- Reeca -
Naanlipungatan ako ng makarinig ng mga mahihinang pag-uusap. Hanggang sa isang malakas na tili ng isang batang babae. It's Neeca.
Napakurap ako saglit hanggang sa paunti-unting minumulat ang aking mga mata.
“Yay my Mommy is waking up!" malakas na tili ni Neeca.
Halos lumubog ito sa malambot na kama nang lumundag ito at pagapang na lumapit sa akin.
“Mommy Goodmorning." malambing na tumabi ito si Neeca sa akin at niyakap ako ng kaniyang maliliit na mga braso. Naka-pajama pa rin ito.
“Neeca? Goodmorning din"
“Are you okay now Mommy? Daddy said you are sick daw po. Am i too much makulit Mommy kaya sick ikaw?" malungkot ang boses ni Neeca pati ang magandang mukha nito ay bakas ang pagkalungkot habang hinihimas nito ang buong mukha ko.
“No baby. Super mabait ka. Hindi ka makulit. At saka wala naman akong sakit eh." kahit medyo antok at paos pa ang boses ko ay napaingos ako dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko bukod sa parang ang haba ata ng itinulog ko.
“Are you okay now?"
Agad akong napabalikwas ng pagbangon nang marinig ko ang malalim na boses ni Sir Vrikzor. Nabitawan tuloy ako ni Neeca. Goshhh anung ginagawa ni Sir dito sa kwarto ko? Dun ko lang napansin na nakatayo pala ito malapit sa bintana.
“S-sir?" Nakakahiya at ganito ang itsura ko sa umaga. Ang gwapo at mukhang fresh pa naman ni Sir Vrikzor super mabango pa.
Lumapit ito at naupo sa kaliwang gilid ng kama. Parang gustong magsuntukan ng mga bituka ko sa tiyan ng tumitig sa akin si Sir Vrikzor.
“S-sorry po Sir. Galit po ba kayo dahil tinanghali na ako ng gising?" wala sa loob na tanong ko kahit hindi naman iyon ang nababasa ko sa mukha nito.
“No. You can still lay down in your bed. Kailangan mo ng maraming pahinga."
Natahimik ako. Hindi ko magawang sumagot habang mabait na lumapit at umupo sa aking kandungan si Neeca. Nakatingin lang ako sa maganda at mala-anghel na mukha ni Neeca. Hanggang sa ma-realize ko ang nangyari kagabi. Marahas akong napasinghap.
“Are you okay Mommy?" nakatingala si Neeca sa akin na mukhang nagtataka.
Napatingin ako kay Sir na hanggang ngayon ay walang kurap na nakatitig pa rin sa akin.
“Sir, yung kagabi?" inalinis ko ang paningin sa kaniya at dun ko lang napansin na nakasuot ako ng silk blue pajama. May suot pa akong medyas sa paa. Teka sino nagbihis sa akin kagabi? Pagkakaalam ko ay sumakit ang ulo ng makita ko si Sir Vrikzor ng malakas akong napatili dahil natisod ako.
My Goshhhh wag naman sana si Sir ang nagbihis sa akin, wala pa naman akong suot na kahit anung saplot sa katawan. Jusko po wag naman sana Lord.
“No worries, everything was fine last night. Bumaba na tayo para mag-breakfast."
Hindi ko alam kung wala bang alam si Sir sa nakahubad kong katawan or baka may inutusan itong nagbihis sa akin. Ah baka ang mayordoma o kaya naman ay si Cecil. Wish ko lang. Kung sabagay sino ba naman ako para pag-interisan ng isang Sir Vrikzor. Super gwapo na ito at may asawa pa.
“Yeheey we eat na." masayang lumapit si Neeca sa kaniyang Daddy at nangunyapit sa leeg nito.
“Hilamos lang po ako Sir." nahihiya kong paalam rito. Bumaba ako ng kama.
“Okay take your time." sagot ni Sir Vrikzor ng tumayo at sinuri pa ang buong katawan ko.
Dali-dali akong tumalikod dahil baka bigla akong matunaw sa paraan ng tingin sa akin ni Sir Vrikzor. Jusko po ayaw kong magkasala sa isang may asawa. Wag naman po, maraming lalaki sa buong mundo ayaw kong mahibang sa isang taong may asawa.
Matapos ko umihi ay naghimalos lang ako, mouthwash at nagsuklay saglit. Wala pa atang sampung minuto ako natapos pagbukas ko ng pintu ng banyo ay nabungaran ko ang mag-ama na nakatalikod sa akin habang karga ni Sir ang kaniyang Anak. Bakit andito pa rin sila talagang hinintay pa nila ako?
“Mommy?" lumingon sa akin si Neeca.
Kaya pati ang Daddy nito ay nakaharap sa akin, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may hawak na picture frame si Sir Vrikzor, iyon ang larawan ko. Si Farrah pa mismo ang naglagay ng picture frame na iyon kahit hindi naman kailangan.
“Are you done?" tanong ni Sir Vrikzor at ibinaba ang hawak na picture frame.
“O-opo" mahina kong sagot at tumango.
Pinauna pa akong lumabas ni Sir Vrikzor at ito pa ang nagsarado ng pintuan. Nakakapit sa leeg si Neeca at bakas ang masayang mukha nito. Ganun na lang ang gulat ko nang hawakan ni Sir Vrikzor ang kaliwang kamay ko at mahigpit niya iyong hinawakan. Kulang nalang ay magkandabuhol-buhol ang hininga ko sa paraan ng paghawak nito sa akin. Sa laki ng palad kamay nito ay para bang humawak ito sa kamay ng bata. Oo alam ko naman na maliit lang ang kamay ko na parang kay Neeca lang kalaki.
“S-sir?" halos hindi ko maibulas ang salitang iyon. Pero hindi niya siguro ako narinig bagkus ay naglakad kami papunta sa elavator para bumaba. Hindi na ako nakapagsalita at parang natuod na lang.
A big hand with a callous palm na ramdam ng buong sistema ko sa katawan. Parang may kuryenteng dumaloy sa magkahugpong naming mga kamay kasabay ng rambulan ng tiyan ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Ang mainit na palad ni Sir Vrikzor ang nagpanatag sa puso ko, para bang pamilyar ang ganitong pakiramdam at ang puso ko ay para bang may isinisigaw ngunit hindi naman magawang isipin ng utak ko. Bigla tuloy may pumitik na naman sa aking ulo. Wag naman sanang abutan na naman ako nito at sobra-sobra na ang kahihiyan ko sa harapan no Sir Vrikzor.
Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa dining area. All the maids stood up habang nakayuko. Para bang takot sa prisensya ng kanilang boss. Habang ang mayordoma at si Cecil ay nakangiting nakatingin sa amin. And then I saw Zor looking at me.. but then his eyes, nakatingin sa magkahugpong naming mga kamay ng kaniyang Daddy. Hindi ko alam kung magtatago ba ako sa kahihiyan sa mga kasambahay, pero iba ang kislap ng mga mata ni Zor.
Tahimik kaming kumakain ng breakfast. Ako naman ay ginagaya na rin kung paano sila maayos kumain ay sinubukan kong gayahin sila. Nakakahiya naman kasi.
Matapos nang agahan ay hinila ako ni Neeca, kaya napatayo na lang ako. Pero mabilis ang mga mata ko para magpaalam sana kay Sir Vrikzor. Tumango agad ito na para bang ayus lang na mauna na kami kahit hindi nagsasalita. Wala sa loob na napatingin ako sa ibang mga maid, but then nahagip ng paningin ko ang isang mataray na babae na matalim ang tingin sa akin. Sino na naman ito? Bago bang kasambahay? Inismiran ko na lang dahil wala ako sa mood para sa kaartehan ng babaeng mataray.
Paakyat kami sa kwarto ni Neeca kasama si Cecil. Siya lang talaga ang mukhang mabait at mapagkakatiwalaan na kasambahay para sa akin bukod sa mayordoma. Siguro dahil sila lang din ang ipinakilala sakin ni Farrah.
Ipinasama si Cecil dahil baka mabinat daw ako. Wala naman akong sakit pero hinayaan ko nalang baka ganito lang siguro ka-concern sa mga tauhan si Sir Vrikzor. So thoughtful.
“Cecil may itatanong ako sayo." tanong ko kay Cecil na ngayon ay naghahanda ng ipangliligo ni Neeca.
Binuhat muna nito si Neeca para ipaupo sa bathtub na may mga bula at binigay ang dalawang barbie doll nito dahil gusto rin isamang maligo.
“Anu po yun madam?" lumapit ito sa akin at naupo katabi ko dito rin sa harapan ng bathtub.
“Wag ka maingay tayo-tayo lang sana ah?"
“Opo madam. Promise po." sumeryoso ang mukha ni Cecil.
“Ah mmm. Nakakahiya man pero yung kagabi kasi." nahihiya kong sambit.
“Kagabi? Hindi po ba hinimatay kayo kagabi? May masakit po ba kayong nararamdaman madam?!" biglang nataranta ang boses ni Cecil.
“Naku hindi, hindi. Iba ang sasabihin ko." mabilis kong sagot.
“Ay jusko po akala ko kung ano na. Anu po ba iyon madam.?"
“Yung kagabi na nawalan ako ng malay. Ikaw ba nagbihis sa akin?" mahina kong bulong kahit nahihiya ay kailangan kong malaman dahil kapag hindi ko nalaman ay baka buong maghapon akong mag-isip na parang tanga.
“Huh?" bakas sa mukha ni Cecil ang matinding gulat dahil sa hindi inaasahan kong tanong.
“Uulitin ko pa?" tanong ko at baka hindi niyo naintindihan ang sinabi ko.
“Ah hindi po madam. Sorry Sorry! Kuwan nagulat lang po ako kung bakit niyo naitanong yan."
Wala sa loob na napatingin ako kay Neeca na ngayon ay tuwang-tuwa habang naglalaro ng bula.
“Kasi wala na akong natandaan kagabi ng mawalan ako ng malay. Basta ang alam ko si Sir Vrikzor lang kasama ko. At saka alam mo ba na ano.."
“Na ano madam?"
“Ano kasi, galing akong shower nun, tapos may sinilip ako sa bintana kasi akala may kakaiba pero wala naman tapos pagbalik ko natisod ako sa paso. Ayun napasigaw ako."
“Tapos biglang dumating si Sir Vrikzor?"
“Y-yes. Pero nakakahiya nakahubad ako nun."
“Tapos po?" curious pa nitong tanong.
“Eh syempre nakakahiya. Hinimatay pa ako na tuwalya lang nakabalot sa katawan ko."
“Anu pong problema dun madam?"
Parang balewala lang kay Cecil ang tanong nito. Hindi ata nito na-gets na hindi tama yung eksenang iyon.
“Kaya tinatanong kita kung ikaw ba nagbihis sa akin kagabi."
“Hindi po madam."
Napaawang ang labi ko parang gusto kumalawa ng bulate ko sa tiyan sa kaisipan na ayokong isipin.
“Si manang ba?"
Umiling ito.
“Hindi rin po. Sa totoo po niyan, nalaman ko na lang kaninang umaga kay Manang na hinimatay ka kagabi."
“S-sino Cecil?" parang gusto ko ng mag-palpitate.
“Sa tingin ko ay si Master, madam. " parang walang halong malisya na salita nito.
“What?!" napalakas ang boses ko na ikinalingon ni batang naliligo.
“Bakit po gulat na gulat ka madam? Natural lang naman yun dahil asa---"
“Mommy!" malakas na tawag ni Neeca kaya hindi na naituloy ni Cecil ang sasabihin.
“Neeca?" tawag ko.
“Liligo na ako Mommy. Ayaw ko na to." sabay abot ng dalawang barbie doll nito.
Akmang tatayo ako nang unahan ako ni Cecil.
“Ako na po madam."
Hinayaan ko na si Cecil kay Neeca habang pinapanood ang dalawa habang ako naman ay lutang ang kaisipan.
Jusko po. Parang may mali sa mga bagay-bagay. My goshhh