ALIGAGA si Luis habang ang kasama niya ay mahimbing ng natutulog. Pilit niyang nirereplay ang mga pinag-usapan nila. “Ibang klase ka talaga. Wala pang cliente ang nagpatulog sa akin sa sahig. Ikaw pa lang. Hay nako buhay nga naman.” Napabuntong hininga siya sabay kamot sa ulo. Inayos na niya ang banig sa sahig at nilapagan ito ng comforter. Babalitin na lang niya ang sarili kapag lumamig masyado. Ni unan wala ring binigay. Tuloy, mukhang kawawa siya sa sahig. Nakatingin sa kisame at malalim ang pag-iisip. ‘Di niya alam paano siya nakarating sa ganitong situwasyon. *** Flashback *** Masayang naglalakad si Luis sa sidewalk. Kakakuha niya lang sa suking jewelry store, ng pinagawa niyang engagement ring. Sa ngayon ay pinapraktis niya ang sasabihin sa kasintahan. “Nicole, we have bee

