Chapter 4

1641 Words
"Iha, gising!" ani ni Aling Sonya sabay yugyog nito sa aking balikat nang imulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako mula sa hinihigaan kong sofa. Nasapo ko ang aking noo kasabay ng paghilot ng aking sintido. Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang nangyari kay butler James. Hindi iyon panaginip dahil kausap ko pa siya kaninang pag-uwe ko dito. Yung nangyari kanina, iyon ay isang panaginip lang na parang totoo ang pangyayari. "Patay na po siya Aling Sonya. Patay na po ang aking butler James," iyak na ani ko. Niyakap ako agad ni Aling Sonya habang yapos ang aking likod. Ang sakit sa puso dahil kinuha na din sa akin ang nag-iisang meron ako. Ayaw ko na may madamay pang iba dahil lang sa akin at baka isunod nila ang mga taong malalapit sa akin. "Iha, narito pa naman ako at hindi kita pababayaan," ani nito. "Kung gusto mo, sumama ka sa akin. Doon ka na muna sa mansion. Wala si sir kaya p'wede ka na muna doon." Umiling ako nang humiwalay ako ng pagyakap sa kan'ya. "Hindi na po Aling Sonya. Ayos lang po sa akin dito. H'wag niyo na po ako alalahanin. Gusto ko pong masanay na mag-isa. Gusto ko pong matuto. Gusto ko pong sundin ang utos ng aking ama. Alam kong hindi niya po ko pababayaan at nararamdaman kong lagi siyang nariyan para sa akin para bantayan ako kahit hindi ko man po siya nakikita," ani ko. Tipid siyang ngumiti. "Napakabuti mo iha at tiyak na matutuwa ang ama mo kahit hindi mo na siya kasama pero nariyan lang siya palagi sayo para bantayan ka." "Salamat po Aling Sonya," nakangiti kong tugon. "Oh siya, kumain ka na iha. Hinatiran na kita ng pagkain mo. Pero ito ang nadatnan ko tapos nakapatay pa ang ilaw mo. Akala ko walang tao pero narinig kita na umuungol kaya kinabahan ako. Sa susunod, magsindi ka na agad ng ilaw pag dapit-hapon. Sige aalis na ko, maglock ka na ng pinto iha," bilin nito. "Opo Aling Sonya," ani ko. Sumunod ako sa kan'yang paglabas at inilock ko agad ang pinto pagkaalis niya. Natutuwa ako kay Aling Sonya kahit hindi ko siya kaanu-ano ay napakalapit ng loob niya sa akin. Salamat talaga kay butler James kahit papaano ay mga taong mabuti ang loob na tumutulong sa akin. Habang kumakain ako, naalala ko ang lalaki sa aking panaginip. Lalaking lalaki ang kan'yang boses pero hindi ko naman nakita ang kan'yang mukha. Nacurious ako nang maalala ko ang boses ng sir ni Aling Sonya. Parang iisa lang sila. Pero hindi ko nakita ang mukha nito. Siya din kaya ang nasa panaginip ko kahit hindi malinaw ang itsura nito? Mabilis kong niligpit ang aking nagkainan at mamaya ay aayusin ko na ang aking mga gamit na gagamitin sa eskwelahan para bukas. Sobra akong naexcite pero bakit minsan ay hindi ko maialis itong kabang nadarama ko dahil sa panaginip na parang totoo. Bakit pati ako ay kailangan din nilang patayin gaya ng ginawa nila kay butler James. Wala naman akong ginawang kasalanan pero bakit kailangan nilang gawin iyon kay butler James. Nakakaawa ang kan'yang sinapit sa mga taong kriminal. Tinungo ko agad ang aking sariling kuwarto at pinaandar ang isang stand fan na electric fan para lumamig ang loob ng aking kuwarto. Dati aircon ang aking gamit pero ngayon, isang electric fan na ang ginagamit ko ngayon. Nasanay na din ako sa ganito kaya nagiging komportable na din ako. Agad na inhiga ko ang aking katawan sa malambot kong kama. Pakiramdam ko parang maghapon akong nagtrabaho dahil ang bigat ng aking katawan kahit wala naman akong masyadong ginawa maghapon. Ilang oras na din akong nakatingala sa kisame pero bakit hindi ko makuha ang tulog ko. Nakailang beses na din akong nagpabaling-baling sa higaan ngunit hindi ko pa rin maipikit ang aking dilat ng mga mata. "Bakit hindi ako makatulog?" sa loob loob ko. Napatingin na din ako sa orasan, alas onse na pala. "May pasok pa ko bukas ng maaga." Pakiramdam niya kasi ay minumulto siya ng kan'yang butler James. Gusto man niyang dalawin ito sa burol niya ngunit hindi siya sanay na bumiyaheng mag-isa. Kinabukasan, napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang aking alarm clock. Dali-dali akong bumangon sa hinihigaan kong kama at agad na inasikaso ang aking sarili. Unang pasok ko ngayon dapat hindi ako malate sa school. Nang matapos ko ng asikasuhin ang aking sarili ay agad na napababa ako ng hagdan. Bitbit ko na din ang aking bag na gagamitin ko sa pagpasok sa eskwelahan at palabas na sana ako nang bahay nang mabungaran ko si Aling Sonya pagkabukas ko ng pinto. May dala-dala na naman itong pagkain para sa akin. "Kumain ka na muna iha bago ka pumasok sa eskwelahan," ani nito at diretsong tinungo nito ang kusina. Sumunod ako sa kan'ya at naupo sa silya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil lagi na lang akong hinahatiran ni Aling Sonya ng mga pagkain. "Aling Sonya salamat po para sa mga pagkaing binibigay niyo sa akin," ani ko saka inumpisahan ko ng kumain. "Iha, okay lang. Maraming mga nilulutong pagkain ang tagaluto doon sa mansion. Hindi naman madamot si sir na magbigay lalo na't kung pinagpapaalam naman sa kan'ya," ani nito. "Ano po? Alam niyang hinahatiran niyo ko ng pagakain dito? Naku, nakakahiya naman po sa kan'ya Aling Sonya," sabay ngiwi nito. "Ay sus iha, okay lang 'yan. Halla sige, bilisan mong kumain at malilate ka na," ani nito. Agad kong binilisang kumain para hindi ako malate sa una kong klase. Hindi ko na naubos ito kaya babaunin ko na lang ito sa school. Inaya pa ko ni Aling Sonya na sumabay sa kan'ya pagpunta ng palengke dahil doon din naman dadaan ang sasakyan nito. Araw-araw daw akong ihahatid para hindi daw ako magastusan sa pamasahe. Maaga naman akong nakarating sa school at wala pa naman maraming studyante ang pumapasok ngayon. Siguro ang iba ay bakasyon na nila at kaming mga Senior class na lang ang papasok dahil malapit na din kaming grumadweyt. Unang araw ko ngayon dito. Nakakapanibago dahil new classmate ang makakasalamuha ko. May mga limang studyanteng babae na din ang narito sa loob ng silid aralan. Lahat sila ay sa akin nakatingin. Tipid akong ngumiti sa kanila pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanilang mga mukha dahil pakiramdam ko ay hindi nila ko nagustuhan. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang sa kanila. Dumiretsong naupo ako mula sa dulong upuan. Tumingin ako sa gawi nila, ang sama ng timpla ng mga mukha nila sa akin dahil sa ibang klaseng paninitig ng mga mata nila sa akin. Umiwas ako ng paningin. Pakiramdam ko, walang gustong kaibiganin ako dahil wala pang lumalapit sa akin at kumakausap hanggang sa napuno na ang mga studyanteng nakaupo sa mga kani-kanilang mga silya. Dinig ko ang mga bulungan nila. May bago daw silang kaklase na hindi daw nagsasalita. Ang alam nila ay pipi daw ako dahil hindi daw ako nagsasalita. Hinayaan ko na lamang sila kung ano ang iniisip nila tungkol sa akin. HAnggang sa dumating na ang guro at tinawag niya ko mula sa harapan para magpakilala. Tumayo ako at kinabahan dahil lahat sila ay sa akin sila nakatingin. Nagsalita ako at nagpakilala, ang iba ay nakuryos at ang mga iba ay deadma lang. Tipid akong ngumiti nang matapos kong magpakilala sa harapan ng klase. Pinaupo ako agad ng guro. Hindi ko na tinapunan ng mga tingin ang mga kaklase ko. Nagconcentrate na lang ako sa pag-aaral at nakinig sa guro. Nang matapos itong magdiscuss ay agad na sininop ko na ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Next week na din ang final exam for fourth quarter at pagkatapos niyon ay praktis na namin para sa graduation. Ang lahat ay naexcite sa inanounce ng guro at isa na din ako doon. Malapit na talaga ang aking pagtatapos at tiyak na isa si ama ang matutuwa kung siya'y nabubuhay pa sa mundo. Natapos din ang unang araw ng klase ko. Maaga kaming pinauwe ng guro namin. Pagkalabas ko ng gate ay tinungo ko na agad ang waiting shed. Nilakad ko na lamang ito para doon na lang mag-antay ng masasakyan. Pero may isang sasakyan na ang nakaparada doon, parang iyon ata yung sasakyan na pinagsakyan ko kanina. Oo, hindi nga ko nagkakamali. Pero bakit naman ako susunduin? Nang malapit na ko sa kinaroroonan ng sasakyan. Agad na bumaba si kuya Arnel. Nakangiting sinalubong niya ko. "Halika na sakay ka na," utos nito. "Ako kuya sasakay diyan?" nagtatakang tanong ko rito. "Oo, kaya sumakay ka na." Kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng sasakyan. Napangiwi na lang ako sa kaisipang ito. Ang usapan kasi namin ni Aling Sonya na sa tuwing umaga lang niya ko ihahatid ni kuya Arnel. Hay, sobrang napaka-mamahalahanin ni Aling Sonya sa akin. Ang bait niya pa. Hindi na ko nag-abala pang magtanong at sumakay ako agad-agad. Nakangiting napatingin ako kay kuya Arnel nang ako ay nakasakay na. Nasa mukha naman niya ang preskong mukha nito nang paandarin na niya ang makina ng sasakyan. "Kuya, alam ba ito ng sir niyo na hatid sundo niyo po ko?" tanong ko rito kahit hindi ko pa siya nakikita at nakikilala alam kong may mabuti din itong puso. Sumilay ang ngiti niya sa kan'yang labi nang palihim kong makita ito. "Oo, alam niya kaya nais ka niyang makilala pagdating niya dito. May mahalaga lang itong inaasikaso," ani nito. "Ha? B-Bakit nais niya po akong makilala? Hindi po ba siya nakakatakot?" tanong ko pa dito na kinakunot ng kan'yang noo. "Alam mo Anya, sa limang taon kong nanilbihan kay sir ay iyon ang hindi ko alam kung ano ang pagkatao ni sir," ani nito at ako naman ay nakcurious sa kaalamang iyon bagamat ang naramdaman ko sa kan'ya ay takot na hindi ko alam dahil iyon ang una kong naramdaman para sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD