MASAYA si Luis at naging maayos ang biyahe nila papuntang Bacolod city. Mabuti at malapit lang ang airport sa tirahan ni Cassie. Naghiwalay na sa kanilang dalawa si Andrea. Nagpaalam ito na uuwi muna sa kanila. Pumayag naman si Cassie at alam niyang matagal silang nawala. Habang nagmamaneho si Cassie ay sumagi sa isip niya kung ano ang magiging kwento nila. “Sexy Bunny? Pwede ba akong magtanong?” palambing na tanong niya. Alam niyang nakasalalay ang kontrata nila sa pagkumbinsi sa mga magulang nito. “Ano iyon hunky panda?” nakatutok pa rin ito sa daan habang nagsasalita. “Ano ang magiging love story natin para sa mga magulang mo? For sure magtatanong sila. I mean umalis ka na walang boyfriend, no offense.” Sinabi niya ng marahan at ayaw niyang masaktan ito. “No offense taken. I

