ALIYAH FAITH After 2 months. Pabalik na ko sa Maynila upang harapin kung ano ang mga naiwan ko. Kung namatay si Yvo na lumalaban, handa na rin akong harapin ang lahat ng mga pagsubok na kakaharapin ko. Susubukin kong magpakatatag dahil wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Iniwan ko na muna sila sa Isla at babalikan ko na lang sila pagkatapos kong ayusin ang mga problema ko. Nakapag isip isip din ako na hindi habang buhay ay magiging malungkot ako. Ayaw ko namang habang buhay ay dalhin ko na lang ang mga malulungkot na alaala ng mga taong nawala sa akin. Gusto kong ituloy at harapin ang panibagong buhay. Magiging matapang at magiging matatag na ko at gagawin ko kung ano ang huling mga sinabi sa akin ni Yvo. Kailangan kong maging matapang dahil hindi sa lahat ng panahon ay k

