UMALIS si Luis na hindi nagpapa-alam kay Cassie. Day off niya iyon at malaya siyang gawin ang nais. Masama ang loob niya sa dalaga mula noong magtanong na siya. Ang buong akala niya ay tatanggapin siya nito. Mali pala siya ng basa dito. Totoo, gusto siya ni Cassie pero nag-walk out naman agad ito. Problema niya pa tuloy paano suyuin ito. Sa sobrang nerbyos niya kahapon tuloy napagsungitan niya. “Bibilhan ko na lang siguro siya ng dessert mamaya. Tama! Yun chaka chocolates. Sigurado matutuwa iyon.” Kausap niya ang sarili habang nagmamaneho siya palabas ng hacienda. Natuto na rin siyang gumala sa lugar pero aaminin niya, nawawala pa rin siya paminsan-minsan. Lalo na at ang daming daan na walang street names sa kanto. Since, tapos na niya ang poultry facilities kahapon malaya na mul

