Hindi na nakapag-usap pa si Yvo at Faith dahil sa biglaang pagdating ni Zacharius. Hindi niya sana nais iwan si Faith. Hindi pa naman sila nakapag-usap ng maayos. Ngunit maayos naman nagpaalam si Yvo sa kan'ya. Inintindi pa din iyon ni Faith dahil alam naman niyang may tungkulin din ito na dapat niyang gampanan. Ibinuhos na lamang niya ang oras sa pag-aaral. Kahil apat na araw itong hindi niya makakasama ang asawa niya ay pinilit pa din niyang maging masaya. Sa tuwing matutulog ito na mag-isa sa sarili nilang kama ay lagi niyang yakap-yakap ang unan ni Yvo. Ang amoy niya ay iyon na lamang ang makakapagpatulog sa kan'ya. Sa tuwing aalis ito ng mansion ay hindi na din ito nagdadala ng cp dahil hindi na siya umaasa na tatawagan siya nito. Nangyari na ito sa kan'ya noong siya'y umalis ka

