Naunang makauwi si Sabrina nang sumunod naman sa kaniya ang kaniyang anak na si Drix. Nang makapasok ito at nakita ito ni Sabrina ay agad siyang binati, “Hi son, kamusta trabaho?” tanong naman ni Sabrina, ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak at nag-derederetso siya sa kaniyang kwarto. Doon ay nag-taka naman si Sabrina kung bakit hindi siya pinansin ng kaniyang anak, kaya’t sumunod kaagad ito kay Drix. Agad namang binuksan ni Sabrina ang pintuan ng kwarto ng kaniyang anak, “Drix? May problema ba? Anong nangyari?” tanong naman ni Sabrina sa kaniyang anak, Agad namang sumagot si Drix sa kaniyang ina, “Nothing mom, I’m just tired,” tugon naman kaagad nito. Ngunit hindi naging kampante si Sabrina nang sabihin iyon sa kaniya, kaya’t agadi tong lumapit at hinawakan ang kamay ng kaniya

