Umuweng malungkot sina Aling Emmang. Gising na din si Faith at doon pa lamang niya nalaman na buntis ito. Hindi niya alam na buntis na pala ito noong nagkahiwalay sila ni Yvo. Sobra siyang nalungkot dahil ang kaisa-isang natitira na lamang sa kan'ya ay nawala pa. At ang isa pang pinakamalungkot na nangyari ay hindi man lang siya hinanap ni Yvo. Ayaw niyang isipin na patay na ito pero kahit sa panaginip man lang ay hindi man lang siya dinalaw. Pagkarating nila sa bahay. Iniyakan ng iniyakan ni Faitn ang pagkawala ng mga taong pinakamahalaga sa kan'ya. "Bakit ganun nanay Emmang? Lahat na lang na meron ako ay nawawala sila sa akin? Ganun na ba ako kamalas na tao para iwan nila ako?" Nahihikbing saad niya kay Aling Emmang. "Iha, huwag mong sabihing malas ka. Narito pa naman kami na handang

