Chapter 5

1618 Words
Maagang nakauwe ako sa hapon. Hindi na ko dumaan kay Aling Sonya para magpasalamat. Pupunta din naman ito mamaya para hatiran ako ng pagkain para sa panghapunan ko. "Kuya salamat po," ani ko. "Naku h'wag ka sa 'kin magpasalamat. Kay sir ka na lang magpasalamat," ani nito. "Ano po ba ang itsura ng sir niyo po kuya?" tanong ko. Ewan ko ba kung bakit ko naitanong ito dahil nakuryos lang ako sa sir nila. "Ang hirap idiscribed kasi lalaki naman ako. Basta guwapo si sir, matangkad saka minsan ko na din nakita yung katawan niya. Naku nakakainggit dahil ang kisig niya," nababaklang ani niya. Natawa tuloy ako kay kuya. Ang pangit pala kapag lalaki ang nag described sa kapwa niya ding lalaki dahil nababakla tuloy siya. "Bakit ka natatawa riyan?" "Wala lang po kuya," natatawang ani ko. "Bakit mo pala naitanong?" nasa mukha niya ang pagkakuryusidad. "Wala lang kuya. Gusto ko po kasi kapag nakita ko siya, handa na kong makilala ang sir niyo" sagot ko. "Ganun ba? Baka mainlove ka lang sa kan'ya. Ah, sorry taken na pala si sir," sabay kamot nito sa kan'yang ulo. "Bakit kuya? Wala po akong balak na makipagrelasyon. Bata pa kaya ako," ani ko. "Dalaga ka na kaya. Hindi ka na bata saka isa pa maganda ka," ani nito. "Salamat po sa papuri. Basta ako wala pa po sa isip ko ang magmahal. Uunahin ko na muna ang makapagtapos ng pag-aaral saka na ang mga bagay na iyan." "Oo ba, mag-aral ka muna at tiyak na matutuwa si sir sayo dahil masipag kang mag-aral." Nangunot ang aking noo. "Bakit mo naman po nasabi 'yan kuya?" "Wala lang, malalaman mo din kapag nagkita na kayong dalawa. Sige, aalis na din ako. Baka hanapin na ko ni Aling Sonya," paalam nito. "Sige po kuya. Salamat po ulit," paalam ko. Pumasok na ko sa sarili kong bahay. Naisipan kong maglinis muna bago magpahinga dahil hindi pa ko nakakapaglinis ng bahay simula nang ako'y umalis kaninang umaga. Pagkatapos ay maglilinis na din ng bakuran total maaga pa naman. Sumapit ang gabi, nakaramdam ako ng pagod. Natapos ko na din maglinis at magsinop ng aking mga damit. Kasalukuyang nagpapahinga na ko ngayon. Nakapagsaing na din ako ng pananghapunan ko ngunit nagpunta agad dito si Aling Sonya kanina. Inaya niya kong magpunta sa mansion para doon kumain. Agad ko namang tinanggap ang paunlak niya sa 'kin. Birthday daw ng kanilang sir pero wala naman ito dahil abala ito sa magkabilaang mga trabaho nito. Ganito daw ginagawa nila sa tuwing wala ang kanilang sir ay pinaghahandaan daw nila ang kaarawan nito. Nagsuot lamang ako ng disenteng damit para maging presentable naman ako pagpunta ko doon. Nang matapos na ko ay saktong nariyan na ang aking sundo na si kuya Arnel. "Ang ganda natin ngayon ha," ani ni kuya. "Salamat po kuya," nakangiti kong tugon. "Sayang wala si sir ngayon," ani nito. "Ano ka po ba kuya? Hindi naman po siya ang ipinunta ko diba. Makikikain lang po ako," biro ko. "Siya rin 'yon," giit niya. "Tara na, kanina pa nag-aantay si Aling Sonya" pag-aya nito. Sabay na kaming nagtungo ng mansion ni kuya. Pagkarating namin ay agad na sinalubong ako ni Aling Sonya. May ngiti sa kan'yang labi nang makita niya ko. "Ang ganda mo iha," manghang ani nito. "Salamat po Aling Sonya. Pero hindi naman po masyado. Damit lang po ang nagdala," nakangiting ani ko. "Totoo ang sinasabi ko iha. Oh siya, pasok na sa loob at ng maumpisahan na nating kumain. P'wede mong iuwe ang iba dahil maraming pinahanda si sir," ani nito. "Po? Alam niya pong narito ako?" nagtatakang tanong ko. "Mmmmm... Siguro alam niya dahil lagi naman kitang hinahatiran ng mga pagkain," ani nito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa aking sarili. Parang ayaw ko na tuloy siyang makilala. Pero kailangan ko pa din siya pasalamatan dahil sa kabaitan nito. Pero nasa isip ko pa din ang pagkakuryusidad sa kanilang sir dahil sa mysteryoso niyang pagkatao. "Damihan mong kumain dahil marami pang pagkain diyan. Mamaya ibabalutan kita ng mga pagkain para may maiuwe ka," ani nito habang kumakain ako. Ang dami pang pagkain sa aking plato na hindi ko magawang ubusin. Tapos sasabihin pa ni Aling Sonya na damihan kong kumain. Nahiya naman ako sa sinabi niyang ibabalutan niya ko ng pagkain. Pero okay na din, kakapalan ko na lang ang aking mukha. Saka ang sasarap ng kanilang inihandang pagkain. Grabe ang kabusugan ko dahil sa wakas ay naubos ko din ang laman ng aking plato. Halos 1 hour ko ata naubos iyon tapos may cake pa akong natira sa aking plato and sa akin pa binigay ni Aling Sonya ang numero 27 na iyon ang edad ng kanilang sir. So, may edad na din pala ang kanilang sir kaya hindi na ko maiilang kapag nakita ko na siya at nakilala. "Gusto mo pa ba?" tanong nito. Tumanggi ako dahil hindi ko na kayang kumain. Wala kasi silang bisita kundi ako lang saka ang mga kasamahan din nilang mga taong narito dito sa mansyon. Hindi pa naman nila ko pinayagang umuwe agad dahil maaga pa naman at isa pa ay ihahatid naman ako ni kuya Arnel. "Aling Sonya, saan po ba ako p'wedeng mag banyo?" Tanong ko rito dahil nakaramdam ako ng pananakit ng aking tiyan. "Sa itaas, mamili ka na lang doon iha. May gumagamit ata na banyo dito sa ibaba," ani nito. "Sige po Aling Sonya, salamat po." "Sige, pumunta ka na doon at para atang may kaguluhang nagaganap sa labas," takang ani niya. Mukhang meron nga dahil naririnig ko naman din iyon. Agad na pumanhik ako sa itaas at namili ng kuwarto kung saan ako p'wedeng makigamit ng cr dahil hindi ko na kayang pigilan pa. Sarado pa ang ibang kuwarto nang pihitin ko ang door knob kaya sa dulo ako napadpad dahil iyon lamang ang nakabukas. Agad na pumasok ako sa loob kasabay nang may lagabog ng mga paang papaakyat. Hindi ko na inisip pa kung sino ang mha iyon dahil mga kasamahan lang namana nila ang narito sa mansion. Nilock ko ang pinto pagkasindi ko ng ilaw. Pero biglang nanindig ang aking balahibo nang may makita akong mga baril na nakasukbit sa may dingding. Iniisip ko na lang na isa itong mga laruan. Agad na tinungo ko na lang ang banyo. Salamat na lang at merong banyo dito. Matagal din akong nanatili dito sa loob ng banyo hangga't hindi pa humuhupa ang sakit sa aking tiyan. Lumipas ang kalahating oras. Nagpasya na kong lumabas ng banyo. Pero nabato na lang ako sa kintatayuan ko nang makita ko ang isang bulto ng lalaking nakahubad pang itaas dahil wala itong suot na damit pagkalabas ko ng banyo. Naroon siya sa gilid ng kama nakaupo ito na nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Nanindig ang aking mga balahibo nang makita kong may tama ito sa kanang braso niya at may dugo pang naagos doon habang hawak-hawak niya ito. Sobrang hindi ako makahinga dahil ayaw kong makita niya ko dahil natatakot ako sa kan'ya lalo na't ang likod palang nito ay parang isang matigas na pader na nakaharang sa aking dinadaanan. Napalunok ako ng laway nang tanggalin ko ang aking suot na sandalya upang hindi ako makagawa ng anumang ingay. Kukuha ako ng tiyempo para makalabas ako rito nang hindi niya namamalayan. Hahakbang na sana ako nang may pumasok na isang lalaki na may baril pang nakasukbit sa kan'yang bewang kaya bigla kong naihulog ang hawak-hawak kong sandalya sa sahig kaya ako nakagawa ng ingay dala ng matinding takot sa aking sarili. Lumingon ang dalawa sa may gawi ko. Nilukob na ko ng matinding takot sa buo kong pagkatao. Yung mga lamang ugat ko ay tila nabuhay dahil sa kabang nadarama ko ngayon. Tumayo ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama na may masamang pagtitig nito sa akin. Patungo siya rito sa gawi ko habang ako ay nanginginig sa takot. Ang tangkad niya at ang lapad din ng katawan nito nang huminto siya sa aking harapan. Parang isa siyang pader sa aking paningin na humarang sa aking harapan at bigla na lang akong nanliit sa sarili ko. Ang tangkad niya sa malapitan at hanggang dibdib lang niya 'ko na kayang kaya niyang balutin ang buo kong katawan. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway nang makita ko ang kan'yang matipunong pangangatawan. Ang malapandesal niyang tiyan, ang dibdib nitong kay lapad at kita ang namimintig niyang mga ugat hanggang sa naiangat ko na lang ang aking ulo. Nakatingala akong nakatitig sa kan'yang mukha. Naiawang ko na lang ang ibabang labi ko dahil hindi ko iniexpect na makakatagpo ako ng lalaking sobrang guwapo at heto siya't nasa harapan ko na siya. "Who are you?" tanong niya na salubong ang kilay nito. "Sino ang nagbigay permiso sayo na pwede kang pumasok dito sa pribadong lugar? Hindi ka dapat narito sa kuwartong ito? Kalimutan mo kung ano ang mga nakita mo dito," ani niya. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya o piinagsasabihan niya lang ako. Pero ang boses na iyon. Siya yung nasa panaginip ko. Pero bakit may mga baril sila? Sila ba ang nagnanais na patayin ako? Pero bakit at anong dahilan? Pero imposibleng sila yung mga taong gustong pumatay sa akin. "Ah... S-Sorry po sir, hindi ko po alam na bawal po pala pumasok dito. Sabi po kasi ni Aling Sonya na mamili lang daw ako ng kuwarto dito sa itaas na p'wede kong gamitin. Ito lang po kasi ang nakabukas," mahinahong ani ko sa kan'ya. Iyon naman ang totoo eh. "Emil, ilabas mo na siya," utos nito sa kan'yang kasamahang lalaki. "Aalis na po ako sir. Hindi niya na po ako kailangang ihatid sa labas. Sorry po ulit," hinging patawad ko sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD