Ilang araw na si Cassie na nakauwi sa bahay nila. Ma-init na tinanggap ng lahat si Pedro. Itinuring anak na rin ito ng mga magulang niya. Sa sobrang galak ay pinagpasyahan ng mga ito na makakabuti kung sa isang kwarto lang silang dalawa. Bagama't ayaw sana niya pero mismo ang ama niya ang nag-insist. Sabi pa ng mga ito, natural raw na magsiping ang mag-asawa. Natawa naman sila at sa huli sumunod na lamang. Ang pangamba niya lang ay ang paghingi ng mga magulang niya ng apo. Nadulas ng isang araw ang Mommy niya at nagkapagsabi. “Anak, since you are married. Can I ask one thing?” sabi nito. “What is it, Mom?” tanong niya ng marahan bago kinagat ang pork barbecue. “Kelan mo kami bibigyan ng apo ng Daddy mo? This house feels empty without children running around.” Seryosong sagot nit

