Sebastian's POV
Hindi man lang ako nagawang tignan ni Tin, nang makapasok na kami sa bahay at pumunta sa mga sarili naming kwarto. Nag good night lang ito na parang tamad na tamad pa at saka mabilis na pumasok sa kwarto niya.
Na pa galit ko na naman kaya siya dahil sa mga sinabi ko o dahil hindi ko siya binati ng happy birthday? Akala ko pa naman Korean addict siya pero bakit parang hindi man lang niya na gets yung seaweed soup.
Dapat ba binati ko siya ng personal? Pero baka kasi mag mukhang romantic kapag ginawa ko 'yun at ayaw ko naman ma confuse siya sa mga kilos ko.
Nag hilamos, nag toothbrush at nag palit na ako ng damit pero kahit anong gawin ko bumabalik pa rin yung nangyari kanina. Habang ganado siyang kumain, yung serysosong pakikinig niya sa mga sinasabi ko at sa pag-uusap namin, yung mga ngiti at tawa niya at pati yung pag sibangot kapag na didisappoint siya. Lahat 'yun pa balik-balik sa isipan ko.
Mukhang magdamag na naman yatang dilat ang mata ko nang dahil sa kaka isip sa kanya. Bumangon ako mula sa pag kakahiga sa kama at umayos ako para mag indian seat, pinikit ko rin ang mga mata ko para pakalmahin ang utak ko sa patuloy na pag-iisip.
Relax Seb. Natural lang na isipin mo siya dahil mag kasama kayo kania!
Pa ulit-ulit kong sinasabi sa utak ko ang mga salitang 'yan para lang mapakalma ko ang isipan ko. Na antala lang ako ng dahil sa sunod sunod na notification na natanggap ng cellphone ko. Susubukan ko pa sanang bumalik sa konsentrasyon at hayaan na lang muna ito pero hindi na ito tumigil sa kaka vibrate kaya napilitan na akong bumitaw sa pag memeditate ko.
@CedCor
Bayaw!
@CedCor
Buon compleanno? Happy birthday sa Italyan, tama ba?
@CedCor
Birthday ba nung tanim mo na sunflower.
@DomValdez
Oi, napag hahalata sa sunflower. Parang may nakita akong post na kaparehas niyan!
@CedCor
Bayaw patulong naman ako.
Ano kayang problema ng batang 'to at alas dos na ng madaling araw pero hanggang ngayon gising pa siya. Hindi kaya about sa love life ang problema niya kaya kahit late na dilat pa rin ang mga mata niya.
@SDM_Gallery
Problema mo?
@CedCor
Sabi na nga at gising ka pa. Mag papatulong sana ako sa'yo para sa ate ko.
@SDM_Gallery
Bakit anong meron sa ate mo?
@CedCor
Malapit na kasi yung birthday niya, pero hindi ko alam kung ano yung dapat kong imessage sa kanya kasi kapag nag vi-video call kami doon ko lang siya binabati. Ano bang magandang imessage para ma iba naman this time.
@SDM_Gallery
Hindi ko alam kasi never pa naman akong nag message ng sobrag lalim para lang sa birthday.
@CedCor
Bakit naman, eh yuon nga yung pinaka importanteng araw sa isang tao?
@SDM_Gallery
Ewan, hindi lang siguro ako sanay!
@CedCor
Bakit hindi mo ba ginawang batiin yung ex girlfriend mo noon?
@SDM_Gallery
Of course binabati ko siya pero hindi kasi ako ma drama at ma cheesing tao. Kaya dinadaan ko na lang sa gawa kaysa sa salita. Surprised mo na lang din kaya yung ate mo.
@CedCor
Hindi ko nga magawa kasi wala siya dito sa bahay.
@SDM_Gallery
Oo nga pala. Padalahan mo na lang ng gift o kahit flowers for sure matutuwa 'yun.
@CedCor
Paborito niya yung sunflower, ikaw din ba kasi nakita ko yung post mo?
@SDM_Gallery
Hindi. Paborito 'yan nung kaibigan ko before.
@CedCor
Ahh, yung nakwento mo na friend mo before yung gusto mong icomfort?
@SDM_Gallery
Oo.
@CedCor
Napasagot mo na ba? Haha!
@SDM_Gallery
Loko loko! Gumawa ka na lang ng message para sa future wife ko.
@CedCor
Paano ko sisimulan?
@SDM_Gallery
Siguro mag pasalamat ka na lang sa lahat ng magandang nagawa ng ate mo sa'yo tapos mag wish ka na para sa kanya. Ang mahalaga lang naman ramdam niya sa bawat salitang bibitawan mo yung sincerity. Or Purihin mo rin kung ano ang maganda sa kanya pero 'wag naman yung halatang nambobola lang. Gusto ng mga babae na pinupuri sila at sinasabihan ng maganda.
@CedCor
Sigurado
@SDM_Gallery
Oo, try and tested 'yan kaya simulan mo ng mag construct ngayon.
***
Pag labas ko ng kwarto nakalabas na rin ang mga gamit at mga ingredients na gagamitin sa pag luluto mamaya. Umupo ako sa dinning table at habang kumakain ako nag babalat at nag hihiwa naman si Aling Ester at Rizza ng mga karne at gulay.
"Lumabas pala kayo ni Tin kagabi?" tanong ni Aling Ester habang naka tuon ang atensyon sa pag hihiwa ng patatas. Tumigil ako sa pag kain at tumingin naman sa kanya, "Opo. Nagutom po kasi ako tuloy sinamahan ko ng lumabas si Tin.
"Mabuti at sinamahan mo siya at hindi maganda yung gabing gabi na lumalabas pa siyang mag-isa lalo na't babae siya." Sagot ni Aling Ester sabay lapit sa plato ko ng toasted bread. "Paborito ni Tin ang toasted bread sa umaga kaya lang hindi niya na ubos at nag mamadali na siyang gumayak kanina." Na aalala ko dati kapag sabay kaming nag be-breakfast hindi mawawala ang tinapay sa order niya. Hanggang ngayon pala paborito pa rin niya 'to.
"Kuya Seb ayos na po ba yung kamay mo kasi kung hindi mo pa kaya ako na lang ang gagawa tapos i-guide mo na lang ako."
Hindi ko rin alam kung kaya na ba ng kamay ko pero sa tansya ko naman kaya niya na. May konting sakit pa sa twing ma bebend pero ang sabi sa nabasa ko natural lang daw yuon kasi nasaktan yung mga ugat at buto sa kamay ko at mas maganda na ring ma exercise ito para mablis bumalik yung dati niyang lakas.
"Kaya ko na basta tutulungan mo ako."
Pag tapos kong kumain sinimulan na rin namin ni Rizza na ihanda ang mga kakailanganing ingredients at mga equipment para sa mga iluluto namin.
Sinimulan ko ng hugasan at linisan ang mga seafoods habang pinahiwa ko naman kay Rizza ang beef na gagamitin para sa Bulgogi. Na suggest ko kasi sa kanila na isali sa mga putahe ang Korean food na talaga namang patok ngayon lalo na kay Tin na mahilig sa mga Korean drama.
After malinisan ang mga seafood binalik ko na sila sa freezer at nag marinade naman ako ng chicken. Iba ito kumpara sa authentic na Korean chicken na nabibili sa mga Korean restaurant ito kasi yung recipe na ginawa ko para sa chicken ng Sweet Lips na medyo nahahawig sa mga chicken sa Korea.
Dalawang flavour lang ang ginawa ko dahil baka kulangin ang oras ng preparation namin kapag madaming flavour ang ginawa ko. Dahil mahilig sa matamis si Tin, kaya sweet and spicy flavour ang gagawin ko sa mga chicken wings, gagawa rin ako ng chicken popcorn na soy garlic naman ang flavour.
Alas dos ng hapon ng mag umpisa kaming mag luto ni Rizza. Inuna na naming lutuin ang chicken dahil medyo matagal ang mag prito dahil tatlong kilong manok rin ito kaya mahabang oras ang uubusin tapos after ma iprito iluluto ko naman siya sa sauce na gagawin ko kaya matrabaho talaga.
Sunod ko ng niluto ang seafood platter. Madali lang iluto ito dahil tulad nga ng sabi ni Chari garlic at butter lang ang gustong luto ni Tin, sa mga seafood tulad ng mga ito, pero sa dami nila mukhang mahihirapan ako, sa laki pa lang kasi ng King Crab mukhang mahihirapan na akong iluto siya. Inuna ko na lang ang ibang seafood tulad ng prawn, lobster, shrimp, oyster, clams, at scallops.
Na hinto ako sandali at tumingin sa paligid ko. Biglang may pumasok sa isip ko at narealize ko na never ko pa itong nagawa kay Tin noong kami pa, yung sobrang effort para isurprise siya sa araw ng birthday niya. Kasi before mag papa reserve lang ako sa restaurant o kaya mag rerent lang ako ng kotse na punong puno ng mga flowers at stuff toys tapos ipapa-park ko doon sa tapat ng department niya tapos babatiin ko lang siya. Pero siya sobra lagi yung effort sa twing ako naman ang mag bi-birthday. Nilulutuan niya ako ng mga paborito kong pag kain at siya pa mismo ang nag be-baked ng cake para sa akin na saka ko lang narealize na mahirap pala noong ako na yung mismong nag be-baked para sa café ko.
"Kuya ayos ka lang po?" tanong ni Rizza. Ngumiti ako sa kanya at tinignan ang mga manok na piniprito niya, "Ayos lang ako, ikaw kaya pa ba?" nag pamaywang pa ito na humarap sa akin, "Naman kuya kasi minsan lang mag celebrate ng birthday si Ate Tin dito kaya excited akong ipag handa siya tapos ang dami ko pang natutunang bagong recipe dahil sa'yo."
"Pwede ba akong mang hingi ng favor sa'yo?" tanong ko.
Na pa hinto siya at seryoso akong tinignan, "Ano 'yun kuya?"
"Pwede bang 'wag mo na lang sabihin kay Tin na kasama niyo akong nag handa dito."
"Bakit naman po? Siguradong matutuwa si Ate Tin kapag nalaman niyang tumulong ka rin dito."
"Basta. Promise mo sa akin na hindi niyo sasabihin."
Napilitan na lang siyang tumango ng itaas ko ang kanang kamay niya para manumpa, "Sige, pero mag tatakha 'yun kung sino ang nag luto ng mga ito kasi alam naman niya na lutong probinsya lang ang alam nila Nanay at Tatay."
"Sabihin mo yung kaibigan mong si Baste." Nakipag apir pa ito sa akin, "Sige, kuya Baste." Kinindatan at nginitian ako nito. Pag katapos balik na ulit kami sa kanya kanya naming trabaho.
Lumabas ako kanina para tignan ang ginagawang pag lilitson ni Mang Teban, natuwa kasi ako dahil yung nakasanayan na tradisyon ng pag lilitson ang ginagawa niya ngayon, kinayas na bamboo stick ang nakatusok sa mga manok at baboy imbis na metal na ginagamit sa oven habang pinapa-ikot nila sa nag babagang uling. Babalik na sana ako sa loob ng marinig ko na pinag-uusapan nila ni Aling Ester ang pag vi-video call kasama si Cedrick at ang Mama ni Tin.
Gusto ko sanang makita yung reaction niya kapag nakita niya yung ginawa naming pag dedesign sa sala at mga pag kaing pinag tulungan naming iluto, gusto kong makita yung saya at ngiti sa mga labi niya, yung halos pati mata niya ngumingiti na dahil sa sobrang saya. Kaya lang ayaw ko naman na masira yung araw ni Tin kapag nakita nila akong kasama niya lalo na kapag nalaman nilang nag babaksyon ako dito at nakatira kasama sa iisang bubong si Tin.
Sigurdo kasing mahabang paliwanagan 'yun at baka kung ano pa ang isipin ng pamilya niya. Sabi pa naman niya kagabi 'wag kong ipapa-alam sa kahit kanino na kaming dalawa lang ang kasalukuyang nakatira sa ilalim ng iisang bubong.
Nag ihaw na ako agad pag tapos kong magawa ang seafood platter. Grilled fish at steak raw ang isa sa mga gustong kinakain niya noong na sa New York siya. Nilagyan ko na ng salt and pepper ang mag kabilang side ng Salmon at Ribeye Steak. Inuna ko ng ihawin ang Salmon pag katapos maluto nag plating naman ako at nilagyan lang ng konting garnish ang gilid ng plato at pinatakan ng kaunting lemmon. Medium rare naman ang pag kakaluto ko sa Ribeye Steak at after nun binalot ko siya ng foil para mas maging juicy bago hiwain.
Sunod ko naman ginawa ang Baked Mussels na nilagyan ko lang ulit ng salt, pepper at cheese sa ibabaw. Ito yung pinaka madaling gawin sa lahat dahil pwede ko siyang iwan sa oven hindi katulad nung iba na kailangang bantayan at baka masobrahan sa luto o worst masunog pa.
Tinulungan ko naman sila Rocco at Rizza na nag papahangin na ng mga lobo at nag sisimula ng mag decorate sa sala. Ilang minuto lang natapos na rin naming gawin ito at sakto namang tapos na rin ang Baked Mussels.
Nag merienda na muna kami ng pancit na luto ni Aling Ester habang nag papahinga at hinihintay na ideliver ang cake.
Parang gusto kong mahiga at matulog mag damag pag katapos ng lahat ng ginawa ko. Mukhang hindi ako aatakihin ng insomnia mamayang gabi dahil hindi lang ang katawan ko ang pagod kundi pati na rin ang isip ko.
Sana magustuhan ni Tin yung mga pag kain na niluto ko at ma enjoy niya ng husto yung birthday niya kahit hindi niya kasama dito ang pamilya niya.