Tumatagaktak ang bawat pag-apak ni Noah sa pasilyo. Just a while ago, he was driving aimlessly, unsure when and where to find his Alina. Alerto ang isip at mga mata niya habang nakatitig sa bawat gilid ng kalsadang maraanan habang ang mga tauhan ay inutusang i-check ang CCTV ng mall na pinuntahan ng mag-iina niya. Natatagalan siya sa balita ng mga ito. The longer he waited, the more helpless he became. Ayaw niyang panawan ng pag-asa ngunit hindi niya mapigilan. But just as hope was almost fading, one call changed everything. Nasa kahabaan siya ng daan, nakikipagsabayan sa mga taong naipit sa traffic nang biglang tumunog ang phone. Seconds had passed na tinitigan niya lang ang contact na nakikita sa screen. Hindi niya akalaing matapos ang maraming taon ay muling mababasa ang pangalang iyo

