HALOS isang oras na nakatitig si Cassie sa salamin. Hindi niya alam kung anong ayos ang gagawin sa buhok at mukha. Bakit ba naisipan kong ako na ang mag-aayos? Galit siya na tumingin muli sa mukha niya. Kasalukuyang nilalagyan niya ng kulay ang mga pisngi. Ni wala pa nga siyang nalalagay sa mga pilikmata at kilay. “Besh, ano na? Malapit na yung wedding mo. ‘Di ka pa ba tapos?” Tanong sa kanya ng kaibigang si Andrea. “Alam ko maganda ako pero nanginginig kasi itong mga kamay ko. Why is this happening to me? Of all the days?” ngumawa na lang siya at binaba ang brush. Kinuha niya ang make-up remover at inapply sa tissue. Nagsimula siya sa isang bahagi ng mukha hanggang sa matapos niya kunin lahat. “Ako na nga diyan. Let’s make it au natural!” maligalig na sagot nito. “Thank you,

