Chapter 7

2231 Words
- Reeca - Nagising ako sa tunog ng alarm clock ng aking cellphone na nakapatong sa sidetable. Malakas ang vibration nito kaya agad na napamulat ako ng mga mata. Kahit medyo antok pa ay kinapa ng aking isang kamay ang cellphone at inabot iyon. It's 5:00 am. Ito talaga ang oras na sinadya ko dahil dapat before 6 am ay nakaayos na ako ng aking sarili. Nabitawan ko bigla ang hawak na cellphone at bumagsak iyon sa aking dibdib ng may ma-realize. Paano akong nakatulog dito sa kwarto ko, nung huling maalala ko ay binabasahan ko ng story book si Neeca hanggang sa makatulog ito. Sa kakatitig ko sa kagandahan at kainosentihan ng bata ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. “Naglakad ba ako pabalik dito? Bakit parang wala akong maalala." napakamot tuloy ako sa aking ulo. Pero nanaginip ako na parang may humahalik sa akin. Napahaplos tuloy ako sa aking labi. “Wake up self! Bumangon kana dahil start na ng trabaho mo." Pagalit ko sa aking sarili. Masiyado na ata akong nawawala sa sarili. Madalas pang sumakit ang aking ulo kapag pinipilit kong ialaala ang mga bagay na di naman importante. Nakakahiya naman kung palaging dito ako abutan ng sakit sa ulo. Napag-pasiyahan ko ng tumayo. Inayos ko muna ang aking higaan at tinupi ang makapal na comforter na sobrang mababango at ng mga unan. Pumasok ako sa aking banyo na kay laki at sobrang ganda. Kung ang kwarto at banyo ko sa bahay ni Farrah ay sobrang ganda na at sosyalin. Abah mas matinde pala dito. Sa tulong ng maligamgam na tubig mula sa shower ay mabilis na rin akong natapos maligo. Masarap at maginhawa sa pakiramdam. Lumabas ako ng nakabalot lang ng tuwalya sa katawan para pumunta sa walk-in closet ko. Agad akong nagtaka dahil hindi naman ito ang mga gamit ko na nandirito. Parang boutique ang laki ng closet at sobrang daming damit at mga dresses ang naka-hanger. “My gossh baka sa asawa pa ito ni Sir Vrikzor." mahinang bulong ko. Hinanap ng mga mata ko ang aking maleta. Nakita ko iyon na nakapatong na sa itaas ng cabinet. Siguro si Farrah ang naglagay ng gamit ko dun. Hindi naman kasi ako nag-ayos ng aking gamit kahapon ng mahimatay ako. Hindi ko nga maalala kung gaano ba ako katagal na nawalan ng malay. Lumapit ako sa isang cabinet at binuksan iyon. Tumambad ang mga damit ko na maayos na nakatupi. Lumuwag ang aking pagkakahinga. Mabuti naman dahil baka maluha nalang ako ay hindi ko pa makita kung saan na napunta ang aking mga kasuotan. Agad akong nagbihis ng isang simpleng blouse na kulay puti at skinny jeans. Nagpolbo, kilay, kunting lip balm lang ang nilagay ko sa aking mukha para naman hindi ako mukhang panget sa harapan ng mga bata at kay Sir Vrikzor. Hindi na ako nag-blower ng buhok at nagsuklay na lamang. Hahayaan ko na lamang na ang natural na hangin ang magpatuyo sa aking mahabang buhok. Suot ang slippers ay lumabas na ako ng aking kwarto saktong alas-sais na ng umaga. Ang sabi sa akin ni Farrah ay kailangan maunang magising si Zor dahil may pasok pa ito sa school alas-otso ng umaga. Habang si Neeca naman ay kusang gigising na lamang ito at hayaang magising sa kung ano man gusto nitong oras. Kumatok ako sa kwarto ni Zor, pero walang sumasagot. Hinawakan ko ang doorknob at nagulat pa ako ng pihitin ko iyon ay kusang bumukas. Hindi pala naka-lock. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong hinanap si Zor, nagtaka ako dahil wala na ang bata sa kaniyang kama at medyo magulo iyon. Napatingin ako sa banyo ng marinig kong parang may naliligo. “Ang galing naman ng batang ito. Naligo na agad" Kaya inayos ko na lamang ang higaan nitong medyo nagulo. Pumunta ako sa kaniyang closet at kinuha ang kaniyang uniform na sobrang dami na nakahilira. Plantsado na ang uniforms nito kaya maingat ko itong kinuha, kasabay nun na kumuha ako ng isang brief nito, pares ng medyas at bimpo. Parang nagustuhan ko ang aking ginagawa. Parang pamilyar sa akin ang ganitong gawain na parang bang nangyari nangyari na ito noon na di ko mawari. Napalingon ako sa aking likuran ng makita ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Si Zor iyon na nakabalot ang katawan ng maliit na roba. Ang gwapo ng batang ito na kahit limang taong gulang palang pero kung tumindig ay parang mature na. Salubong ang mga kilay nito ng makita ako. “Hi Goodmorning! Naka-ready na ang uniform mo." nakangiti ako dito. Hindi ko alam kung anu ang nasa isipan ngayon ni Zor, alam kung ayaw nito sa akin. Pero pagsusumikapan kong pagsilbihan ito. Hindi nagbago ang expression ng mukha si Zor bagkus naglakad lamang ito at kinuha ang uniform at pumasok sa kaniyang walk in closet. Hinayaan ko na lamang ito at baka naghihiya sa aking harapan magbihis. Kahit bata ito ay matalino ito. Nakita ko ang school bag nito na nakapatong sa kaniyang malaking table na katabi ang kaniyang laptop. Kinuha ko iyon para ako na ang magbaba at ng makakain na si Zor bago pumasok sa school. Nang makita kong lumabas na ito at suot na ang uniform. Napaawang ang aking labi ng makita ko maayos nitong nasuot ang kaniyang uniform. Nakasapatos na rin ito. Tinignan lang ako ni Zor at nauna nang bumukas ng pintuan. Kaya sumunod agad ako at baka magalit ito sa akin dahil pabagal-bagal ako kahit na hindi ito nagsasalita ay dapat maging alerto ako dahil iyon ang aking trabaho. Sakay ng elavator ay tahimik lamang kaming dalawa at nasa tabi niya ako. Hindi man lang niya ako sinusulyapan kaya ako na lang ang panay tingin sa kaniya. Ang gwapong bata kasi. Manang-mana sa kaniyang Daddy Vrickzor. Pagbukas ng elavator agad na sinalubong kami ng dalawang naka-unipormeng kasambahay. Hindi nila ako sinulyapan ng binati ko sila. Bagkus kay Zor lang bumati ang dalawa. Nagkibit balikat na lamang ako dahil baka ganun talaga sila. Katulad ko din naman silang tauhan dito ni Sir Vrikzor. Nang makapasok sa dining area ay nakahanda na ang napakaraming pagkain na para bang isang batalyon ang kakain. May tatlong kasambahay ang nakatayo sa gilid at isa sa kanila si Cecil. Binati ko sila pero si Cecil lang ang gumanti ng bati. Nakita ko pa ang isang babae na pairap sa akin. Siya rin iyong unang beses na nakita ko na umirap sa akin. Abah ang tinde naman ng babaeng iyon. Di bale kung ayaw niya sa akin pwes ayaw ko rin sa kaniya. Sabi nga no Farrah sa akin na kung may mang-api sa akin dito ay dapat maging palaban din daw ako. Pero dahil umiirap lang naman ang mga ito sa akin ay hindi ko na papatulan importante hindi ako sasaktan dahil ibang usapan na iyon. Inasikaso ko sa pagkain si Zor, hindi naman ito nagreklamo at tahimik na kumakain. “Kumain kana rin hija para may kasabay si young master" biglang pasok ni Manang Josie na mayordoma. “Sige po. Kayo po kumain na kayo?" “Tapos na kami hija wag mo kaming alalahanin." nakangiting sagot nito sa akin. Ang aliwalas ng mukha ni Manag Josie na parang natutuwa sa akin. Tumango na lamang ako at sinimulan ko na rin ang pagkain ng breakfast. Mabilis lang din ako natapos dahil parang bigla akong nailang sa panay tingin sa akin ng isang kasambahay na panay irap sa akin. Hindi ko alam kung anung pangalan niya. Pero kapag hindi ako nakapagpigil at baka kausapin ko ito. Nang matapos kumain ay napatingin ako kay Zor na simpleng pumunas ito sa kaniyang bibig. Napaka well-mannered naman nito tulad ng kaniyang Daddy. Pagtayo nito ay tumayo na rin ako para sumabay sa paglabas ng bahay. Hindi naman ako pinagsabihan ng kung ano ni Manang Josie bagkus sinenyasan pa niya ako na sundan ko si Zor. Bitbit ko ang school bag nito at ang kaniyang bento box para sa kaniyang lunch break. Sumunod ako sa hanggang labas mabilis na dinaluhan ng dalawang bodyguards si Zor at maingat na binuhat ang bata para ipasok sa loob ng sasakyan. Kinuha naman ng isang bodyguard ang bitbit kong bag at bento box. Nag-wave nalang ako kahit hindi ko alam kung nakikita ako ni Zor para magpaalam. Umalis na ang sasakyan nito kasabay ng dalawa pang back up na sasakyan na sa tingin ko ay mga bodyguards ni Zor. Nang mawala na sila sa aking paningin ay pumasok na ako sa loob dahil si Neeca naman ang aking aasikasuhin. Nakita ko ang isang kasambahay na matalim ang mata na nakatingin sa akin. May hawak itong pamunas sa isang kamay at isang maliit na timba. Naka-mask ito pero nakilala ko ang mukha nito dahil isa ito sa masama ang tingin sa akin nung una. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Hindi ko na sana ito papansin at naglakad na lamang ng magulat ako ng bigla niya akong banggain ng kaniyang balikat. “Kabago-bago mo palang pero feeling magaling kana. Pwes wala ka pang isang linggo dito tiyak mapapalayas ka rin tulad ng iba. Assumera!" mahinang bulong nito sa akin pero mabagsik ang mga salitang binitiwan nito sa akin. Natigilan ako at napahinto. Tiningnan ko siya pero naglakad na ito palabas at hindi na niya ako sinulyapan. Anung problema ng babaeng iyon? Isa ba ako sa maraming taga-alaga ng mga bata na agad pinapauwi. Pero bakit? Parang ang daming tanong sa aking isipan. Pero Sabi ni Farrah ay wag daw ako magtitiwala sa ilang kasambahay dito at wag akong makipag-usap. Bahala na, basta wala akong ginagawang masama ay ipagpapatuloy ko ang aking trabaho. Saka andiyan naman si Farrah may sumbungan ako. Mabilis akong nakapasok sa kwarto ni Neeca na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Hinanda ko na lamang ang isusuot nito once na magising at makaligo. Niligpit ko rin ang iilang mga nagkalat na ponytails na hindi ko napansin kagabi. Lumapit ako sa kama at naupo malapit kay Neeca. Ang napakagandang mukha ni Neeca. Parang may humaplos sa aking puso sa tuwing nakikita ako ang mala-anghel na mukha nito. Ang swerte naman ni Sir Vrikzor at may gwapo at magandang anak ito. Sino kaya ang asawa ni Sir Vrikzor? Siguro sobrang ganda nito kaya ang ganda ng lahi. Ang swerte naman niya kasi minahal siya ni Sir Vrikzor, ang sabi nga ni Farrah ay hindi naman daw naghiwalay ang mga ito at tiyak babalik na ito. Parang kumirot ang aking puso. Sayang naman. Ang gwapo kasi ni Sir Vrikzor. Wish ko lang makatagpo rin ako ng isang tulad niyang ang perfect sa aking paningin. Tagusan pa kung tumitig parang pati panty ko ay mahuhulog. Ay lintik na yan! Lumilipad na naman aking kaisipan. Bihira lang kasi ako makakita ng mga gwapo kaya siguro ganito ako. Napahaplos ako sa magandang buhok ni Neeca. Iisipin ko na lang na anak ko ito dahil yun naman dapat ang tamang pag-aalaga ng bata. Bigla itong gumalaw at bahagyang dumilat ng mga mata. Napatigil ako sa paghaplos ng kaniyang buhok. “M-mommy?" bagong gising pa ang boses ni Neeca na pati sa pandinig ko ay parang anghel... “Goodmorning beautiful Neeca" nakangiti ako ito habang nakatunghay. Nanlaki ang mga mata nito ng tuluyan at agad napabangon sa kinahihigaan. Mabilis itong yumakap sa akin na kaya nagulat ako. “My mommy." sinuksok ng maliit nitong mukha sa aking leeg at nakaramdam ako ng pagkiliti. Pero nangingibabaw ang puso kong lumilipad. “Neeca" haplos ko sa kaniyang likod. “Im glad that I wake up that you here. I'm dreaming for this Mommy" Parang gusto umiyak ng aking puso sa aking narinig. Ganito na ba ito nangungulila sa kaniyang totoong Mommy? Naawa naman ako sa mga bata na nangangailangan ng aruga ng isang ina. “Its okay. I'm here na. Your Nanny Reeca." sagot ko rito. Umangat ang magandang mukha ng bata. Parang nalilito ito. “You are my Mommy. Kuya said your my Mommy too. Daddy told us you're my Mommy." “Huh?" “Yes, my Mommy. I miss you Mommy." parang naiiyak nitong salita. Agad akong nataranta dahil kakagising lang nito ay parang naiiyak na agad. “Its okay, it's okay. don't cry" “ My Princess"" Parehas kaming natigilan sa boses na aming narinig. Si Sir Vrikzor. “Daddy" “Goodmorning po Sir" magalang kong bati dito. Bigla akong kinabahan sa kagwapuhan nitong taglay. Nakatitig sa akin si Sir Vrikzor na kulang nalang pati kaluluwa ko ay nakikita nito. “Mommy is here Daddy" nakayakap pa rin sa akin si Neeca. Hindi sumagot si Sir Vrikzor at lumapit lamang sa amin kaya halos mataranta ang aking puso sa lakas ng talbog. “Come here Baby" “No Daddy. I want Mommy" lalong humigpit ang paghayakap sa akin ng bata. Ayaw akong bitiwan. “Papaliguan ko muna Sir si Neeca." biglang singit ko. Nakatitig pa rin ito sa akin. Matagal bago sumagot. Tumango ito. “Okay then" Akala ko ay aalis na ito pero hindi. Lumapit ito sa amin at hinawakan sa mukha si Neeca at hinalikan ito sa kaniyang noo. “Be a good girl my princess okay?" malambing ang boses ni Sir Vrikzor sa bunso na tuluyang lumipad ang aking puso sa aking nasaksihan. “Yes Daddy" nakangiti na itong tumango. Tumayo na ako at pumasok sa loob ng banyo para liguan ang bata ng hindi na sinusulyapan si Sir Vrikzor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD