Ika-16 na Kabanata Pagkatapos naming mag-usap,kumain na si Ando. Palihim ko nga syang pinagmamasdan habang kumakain. Napabayaan nya nga ang sarili nya. "Ando,bakit hindi mo kaya subukang magpagupit?" Napatingin sya saglit sakin bago uminom ng tubig. "Masyado nabang mahaba?"-sya Tumango naman ako. Sa tingin ko kasi mas makikita yung kagwapuhan nya. "Sige,magpapagupit ako mamaya kay Gardo." "Ando." "Hmm?" Napayuko pa ako saglit bago nagsalita. "Wag ka sanang magagalit kay Pot ha? Mabait naman sila ng tatay nya e." "Pasensya na binibini,nabigla lang ako kanina. Wag kang mag-alala,wala akong balak na magtanim ng galit sa kanila. Tsaka kung hindi dahil sa kanila,wala siguro kaming tutuluyan ngayon." Nginitian ko naman sya kaya nakita ko ulit yung pagngiti nya. Mas bagay talaga sa ka

