- Reeca -
Malakas akong napasinghap ng apakan ng bruhang babae ang paa ko. Kaya napaangat ako ng ulo at masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya pero tumalikod na agad ito matapos ilapag ang dalang juice at dalawang babasaging baso at walang pakialam na nauna pang naglakad ito kaysa sa kasama nito.
‘G*go yun ah.' nagngingitngit ang aking kalooban habang sinusundan ko na lamang ang mga ito ng tingin. Napatingin ako sa aking paa na bahagyang namula. Yumuko ako at pasimpleng tinanggal ang dumi na naiwan pa sa sapatos ng bruha na inapakan.
“Are you okay Mommy?" nakayuko itong nakatingin din sa paa ko.
“Wala nadumihan lang." ngumiti ako rito. Nagliwanag naman ang mukha ng magandang bata.
“Can we eat this?" sabay turo nito sa sandwich na nakabalot pa sa tissue ang dulo para hindi marumihan kapag hahawakan.
“Sure" kumuha ako ng isang sandwich at ibinigay rito. Masayang masaya naman ako habang pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng batang ito. Ang swerte naman ng Mommy nito at sobrang ganda ng Anak.
“Wow super yummy!" bahagyang itinaas nito ang kamay na may kagat pang sandwich.
“Wow really?. Ubusin mo yan para maging very good ka baby girl" masuyo kong hinaplos ang maganda nitong buhok.
Masunurin itong tumango sa akin.
“Yes Mommy I will. You eat din po Mommy ohh" pilit na inaabot ng maliit nitong kamay isang sandwich, nang makuha ay ibigay sa akin.
Super na-touch naman ako sa pagiging thoughtful ni Neeca. How I wish magkaanak rin ako ng ganito kaganda ay super mabait pa.
“Thank you baby" tinanggap ko iyon at masayang kinagat ang sandwich. Totoo nga super sarap ng pagkakagawa ng sandwich.
Nagtagal kami sa kubo dahil na rin sa kadal-dalan ng bata. Kahit three years old palang ito ay parang matanda makipag-usap. Mabuti nalang kahit papaano ay nagtatagalog kundi ay nose bleed na ako. Napag-pasiyahan na naming pumasok sa loob ng kabahayan at magkahawak ang mga kamay. Tinawag na rin kami ni Cecil ang mabait na kasambahay para pumuntang dining area para mananghalian. Grabe panay kain kami dito. Tiyak na tataba ako kung ganito palagi. Pagpasok namin ay nakita namin na parang hari na nakaupo na si Sir Vrikzor. Agad na kumunyapit sa leeg ang bata at humalik sa kaniyang Daddy. Parang kabisado na nito ang ginagawa dahil matapos nun ay pumunta ito malapit sa isang maid na may hawak na maliit na palanggana para maghugas ng kamay. Ang isang maid naman ay pinunasan ng malinis na towel ang mga kamay ni Neeca. Napaawang na lamang ang aking labi sa nasaksihan. Maganda ang pagtuturo sa bata kahit sa ganitong paraan. Ang galing. Ako naman ay naghugas na rin ng kamay sa lababo at pagkatapos nun ay naupo sa tabi ni Neeca. Nahiya pa ako dahil parang hinintay pa ako ng mag-ama bago kumain.
Ilang sandali pa ay tahimik kaming kumakain, tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig. Habang panaka-naka ko naman na sinusulyapan si Neeca, pero nakakatuwa ang bata na ito dahil disiplinado itong kumakain. Tulad ng kaniyang kuya Zor at Daddy Vrickzor. Habang sumusubo ng pagkain ay pasimple akong tumingin kay Sir Vrikzor na ang gwapo kumain. Halos mabulunan ako sa kinakain ng magtama ang aming paningin.
“Salamat" agad akong nagpasalamat kay Cecil ng maliksi itong inabot ang isang basong tubig. Hiyang hiya na naman ako. Ang shunga mo talaga self, wag kana kasi tumingin kay Sir Vrikzor.
Pinilit kong inubos ang aking pagkain kahit parang nawalan ako ng panlasa dahil sa pangyayari. Mabuti na lamang ng matapos kumain si Neeca ay agad ako nitong niyaya sa kaniyang kwarto. Nagpaalam muna ito sa kaniyang Daddy bago kami sumakay ng elavator paakyat ng kwarto nito.
Binuksan ko ang malaking flat tv screen nito na akala mo ay nasa sinehan. Habang nakaupo kami sa malambot nitong kama. Kasalukuyan kaming nanood ng Moana.
“Mommy san po ikaw nagpunta? Daddy said alis ka po tapos busy. Nag work ka po?" tumingala ang bata sa akin.
Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung anu ang isasagot ko dahil hindi naman ako ang mommy nito.
“Huh? mmm nasa bahay ako ng tita Farrah mo" sagot ko dahil yun naman ang totoo.
“Tita Farrah? Bakit hindi kami nagpunta sa house niya? Anu gawa mo po dun? Dapat dito lang ikaw Mommy kasi I'm very sad po wala akong mommy. Even kuya don't talk I know he is sad too. But Daddy always beside us. He is our super hero. We love Daddy."
Parang kinurot naman ang aking puso sa mga salitang binitiwan ng isang bata na nangungulila sa kaniyang Mommy. Parang gusto ko maluha pero hanggat maaari ay pipigilan kong wag maging emosyonal dahil hindi naman ako kaniyang Mommy.
“Sa tingin ko ay mahal na mahal din kayo ng Mommy ninyo."
Nakatingala ito sa akin.
“Mommy I know you love me. You love kuya. You love Daddy. You love here that's why you came back."
“Neeca" masuyo kong hinaplos ang maganda nitong buhok. Hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko dahil para akong nabablangko.
“You know Mommy, Daddy said na pupunta tayo ng Disneyland kapag umuwi kana." biglang nagning-ning ang magagandang mata ni Neeca.
“Disneyland?"
“Opo Mommy. Daddy promised me it will happen very soon. I'm so excited Mommy. Are you excited too?" tumayo pa ito at magpantay ang aming mukha.
Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Ayoko naman tanggalin ang malaking kasiyahan na nararamdaman ng batang ito. Wala na ngang Mommy eh.
“Y-yes. Gusto ko rin makapunta dun" nakangiti kong sagot.
“Yeheyy!! Kuya Zor will be happy too." napalakpak pa ang paslit.
Natuwa naman ang aking puso at muli kaming nanood .
“Neeca" tawag ko sa bata habang nakatutok ang mga mata sa tv.
“Mmm?" napaangat ang mukha ni Neeca at tumingin sa akin.
“Mayroon ka bang pictures ng Mommy mo?" curious kong tanong. Wish ko lang wag itong magsumbong sa kaniyang Daddy at baka sabihing chismosa ako.
“Pictures? There's a plenty of pictures and portraits inside of Daddy's office."
“Talaga ba?"
“Yes Mommy and also there's a huge portrait of Mommy and Daddy's wedding inside of Daddy's room. I love that pictures Mommy you look so beautiful there."
“Huh?" lumukot ang aking mukha. Bakit pati ako ay kasama sa binanggit ng batang ito. Kilala naman nito ang totoong Mommy nito.
“Do you want to see it? We can ask Daddy."
“Ah no. It's okay dito lang tayo nood niyan oh" sabay nguso ko sa aming pinapanood.
“Okay Mommy" .
Muli ay nanahimik kaming dalawa. Pero ang isip ko ay lumilipad. Nakaramdam din ako ng panghihinayang at kunting sakit dahil muli ay nasaktan na naman ang puso kong may kunting crush kay Sir Vrikzor. Grabe naman talaga. Ayoko na ngang magka-crush kay Sir Vrikzor. May asawa na nga ay pinagpapantasiyahan ko pa. Baka bigla akong masunog dahil sa pagkakasala. Alam ko namang anytime ay darating na ang totoong asawa nito. Lalo pa at may mga anak silang dalawa. Hay puso kong sawi. Siguro need ko magliwaliw kapag nagkarest day ako at baka makasalubong ko na sa daan ang magiging the one at hindi kay Sir Vrikzor na may asawang tao.
Lumabas ako ng kwarto matapos makatulog ni Neeca habang nanood. Kaya habang tulog pa ito ay pumasok ako sa aking kwarto na katabi lang din naman ng aking kwarto. Agad akong lumapit sa aking cellphone na nakalapag sa sidetable, nakalimutan ko itong dalhin kanina sa baba.
Halos mandikit ang aking mga kilay ng makita ko sa notification ang hindi maibilang na misscalls ni Farrah sa akin. Tadtad pa ng text messages.
Hindi ko na binasa dahil tumawag na ako at baka importante ang sasabihin isang ring palang ay sinagot na agad nito.
“Hello ---"
“Reeca! My gosh bakit ngayon mo lang sinagot?!" bungad agad ng aking kaibigan na hindi pa pinatapos ang aking sasabihin.
“Sorry naman. Naiwan ko rito sa kwarto. Bakit ka napatawag?"
“Gosh! Namiss kita agad. Akala ko kung anu nangyari sa iyo diyan. Mabuti na lang at wala ng bruhang umapal sa paa mo!"
“Anu kamo?" gulat kong tanong. Maya maya pa ay napagtanto ko ang sinabi ni Farrah. Halos manlaki ang aking mga mata.
“Ang sabi ko sa iyo lumaban ka once na inapi Ka eh. Abah at may nakalusot pa talaga. Mabuti na lang at mabilis ang mga kilos ni Master."
“Paanong --"
“Wag kana magsalita dahil lahat ng galaw mo ay nakikita ni Master."
“What?!" nangilabot ako bigla. shocks so maraming mata si Sir Vrikzor?
“Wala na ba yung maid dito?" tanong ko.
“Agad agad na pinalayas ni master."
“Farrah"
“Oh siya tinatawag na ako ni loverboy. Bye!"
Nawala na ang tawag. Ako naman ay biglang natulala sa mga pangyayari. Jusmiyo katakot naman si Sir Vrikzor.