Chapter 10

2209 Words
- Reeca - Kinahapunan, ay kompleto ang mag-aama sa malaking lamesa. Nahihiya man ako at gusto kong tumanggi makisabay dahil pakiramdam ko ay saling pusa lang ako. Pero ang bawat salita ni Sir Vrikzor ay parang may kapangyarihan kung kaya mabilis akong napasunod. Kung anu ang pwesto namin nung unang beses na kumain ako rito ay ganun muli kami ngayon, siguro sanayan na lang. Sobrang napakasarap ang nasa hapag kainan, nakakalaway naman talaga. Hindi ito puro lutong pinoy dahil puro meat at vegetables ang nasa hapag na napapanood ko kung minsan sa videos at movies. Ang dalawang bata naman ay tahimik na kumakain, at napaka ayos nila tignan. Tulad ng kanilang Daddy na parang hari kung kumilos. Ako naman ay isang mutsatsa na napasama sa pamilyang ito. Kahit gustong-gusto ko sulyapan si Sir Vrikzor ay nahihiya naman ako at baka mahuli na naman ako nitong tumitingin. Sa katunayan nga niyan kapag may pagkakataon na nakatalikod ito o kaya naman may ginagawa at hindi nakatingin sa amin ay napapatulala ako sa kaniya. Parang gusto lagi kumawala ng aking puso sa lakas ng t***k. Sayang lang talaga at may asawa si Sir Vrikzor. Matapos ang hapunan ay agad ng umakyat ang dalawang bata at kasama nila ako. Kung paano ako tinuruan ni Farrah ay ganun naman ang ginawa ko. “Mommy can we sleep kuya with you? I want to ask more anything about you since when you left us." inosenteng tumingala si Neeca sa akin. Parehas kaming napatingin ni Zor kay Neeca. “H-huh?" naguguluhan akong napatitig sa kay Neeca. Masiyado na talagang weird ang batang ito. Pero ayoko namang salungatin. “Neeca stop it. Ne govori tak mame. Ona budet sbita s tolku. Daddy rasserditsya." Zor serious looked to his sister. *Don't say that to mom. She will be confused. Dad gets angry.* Napanganga ako sa gulat ng magsalita sa ibang lenggwahe si Zor. Anung salita iyon? “No ya khochu sprosit' yeye bol'she. My mozhem sprosit' papu, vse li v poryadke? YA zvonyu yemu seychas." Sagot ni Neeca. *But I want to ask her more. Can we ask dad if its is okay? I'll call him now.* “No Neeca. I have a school tomorrow. You can both go out to my room" masungit na tumalikod si Zor sa amin at pumasok na ito sa banyo. Ako naman ay natulala na lamang. Para akong alien dahil diko naiintindihan ang pinag-usapan ng dalawang bata. Walang pinagkaiba pala ang mga ito kay Farrah. “Mommy" malungkot na tumingin sa akin si Neeca. Para naman sinuntok ang puso ko sa mukha nitong malungkot. Agad akong lumapit dito ay lumuhod para magpantay ang aming mukha. Niyakap ko ito para wag umiyak. “Hayaan na natin si Kuya. Tara punta tayo sa room mo?" pag-aalo ko sa batang parang maiiyak na. “I hate Kuya now" napalabi pa ito. Ako naman ay naawa sa batang ito. Hindi ko man naintindihan ang pinag-usapan ng dalawa ay halata naman na hindi nagkasundo ang mga ito. “Dont hate your kuya Zor. Kailangan na lang niya magpahinga ng maaga dahil papasok pa sa school bukas." “No mommy. He is sungit. Susumbong ko siya kay Daddy." Napakagat labi ako. Gusto kong matawa dahil bakas sa mukha nito ang pagkainis sa kapatid. Pero ayoko naman ipahalata rito at baka magtampo. “Wait mo lang ako dito ha? Prepare ko lang pajamas ni kuya Zor mo." Mabait na tumango naman ito kaya agad akong nagtungo sa walk in closet ni Zor. Hindi naman mahirap hanapin ang mga iyon dahil napakalinis at organize ang mga damit. Napakabango pa. Maayos kong nilapag sa kama ang isusuot ni Zor kasama na ang cute nitong brief. Sabi naman ni Farrah ay hindi na nito kailangan ng tulong dahil marunong naman ito sa lahat ng bagay. Pero gusto ko pa rin itong pagsilbihan. Napakabata pa rin kasi nito at kailangan pa rin ng aruga ng isang mapagmahal na Nanay. Nang makitang palabas ng banyo si Zor ay agad naman na kaming nagpaalam ni Neeca rito. Humalik muna ang paslit sa kaniyang kuya bago naunang lumabas. Matamis kong nginitian si Zor. Wish ko lang magkaroon ako ng anak na katulad ni Zor. Nagtatakbo papasok sa loob ng kwarto si Neeca. “Mommy i want a shower." pilit na hinuhubad ni Neeca ang suot nitong blouse. Agad akong lumapit rito dahil hirap na hirap maghubad ng damit. “Careful baby. I can help you naman." matamis ko itong nginitian. Nang makapasok sa loob ng banyo nito ay gusto nitong magbabad muna sa bathtub kaya hinanda ko muna ang tubig para maging maligamgam bago ko ito ipaligo sa bata. “Mommy, you look so pretty" Napaangat ang paningin ko kay Neeca. Bagamat parang lumipad ang puso ko sa sinabi nito ay kinilig din ng husto. Iba ang dating ng pandinig ko sa simpleng sinabi ni Neeca sa akin. “Thank you baby. You look more beautiful naman. Siguro kamukha mo ang Mommy mo." salita ko habang hinihilod ang braso nito. “Yes, Daddy said kamukha ko Mommy ko. Pero iba tayo eyes and hair Mommy. Kay Daddy ko daw iyon nakuha." madaldal na sagot nito habang naglalaro ng bubbles. “A-ah ganun ba." alanganin akong napangiti. Ang gulo talaga kausap nito ni Neeca. “But Kuya Zor, looking exactly to Daddy. They said he is the next leader." “Next Leader?" napahinto ako sa ginagawa sa sinabi ng bata. “Opo, Daddy is busy to his work." malungkot nag boses ng bata. Parang kinurot naman ang aking puso. Saàn na ba ang totoong Mommy ng mga batang ito? Bakit kailangan pang lumayo nito sa kaniyang mga anak. Ang mga bata ay nangangailangan pa rin ng pagmahahal at pag-aaruga ng isang Nanay. May Tatay nga busy naman sa trabaho. Mas lalo akong naawa sa mga bata. Kung may kakayahan lang ako ay pwede na kahit ako ang tumayo bilang Nanay nila. Di bale na kahit magmukha akong trying hard importante sa pag-aalaga ay nasisilbihan ko naman ang dalawang bata. Matapos ko itong paliguan ay tuwang-tuwa ito ng ipasuot ko sa kaniya ay ang Peppa pig na pajama. Ang dami kong nalalaman sa batang ito dahil sa pagkadaldal. Kahit ng iblower ko ang maganda nitong buhok ay hindi na nito napansin hanggang sa matapos. Natutuwa lang din ako dahil kahit sa murang edad ay maraming alam na rin lalo pa at matalas pala ang mga mata nito. She really a smart and beautiful girl. Napatingin ako sa wall clock. Alas- otso ‘y media na pala. Kailangan ng matulog ni Neeca. May tamang oras kasi ang pagtulog ng batang ito lalo pa at maaga rin kung magising ng maaga. Their Daddy Vrikzor is very stricts for his rule. Matapos kong basahan ng story book si Neeca ay maayos ko itong kinumutan. I kissed her forehead so gently. Bumaba na ako ng kama dahil baka hilahin na naman ako ng antok at makatulog sa tabi ni Neeca. Hanggang ngayon pa naman ay palaisipan pa rin sa aking kung sino ang naglagay sa akin sa kwartong inalaan sa akin. Pagkalabas ko ng silid ni Neeca ay ilang hakbang lang naman ay kwarto ko na. Kailangan ko na rin na makapag-shower dahil pakiramdam ko ay amoy pawis na ako. Hindi ko alam pero nagkuskos ako sa aking balat. Hindi naman ako nag-work out o lumabas ng bahay ay feeling ko ay may libag ako ngayon kaya nagkuskus ako ng mabuti sa aking katawan. Mabuti nga at kompleto ang kagamitan para sa kaartehan ng isang babae dito sa loob ng banyo na ito. Kinuha ko ang pang-shave. Ewan ko pero gusto kong mag-ahit ngayon. Feel ko lang din. Gusto ko maging mabango at fresh ngayong gabi. Hindi lang pala ngayong gabi, dahil dapat ay araw araw. Nakakahiya naman maging panget sa harapan ni Sir Vrikzor. Ay leche! Bakit na naman si Sir ang nasa isip ko ngayon. May asawa na yung tao ay kung anu-ano pang kalandian ang pumapasok sa utak ko. Matapos kong mag-ahit sa bawat sulok ng aking katawan ay mabilis akong nagbanlaw na. Feeling ko pwede na ako mag-swimsuit na muli dahil ang lambot at kay kinis na muli ng aking balat. Paglabas ko ng kwarto ay tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa aking katawan. Hinayaan ko lang ang basa kong buhok na tumulo dahil ibo-blower ko ito. Diko sure ang sarili ko kung bakit ko ito ginagawa. As if naman na may makakapansin sa akin rito. Matapos ko iblower ang buhok ko ay naglotion pa ako para sa aking balat. Wow! Ibang klase ka talaga self. Palapit na ako sa aking closet ng makarinig ng kaluskos. Napatigil ako at nakiramdam sa paligid. Nawala ang mahinang tunog at maya maya pa may kaluskos muli. Dahan-dahan kong sinundan ang mahinang tunog na iyon hanggang sa mapunta ako malapit sa veranda. Tanging makapal na kurtina lamang ang nakaharang sa glass wall papuntang labas. Pasimple akong sumilip at maliit na siwang lang ang ginawa ko. Alam ko naman na marami pa din namang gising sa mga na ito lalo pa at maraming mga nakakalat na bodyguards ang nakapalibot sa buong mansiyon na ito. “Wala naman kakaiba ah" mahina kong bulong. Akmang aalis na ako nang makarinig muli ng kaluskos. Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at malaki kong hinawi ang kurtina at mahigpit na inipit sa aking kili-kili ang towel. Wala pa naman akong ibang suot bukod sa tuwalya lang. Matapang akong naglakad papuntang veranda. Mabuti na lamang at patay ang ilaw dito Banda sa aking pwesto. Bahagya akong sumilip sa ibaba wala namang kakaiba bukod sa maraming bantay. Bigla akong nangaligkig sa lamig nang maramdaman ang malakas at malamig na hangin. “Ang lamig!" Kaya nagmamadali na akong pumasok pero bago pa ako makapasok ay narinig ko muli ang mahinang kaluskos. Huminto ako saglit at lumingon. Bigla akong natakot. Wala akong nakikitang kakaiba pero may naririnig ako. Jusko po! Paghawak ko sa pintuang salamin ay saktong napatid ako. “Ahhhhh!!" malakas kong tili at nasubsob ako. Mabuti na lamang at natukod ko ang kanang kamay ko sa sahig. “Ang s-sakit" putik hindi ko napansin na may maliit na vase pala sa ibaba. Natumba ito at naglaglagan ang kaunting lupa ang halaman naman ay matatag. Para akong tuta na dahan-dahan napaupo. Pagtingin ko sa aking tuhod ay nakita ko ang gasgas at may kaunting dugo. Nagkasugat pa nga sa aking katangahan. “Kainis!" napapikit ako sa aking katangahang taglay. Malakas na pagbukas ng pintuan ng aking kwarto ang ikinadilat ko ng mata. “What happened?!" halos patakbo itong lumapit sa akin at walang kaabog-abog ako nitong binuhat ng malaki at malakas nitong mga braso. “S-sir!" nanlalaki ang aking mga mata. Maingat ako nitong ibinaba sa aking kama. Nag- squat ito para magpantay ang aming mukha. Kulang nalang ay tumalon ang aking puso sa lakas ng kalabog sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Sir Vrikzor. “Are you okay?" pinasadahan ako nito ng tingin mula sa aking mukha patungo sa aking katawan. Halos mangamatis ang mukha ko kung paano nito tignan ang buong katawan ko lalo na sa aking dibdib. My God! Nakita ko kung paano gumalaw ang Adam's apple nito ng magtagal ang mga mata nito sa aking dibdib na hindi naman kalakihan. Pero bumaba pa ang mata nito hanggang sa napadako sa aking tuhod. “F*ck !" marahas na napamura ito ay gumalaw ang panga. Hindi ko alam kung nagagalit ba ito ngayon. “Stay here" mariing utos nito sa akin at dumiretso ng tayo at tumalikod. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Ilang saglit lang ito lumabas ng kwarto kaya agad kong inayos ang aking towel sa katawan. Kailangan kong makapagpalit agad lalo pa at ng magsuot ng underwear. Nasa closet na ako at hawak ang bra at panty ko ng bumukas ang pintuan at pumasok si Sir Vrikzor. Anak ng! Ang bilis naman nitong nàkabalik. “What you doing?" kunot noong napatingin sa hawak kong undies si Sir. “A-ah mmm. A-anu po kasi Sir. Ahh" kandautal ko. Walang salitang lumapit sa akin si Sir ng ilapag nito sa kama ang hawak na medicine kit. Napatingala tuloy ako rito dahil talaga namang napakatangkad na tao. “Teka po Sir" halos manginig ako ng hawakan ako nito sa aking braso at walang pakundangan ako nitong hinila kaya halos masubsob ako sa matigas nitong braso. “YA skuchayu po tebe, moya zhena" halos mabulabog ang buong sistema ko sa nanunuot na boses ni Sir Vrikzor ng magsalita ito na hindi ko naman maintindihan. *I missed you my wife* Malakas na pintig ng puso ang narinig ko sa dibdib ni Sir. Anung nangyayari? Bakit ganito ito sa akin. Mali ito. May asawang tao si Sir at ako ay isang tagapag-alaga lamang ng mga anak nito. “S-sir" napapikit ako ng mahigpit akong yakapin ni Sir Vrikzor. Yakap na parang naranasan ko na dati. “Moya zhena, moya lyubov'" *My wife, my love* Ang mabangong amoy ni Sir Vrikzor ang nagpapitik sa aking ulo kasabay nang bahagyang memorya na parang nangyari na sa akin. “Ahh!" nasapo ko ang aking ulo ng kumirot ito. “Reeca?" “Sir ang ulo ko suma---" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng magdilim ang aking paningin. “My Wife!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD