72 (Gone)

3494 Words

Ninety-nine point nine percent. Ang malinaw na nakasulat sa dalawang papel na hawak ni Alina. DNA test results sa dalawa niyang anak at kay Noah. Hawak niya sa kamay ang dokumentong nagpapatunay na anak nga nito ang Penne at Baby Gab niya. Pinagdududahan ni Noah ang pagkakakilanlan ng mga ito. Ang sakit lang na malaman ang totoo. Para na ring may pag-aalinlangan ito sa pagmamahal niya. Pinipingas ang kalooban niya. Ano lang ba ang sinabi nitong hahanapin ang lalaking muntikan nang manamantala sa kanya? He gave her the assurance that he believed in her. Nanlalabong ibinaba niya ang mga hawak sa kahon. Naiiyak na siya pero labis na nagpigil. Inagaw ng kulay itim na flashdrive ang paningin niya. May kumakalabit sa kanya na ang laman niyon ang mas magpapalinaw pa sa kanyang inaamag na isip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD