Nagising si Faith mula sa sofa. Hindi niya alam na nakatulog siya. Bumangon ito habang sapo ang noo nito. Mainit pa rin ito at bumalik na naman ang pananakit ng kan'yang katawan. Hinanap nito ang kan'yang bag. Kinuha niya ito at tumayo. Hinanap niya si Daisy sa labas ng mansion. Nagulat na lamang ito nang makita niyang may kausap si Daisy. "A-Anong ginagawa niya dito at bakit narito siya?" Ngtataka ito habang nakatago siya sa may likod ng malalagong halamanan. Nang matapos na sila mag-usap. Pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay. Agad na lumabas si Faith mula sa pinagkukublihan nito. Tagiktik ang pawis sa kan'yang noo dahil sa halo-halong emosyon na kan'yang nadarama. Hindi na nito nagawang magpaalam pa kay Daisy dahil bigla itong natakot. Mabuti at pinayagan siya ng mga bantay na lumaba

