NAKATANGGAP si Cassie ng voice message mula kay Pedro. Yun ang unang mensahe nito mula ng nilayasan niya ito kahapon. Inaamin niya may mali siya at kelangan niya humingi ng paumanhin. Ngunit sa narinig niya tila ba kelangan pa niyang paghandaan ito ng hapunan. Kakatapos lang niya mag-shower at bihis. Sa dami ng dumi na natamo niya sa pag-ani ay feeling niya lalong gumaan ang katawan niya pagkatapos maglinis. Dali-dali niyang tiningnan ang oras. Alas singko pa lang ng hapon. May oras pa siya upang magluto. “Manang Helen, ano po ulam natin?” tanong niya sa katulong nila mula sa living room. Mabilis ang kilos niya papunta sa dirty kitchen nila at walang nasagot sa tanong niya. Sinilip niya kung may ato roon. Laking gulat niya ng walang may nagluluto. Lumapit pa siya sa mga kaldero

