Ika-15 na Kabanata Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng bahay ni Ando. Siguro naman kakausapin nya ako diba? Pero nakakailang katok na ako,wala pa ring nagbubukas. "Binibini!" Napalingon naman ako bigla para makita kung sino ang tumawag sakin. Ang mga nanay na nagturo sakin kung paano manahi sa isla. Nginitian ko naman sila at kumaway. Nakita ko rin sila kuyang english at iba pang lalaki na tumulong din sakin. Mga desente na ang mga damit nila ngayon,nakakatuwa----- Bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto,kaya paglingon ko. "B-binibini?" Si Ando. Ang laki ng ipinayat nya. Ang dating matipunong katawan,ay nagbago na. Nagtubuan na rin ang balbas nya. Ang laki ng eyebags nya. Alam kong napahinto rin ang mga tao sa likuran namin. Dahil kung kanina nasisiyahan

