ANG alam ni Luis ay may client na siya at magkakaroon ng fake wedding ngunit sa tono ng pananalita ng client mukhang hindi na matutuloy ang kontrata niya. “Sexy Bunny, this is all a misunderstanding. La Diva is just a clingy friend. Wala kaming relasyon. Ganoon lang talaga siya sa mga kaibigan niyang lalaki.” Pilit niyang hinawakan ang kamay nito ngunit isang sampal ang bumati sa kanya. Uminit ang mukha niya at nanggigigil siya. Iyon na yata ang pinakamahirap lunukin ng pride niya. Kahit buong tanggi na wala siyang kasalanan ngunit siya pa rin ang nasaktan. “’Wag na huwag mo akong matawag na sexy bunny. At wala akong paki-alam if may relasyon kayo o wala. Nakita ko kung gaano ka niya yakapin. Are you seriously denying it?” sunod-sunod na pumatak ang luha nito. Halos gumuho naman ang

