Nang makarating si Zoren at Sabrina sa shop nito nang matapos ang kanilang trabaho ay hindi pa nag-sisimulang mag-imikan ang dalawa. Habang hinihintay nila ang kanilang order ay agad nmang nakapag-salita si Zoren, “So—siguro naman you single right?” tanong naman ni Zoren. Nagulat naman si Sabrina nang agad siyang tanungin nito. “A-ano? Y-yes of course, bakit mo naman natanong?” tugon naman ni Sabrina. Napangiti naman si Zoren at napailing, “Nothing, nothing. Making sure lang, baka mamaya bug-bugin pa ako ni Hendrix,” saad naman ni Zoren. Napangisi naman si Sabrina nang sabihin iyon sa kaniya ni Zoren, “Hindi ko naman nakilala si Hendrix na ganoong tao,” tugon naman ni Sabrina. Natahimik si Zoren nang sabihin iyon ni Sabrina sa kaniya nang bigla naring dumating ang kanilang inorder.

