa akin nito kaya ikaw na yung mag tanggal."
"Hindi ako nakikipag biruan sa'yo!"
Lumapit naman si Seb sa kanya, "Hindi rin naman ako nagbibiro."
"Ano ba!!!" ramdam na sa tono ng boses ni Tin ang inis pero sige pa rin sa pang aasar si Seb sa kanya, "Bakit ba?"
"Ibigay mo na kasi!"
"Kaya nga kunin mo sa daliri ko. Hindi naman big deal 'yun."
Kinuha niya ang kamay ni Seb saka tinaas pero marahas niya rin itong binaba, "Hind na baldado yung kamay mo kaya ikaw na ang magtanggal!"
"Pagkatapos kitang alagaan kagabi nakuha mo pa akong saktan ngayon—"
"Hoy kanan yung injury mo kaya tigilan mo ako sa paawa mo, hindi eepekto 'yan."
Sumibangot naman si Seb, "Sabi ko nga. Kung makakalusot lang naman."
"Pero nandito ka na lang din naman sa harapan ko kaya ikaw na ang magtanggal." Pahabol pa niya.
"Isa!"
Ngumiti naman si Seb, "Dalawa!"
Napakuyom naman ng kamao ang dalaga na tila ba nagpipigil ng inis pero nakita ito ni Seb kaya kusa na siyang dumistandya. "Talagang iniinis mo ako?!"
"Chill ka lang, mag uusap lang naman tayo."
"Remember the last time we talk, before ka pa malasing? Can we talk now?" Biglang sumeryoso naman si Seb na ikinabahala ng husto ni Tin dahil nadamay na sa usapan ang about sa pagiging lasing niya kagabi.
"Tatawagan ko na lang si Chari para siya na mismo ang kumuha sa'yo niyan. Kung gusto mo ipatanggal mo na rin sa kanya."
"Huwag mo akong iwasan Tin. Please let's talk now." Hinawakan niya ang braso ni Tin na para bang nakikiusap pero ayaw naman ng dalaga dahil ang na sa isip niya ay yung pang aasar ni Seb dahil sa mga nakakahiyang ginawa niya kagabi.
Pinadilatan niya ito ng mata at nag pumiglas na tanggalin ang kamay ni Seb na nakahawak naman sa kamay niya, "Bahala ka dyan!"
"Kagabi lang ang daldal mo tapos ngayon ayaw mo makipag usap sa akin?"
Napakagat labi pa si Tin na para bang nag pipigil sa inis bago humarap kay Seb, "Wala akong natatandaan kaya 'wag kang gumawa ng kwento."
"Hala siya ako pa ngayon ang gumagawa ng kwento. Gusto mo ba ipaalala ko sa'yo isa-isa simula doon sa restaurant kung saan kita pinuntahan..."
Hindi nakasagot ang dalaga at tanging pag lunok lang ang nagawa niya dahil wala na siyang ibang maisip na dahilan kaya pinili na lang niyang manahimik kesa sa may masabi pa siya na hindi maganda o makakatulong sa sitwasyon niya.
"Tin, mag uusap lang naman tayo kaya 'wag ka nang mahiya dahil alam ko naman na natatandaan mo lahat ng nangyrai kagabi. Remember two years din na naging tayo kaya may alam naman ako sa'yo kahit papaano."
Na upo siya sa couch at tumapat naman si Seb sa kanya saka na upo rin, habang nakatitig ito sa kanya pilit naman ang iwas niya sa mga mata ng binata.
"About last night... totoo ba lahat ng 'yun?"
Napakagat siya ng labi dahil sa sobrang kaba, "A-alin doon?"
"Alam mo naman kung ano yung tinutukoy ko 'di ba?" Nanatili namang kalmado at seryoso ang tono ng pananalita ni Seb.
"Mag tatanong ba ako kung alam ko!"
"Sige to be specific, yung sinabi mo na kahit ayaw mo akong makita, eh hinahanap hanap mo pa rin ako. Totoo ba 'yun?"
"Oo."
Na pa nganga si Seb dahil hindi niya inaasahan na mabilis niyang mapapaamin si Tin.
"B-bakit?"
"Sa pagkakatanda ko about last night lang yung gusto mong malaman at sa pagkakatanda ko ulit wala akong sinabing reason kung bakit. Maybe a random thoughts, I guess."
"Random thoughts, eh may na una ka ngang explanation bago 'yun?!" na pa iling si Seb at tila na dismaya sa rason niya. Taliwas kasi ito sa na iisip niyang dahilan ni Tin.
"So?"
"Anong so? Bakit mo sasabihing ginugulo ko naman yung buhay mo kung wala ka ng nararamdaman sa akin?"
Umangat si Tin sa kinasasandalan niya at tumitig sa binata, "Itanong mo 'yan sa sarili mo kung bakit ko nasabi 'yun. Lahat ng tanong mo sinasagot ko at lahat ng 'yun totoo pero mukhang ikaw na naman yung may iniiwasan at tinatago."
"Oh sige, yung sinabi mong goodnight love ano naman yung explanation mo doon?"
"Hindi dahil love ang tawagan natin noon, eh sa'yo ko na sinasabi 'yun. Kahit sinong tao tinatawag kong love, honey, darling, babe o mahal simula nung maging single ako kaya 'wag kang mag assume!"
Tumango tango naman siya na may kasama pang pag ngiti, "How about the hug?" aroganteng tanong niya.
"Oh what about that? Masama na ba akong yumakap ngayon at ginagawa ko naman 'yun sa mga kakilala at kaibigan ko."
"Kahit hindi mo ka close niyayakap mo at kahit ex boyfriend mo niyayakap mo rin? Eh, kakaiba ka pala kung ganoon."
Kumunot ang noo ni Tin at nanlisik ang mga mata, ang dating kasi sa kanya ng tono ni Seb ay pinaparatagan siya ng hindi maganda. "Alam mo depende 'yun sa receiver kung paano siya mag isip. Baka kasi may halong malice yung receiver ng hug ko kagabi kaya masyadong affected at saka FYI lang hindi mo na siguro concern kung sino ang gusto at ayaw kong yakapin!"
"Natural lang naman sigurong maging affected at mag isip ng ibang bagay kung yung ex girlfriend mo naman ang yayakap sa'yo at hindi lang basta yakap parang ayaw mo na nga akong pakawalan kagabi."
"Sa'yo na nga nanggaling na lasing ako kaya hindi ko kontrolado yung mga pinaggagagawa ko kagabi."
"Hindi mo kontrolado? Hindi ako naniniwala sa dahilan na 'yan, because in the first place may malay ka at nakakalakad ka naman kahit lasing ka pa, siguro nagkalakas ka lang ng loob para gawin ang bagay na 'yun with the help of alcohol na rin..."
"So it means na sinadya mo ngang gawin 'yun?"
Natigilan si Seb dahil hindi niya maintindihan kung ano yung sinasabi ni Tin, "Hindi ko sinadya kung ano man yung ginawa ko sa'yo at wala rin akong intention, katulad mo nadala lang din ako ng emsoyon ko."
"Okay gets ko na... Kaya gusto mo na akong maka usap ngayon dahil galit ka because I hug you tightly at sorry kung na offend, nabastos at hindi mo nagustuhan yung ginawa ko kagabi. I know hindi excuse yung alcohol para gawin ko ang bagay na 'yun but still sorry for what I did last night."
Bumuntong hininga siya dahil sa frustration na maintindihan ni Tin ang mga punto niya, "No, hindi ganoon yung ibig kong sabihin."
"Eh, ano ba?"
"Mahal mo ba pa ako?"
"No! I mean is there any chance na you still have feelings for me? Kahit konti?" Ayaw man niyang ipressure o guluhin ang isipan ni Tin, pero ito lang yung way niya para malinawan sa mga pangyayari kagabi at matahimik kung ano man yung bumabagabag sa kanya lately.
"I don't know! Baka dahil ilang linggo na tayong magkasama at nakatira sa iisang bahay kaya parang bumabalik yung bitter past noon. Kung naguguluhan ka dahil sa mga pinagsasabi at pinag gagagawa ko kagabi, I'm sorry for that hindi ko intention na guluhin yung isip mo at wala rin akong plano. Magulo yung isip ko at may mga bagay rin naman akong inaalala at hinaharap na problema kaya baka mixed emotions na rin kaya nagawa at nasabi ko yung mga hindi naman dapat."
"Pero hindi nag sisinungaling yung lasing 'di ba?"
"Oo nga at hindi rin naman ako nag sisinungaling sa'yo ngayon."
Bahagyang napuno ng katahimikan ang paligid at tila parehas silang napapa-isip sa kung totoo ba o hindi ang mga sinasabi ng isa't isa o kung saan mapupunta ang usapan nila. Para kay Seb, hindi ito ang tamang oras para isingit niya ang tungkol sa dapat niyang aaminin sana kahapon kay Tin, dahil baka hindi maintindihan ito ng dalaga o baka ma uwi sila sa sisihan at madagdagan na naman ang pader sa pagitan nila na pilit niyang binabasag.
"Na sabi mo kagabi na nag hiwalay na ng tuluyan yung parents mo at this time literal na hiwalay talaga. Yuon ba yung dahilan?"
"Oo. Wala namang tao sa mundo na walang kinakaharap na problema and that time sumobra na kaya kailangan ko lang mag release para naman sa ikabubuti ng emotional at mental health ko. Pasensya ka na rin pala kung nakapag drama ako sa'yo kagabi, kalimutan mo na lang 'yun."
"Once na umiyak siya sign na 'yun na hindi na niya kaya yung problema. Bakit ba ngayon ko lang naisip 'yun?" bulong ni Seb sa isip niya.
"Pwede mo pa rin naman akong sabihan ng mga problema mo tulad dati. Don't get me wrong dahil ginagawa ko lang naman 'to dahil tayo lang ang madalas magkasama sa bahay kaya sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang din naman. Hindi ako magsasalita o iju-judge yung story mo, I'm just here to listen. Nothing more nothing less."
"Thank you, pero next time na lang siguro kapag na sa mood ako!"