Chapter 3

1650 Words
"Anya! Anya!" sigaw ni Aling Sonya mula sa labas ng bahay kaya dali-dali akong bumangon sa hinihigaan kong kama. Nagtungo ako sa may bintana at hinawi ang kulay na pink na kurtina. "Aling Sonya, bakit po?" mahinahon kong tanong mula sa bintana kung saan ako nakasilip. "Anya tanghali na. Bakit hindi ka pa nakakapagbihis riyan ineng. Naku bata ka. Sanayin mong gumising ng maaga para hindi ka malilate sa eskwelahan," nagagalit niyang sabi. "Opo Aling Sonya," tipid na sagot ko. Bumaba ako para buksan ang pintuan. Nasa labi ang aking matamis na ngiti nang buksan ko ang pintuan ng bahay. Bumungad sa akin ang nakangiting si Aling Sonya na may dalang dalawang plastik bag. "Pasok po Aling Sonya," sabay luwag ko sa pinto. "Hmmm... malinis ang bahay.. Mabuti at natuto ka na din iha," sabi nito nang igala niya ang paningin sa buong paligid ng loob ng aking tirahan. "Salamat po Aling Sonya dahil po siguro sa tulong ninyo." "Okay lang iyon iha. Marami ka pang dapat na matutunan," sabi nito nang ilapag niya sa mesa ang dalawang supot na hawak-hawak niya. "Halika ka na at kumain ka na. Bagong luto ang mga ito. Maraming ulam ngayon kapag nariyan si sir," nakangiting sabi nito. "Ganun po ba Aling Sonya. Hindi po ba't masungit po ang amo niyo," sabi ko na kinakunot ng kan'yang noo. "Paano mo nalaman na masungit si sir? Nakita mo na ba siya?" takang tanong nito. "Hindi pa po Aling Sonya." "Oh siya, huwag na natin pag-usapan si sir. Kumain ka na at bilisan mong kumilos. Pupunta pa tayo sa eskwelahan para maenroll na kita. Sana matanggap ka para makagraduate ka na agad." "Sana nga po Aling Sonya. Kung hindi lang po sana nama- "Oppsss...." singit ni Aling Sonya. "Huwag mo sisihin ang nakaraan mo. Naiintindihan kita kung ano ang sinapit mo noon. Hayaan mo't kakausapin ko si sir para matulungan ka niya." "Naku hindi na po Aling Sonya. Nakakahiya naman po sa kan'ya. Huwag niyo na po siyang abalahin," nahihiyang sabi ko. Malalim na buntong hininga ni Aling Sonya ang tanging pagtugon nito. "Ikaw talaga iha, napakabait mo," sabay ngiti nito sa akin. Tipid na ngumiti ako. "Salamat po Aling Sonya." "Sige ikaw na muna bahala dito at aalis na muna ako. Hinatid ko lang itong mga pagkain para matikman mo ang masarap na luto ko," nakangiting sabi nito. Umalis din agad si Aling Sonya nang maibigay niya ang pagkain sa akin. Daanan ko na lang siya mamaya pagkatapos kong asikasuhin ang aking sarili. Kalaunan, palabas na ko ng bahay at tsinek ko pa ang saraduhan ng pintuan bago lumabas ng gate. Patungo na ko ngayon sa mansion. Mula sa kalayuan, nakita ko na agad si Aling Sonya sa labas ng gate kasabay ng paglabas ng sasakyan mula sa nakabukas na gate. Huminto ako sa paglalakad at nagtago sa likod ng puno nang makita kong papaalis na ang sasakyan. Kaagad din ako napalabas nang tuluyan na itong nakalayo. Patungo na kami ngayon ni Aling Sonya sa eskwelahan. Sa isang private school huminto ang sinasakyan naming tricyckle. Napakunot ang aking noo kung bakit dito niya ko ienroll na ang usapan sana namin ay sa public school ako papasok. Hindi na ko nagtanong sa kan'ya nang dalhin kami ng aming mga sa isang malawak na opisina. Siya na ang nakiusap sa isang babaeng guro. Nakangiti ang mga mata ng babaeng guro nang tumingin siya sa akin. Parang tapos na ang kanilang usapan at naayos na din nito ang aking mga mga mahahalagang papel. Sabay na tumayo ang dalawa at nagshakehands. Nakangiting nilingon ako ni Aling Sonya. Pahiwatig nito na naisaayos na niya, iyon ang aking pakiramdam. "Tanggap ka na dito sa eskwelahan Anya." "Salamat po Aling Sonya," nakangiting sabi ko. Magandang balita ito sa akin at salamat. Isang buwan na lang ay magtatapos na ko. Pero bago ang lahat, may ibinigay na pagsusulit sa akin yung guro na nakausap ni Aling Sonya kanina. Ilang minuto lang ay natapos ko na din ang pagsusulit. Inantay pa muna namin ang result ng exam ko bago kami umuwe. Narito pa din kaming dalawa sa opisina habang inaantay na matapos tsiken ng guro ang test paper. Kalaunan, tinawag niya ang pangalan ko. Tumayo ako at agad na ipinakita ang result ng exam ko. Natuwa ako sa nakita ko dahil naperfect ko ang exam. "You've got a perfect score iha," sabay palakpak ni Aling Sonya sa akin. "Thank you po ma'am Hawkins," natutuwang sabi ko. "Bukas na bukas ay p'wede ka ng pumasok," sabi nito ma ikinatuwa ko. Maayos na nagpaalam kami ni Aling Sonya kay ma'am Hawkins. Kakilala pala nito ng kan'yang amo kaya tinanggap ako agad. Gusto ko sanang pasalamatan ang kan'yang amo ngunit natatakot ako sa kan'ya at ayaw kong marinig ang nangangalit niyang boses. Pauwe na kami ngayon ni Aling Sonya. Bitbit ko ang aking uniporme na susuotin ko para bukas. Nakakatuwa dahil magtatapos din ako sa wakas na ang akala ko ay mag-uulit na naman ako ng 4th year high. "Gusto mo bang pumasok na muna sa loob?" tanong nito nang makababa na kami ng tricyckle sa tapat ng gate ng kanilang mansion. "Naku huwag na po Aling Sonya. Kailangan ko na din pong mag-aral para bukas," tanggi ko. "Hmmm... kahit hindi ka na mag-aral, matalino ka naman iha." "Medyo lang po," nahihiyang sabi ko. "Sige iha at mauuna na ko sayo pumasok loob," paalam nito. Pagkapasok ni Aling Sonya sa loob ng gate ay umalis na din ako agad. Sobrang saya ko ngayon dahil hindi ako hinayaan ni butler James. Akala ko ay mabubuhay akong mag-isa ngunit nariyan si Aling Sonya na gumagabay sa akin kahit hindi ko ito kaanu-ano at salamat na din sa tulong ng kan'yang amo dahil siya ang nagrekomenda sa akin na makapasok sa eskwelahan na iyon. Hinanda ko na ang lahat ng mga gamit na gagamitin ko sa pagpasok sa eskwelahan para bukas nang makauwe ako ng bahay. Excited na talaga akong makapasok sa eskwelahan. Namiss kong mag-aral at pumasok sa eskwelahan kaya sobra-sobra ang paghahanda ko ngayon. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita kong tumatawag si butler James. Sinagot ko agad iyon. "Hello James, kamusta?" nakangiting sabi ko. Ngunit isang malakas ng putok ng baril ang aking narinig mula sa kabilang linya. "Hello James! Anong nangyayari diyan? Bakit hindi ka nagsasalita?" Kinakabahan kong tanong. "Faith," boses ni James 'yon na parang hinahabol ang kan'yang paghinga. "James, anong nangyayari sayo?" mangiyak-ngiyak na sabi ko. "Faith, mag-iingat ka. May gustong pumatay sa- "James!" nanghihinang napasigaw ako sa mga naririnig ko mula sa kabilang linya. Mga boses ng mga kalalakihan na nagsisihalakhakan na mas lalong kinatakot ko ng husto nang marinig ko ang isang malakas na putok ng baril na nakakabingi sa aking tenga. Napahagulhol ako bigla sa pag-iyak dahil sa nangyari sa kan'ya. Pinatay nila si butler? Sa anong dahilan at bakit nila ito ginawa sa kan'ya? Bakit? Lahat na lang na mabubuti sa akin ay kinukuha sa akin. Wala akong alam kung bakit ako man din ay gusto nila akong patayin. Nanghina ang buo kong katawan nang maramdaman ko ito. Naupo ako at napayakap sa aking sarili habang umiiyak. Matagal akong umiiyak dahil sa labis na sakit na aking nadarama ngayon. Napakabait niya sa akin kaya hindi ko matanggap ang nangyari kay butler James. Hanggang sa sumapit ang dilim na hindi ko na magawang magsindi ng ilaw. Isang malalakas na katok mula sa pinto ang umabala sa akin na ikinagulat ko mula sa pagkakaupo ko. Napatayo ako agad kahit madilim ay nagtago ako mula sa silong ng mesa na may telang nakatakip. Takot ang aking naramdaman na walang tigil ang pagkatok sa may pinto nang biglang huminto ito. Biglang bumukas ang pinto nang marinig ko ito. Nanginig ang katawan ko sa tindi ng takot na baka ako na ang susunod nilang papatayin. "Faith! yuhoooo... Alam kong nagtatago ka riyan. Lumabas ka na riyan para hindi na kami mahirapan sa paghahanap sayo," sabi nito sa malamyos niyang boses. Pakiramdam ko ay hindi lang siya nag-iisa dahil dinig ko ang mga yabag ng kanilang mga paa na marami sila. Patungo sila dito sa pinagtataguan ko nang marinig ko ang mga yabag ng mga paa nila. Impit na napahawak ako sa aking bibig nang hawiin nila ang laylayan ng tela. Nakita ko iyon dahil sa flash light na hawak nila. Bigla silang humalakhak lahat nang makita nila ako. "Labas!" sigaw ng isa ngunit umiling ako. Tinutukan ako ng baril sa ulo at biglang hinablot ang aking buhok. Napahiyaw na lang ako sa sakit nang madama ng anit ko na parang gustong humiwalay ang aking buhok sa ulo. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa inihagis nila ako sa may sofa at doon ako napahiga. Dinig ko ang pagkasa ng baril. "Huwag po parang awa niyo na!" pagmamakaawa ko. Ngunit hindi sila nakinig bagkus ay tinawanan lang nila ako. "Bibilang kami at sa pagbilang ko ng tatlo, isa ka ng malamig na bangkay," sabay tawa nila. Nag-umpisa na silang magbilang hanggang sa pangatlong bilang ay may isang lalaki ang walang takot na pinagbabaril silang lahat. Nagdanak ang mga dugo sa sahig na kinatakot ko ng husto nang lumiwanag ang buong paligid ng bahay nang makita ko. Napatingin ako sa lalaking tumulong. Hindi ko makita ang mukha nito. Hindi ko siya makita. Bakit? Hindi naman malabo ang aking mga mata. "Are you alright?" mahinahong sabi nito. Ang boses na iyon na parang narinig ko na dati. Hindi ko maalala kung kanino ko ito narinig. Kinusot ko ang mga mata ko para makita ko siya ngunit sadyang hindi ko siya makita sa kalabuan ng aking paningin para magpasalamat man lang sa kan'ya. "Okay take a rest. No one can touch you and hurt you. I'm here to protect you Faith," sabi nito. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang aking bibig para magpasalamat sa kan'ya. Yayakapin ko sana siya pero bigla itong nawala sa aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD