Chapter 37—(editing)

2704 Words
September 12, 2008 Enchanted Kingdom 9:00 AM Matapos ang ilang oras na biyahe, nakarating na rin sa wakas ang sinasakyang bus nina Claire at Ryan sa kanilang destinasyon: sa Enchanted Kingdom. Hindi maitago ng dalawa, pati na rin ng buong klase ang kasabikan nilang makababa ng bus at tuluyang makapasok sa pamosong Amusement Park na iyon. Init na init na ang kanilang mga habang hinihintay na maka-park nang maayos ang bus na kanilang sinasakyan. Habang naghihintay ang lahat sa hudyat ng kanilang adviser, nagmasid muna ang mga estudyante sa malalaking bintana ng bus upang masulyapan ang labas. Ngunit congested masyado ang labas dahil sa dami na rin ng bus na patuloy na pumapasok sa parking lot ng lugar. “Finally, Claire! ‘Andito na tayo! Ang tagal namang magpababa! Hindi na ‘ko makapaghintay!” Bulalas ni Ryan. “Easy ka lang d’yan, Bes. Makakababa rin tayo at makakapasok sa loob.” Mahinahong tugon ni Claire. Nakangiti siya sa kaibigan habang pilit na hinahawakan ang kanyang emosyon. Sa totoo lang ay sabik na sabik na rin siya, ngunit ayaw naman niyang ipakita ito masyado kay Ryan dahil baka lalong hindi na makapaghintay ang kanyang kaibigan at bigla na lang tumakbo sa harapan ng bus kahit nakasara pa ang pinto nito. Kung magkagayon ay sigurado siyang aagaw na naman sila ng atensyon at muli silang mapapahiya sa harapan ng buong klase. Maya maya pa’y biglang naramdaman ni Ryan ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Tumatawag pala si Nick. Agad niya itong ‘nilabas at sinagot ang tawag. *** Ryan: Hello, Bro! Good morning! Nick: Good morning! Ano kamusta? Nakarating na ba ‘yung bus niyo dito sa E.K.? Ryan: Oo bro, medyo kanina pa. Pero di pa kami pinabababa, ‘eh. Pero pabababain na rin siguro kami in few minutes. Kayo ba ng section niyo ni James? Nick: Nauna lang pala kayo ng kaunti sa amin. Nandito pa lang kami sa labas ng parking lot,m. Grabe super congested. Ang daming bus! May nakasabay yata tayo na taga ibang campus. Ryan: Ah, oo nga. Palagay ko nga. O pa’no? Meet na lang tayo mamayang lunch? Nick: Oo, sige gano’n na lang nga. Teka, ngayon mo ipapakilala sa amin ‘yung best friend mo na kaklase mo ‘di ba? Kasama mo ba siya? Ryan: Ah, oo. Actually, katabi ko siya ngayon. Biglang napalingon si Claire kay Ryan nang marinig niya ang binanggit ni Ryan sa kausap. Bahagya itong napakunot-noo, wari’y iniisip kung sino ba ang kausap ni Ryan at ano ang pinag-uusapan nila. Samantala, si Ryan naman ay tuloy-tuloy lang sa pakikipag-usap niya kay Nick na nasa kabilang linya. Nick: Aba! Ayos ‘yan! Gustong gusto na namin siyang makilala sa personal. Ano nga palang pangalan niya? Ryan: Naku, mamaya ko na sasabihin. Basta, isasama ko siya mamaya ‘pag nakipagkita na ako sa inyo mamayang lunch. Nick: Alright! Sige bro. Si Iya naman ang kakamustahin ko. Ryan: Okay, sige. Let’s enjoy this day! Nick: ‘Right! Bye Bro! Ryan: Bye! *** Pagkababa ng tawag, agad na inusisa ni Claire si Ryan. “Bes, sino ‘yung kausap mo sa phone?” Aniya. “Ah, si Nick. Kabarkada ko. Schoolmate natin siya. Fourth year high school na siya ngayon.” Mabilis na sagot ni Ryan. “Ah, okay. Ano ‘yung pinag-uusapan niyo kanina? Parang may nabanggit ka tungkol sa akin?” Muling pagtatanong niya sa kaibigan. Ngumiti si Ryan at saka lumingon kay Claire. Tinitigan niya ito nang malagkit sa mata at saka sinagot ang tanong ng kanyang matalik na kaibigan. “I told them about you. Sinabi ko sa kanila na mayroon akong best friend sa classroom.” Aniya. Walang imik si Claire. Hindi niya inialis ang kanyang paningin kay Ryan habang hinahayaan niyang patuloy lang na magpaliwanag ang kaibigan niya. “So, ‘ayun. They got interested kung sino ba ‘yung taong naging malápit sa akin liban sa kanila. Sila kasi ang mga nauna kong naging best friends. Halos pamilya na nga ang turing namib sa isa’t isa. Kaya sabi ko sa kanila, ipapakilala kita sa kanila in due time. And, I think, ito na ‘yung pagkakataon na ‘yon para ma-introduce kita sa kanila.” Patuloy na pagku-kwento ni Ryan. “O-Okay lang ba ‘yon? Hindi ba nakakahiya sa kanila? Baka kaya gusto nila akong makilala kasi iniisip nila na hindi ka na nila madalas makasama sa campus dahil sa akin. Baka isipin nila inilalayo kita sa kanila.” Wika ni Claire. Mababakas sa kanyang pagsasalita ang labis na pagkabahala. “Ano ka ba? Mababait ‘yung mga ‘yun. At saka, kaya nga kita ipapakilala rin sa kanila, para puwede na tayo magka-bonding ng sabay-sabay. Naniniwala naman ako na mabilis mo silang makakapalagayan ng loob. At gano’n din sila sa’yo. Kaya ‘wag ka nang magulumihanan dyan, okay? There’s nothing to worry about!” Wika ni Ryan habang inaakbayan ang kaibigan. Pasimple namang sinilip ni Claire ang kamay na pumulupot sa kanyang kaliwang balikat. Pagkatapos ay agad din niyang binawi ang kanyang paningin. Saktong pagbalik niya ng paningin ay nahuli niya si Ryan na nakatitig lang sa kanya habang halos mapunit na ang mga labi sa pangngiti. Sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay uminit ang pisngi ni Claire at nakaramdam siya ng bahagyang pagka-ilang sa kanyang kaibigan. Agad niyang binawi ang kanyang paningin at yumuko. Gusto niya sanang ipaalis kay Ryan ang kanyang kamay mula sa pagkakaakbay ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa matinding kabog ng dibdib na kanyang nararamdaman. “Okay, Class, we’re good to go! Paki-check nang maigi ang mga gamit niyo at baka may makalimutan kayo. ‘Yung mga kalat, please lang pakipulot...” Malakas na sambit ng kanilang class adviser. Hindi na niya natapos ang mga gusto niyang sabihin sa buong klase. Agad na nagsipagtayuan ang lahat ng mga estudyante at halos mag-unahan na lumabas sa kinauupuan nila, anupa’t nagkumpulan sila sa aisle ng bus. “Naku, ang buong akala ko ‘eh ako lang ang nakakaramdam ng excitement sa pagpunta natin dito. Mas grabe pala ang excitement ng iba nating mga kaklase.” Sambit ni Ryan. “Hayaan na nga natin sila g maunang lumabas. Magpahuli nalang tayong dalawa. Nakakahiya naman kasi sa kanilang lahat.” Dugtong niya. “Oo nga, ‘eh. Pero, siguro mag-ayos na rin tayo ng mga gamit natin?” Pag-aaya ni Claire. “Sure, sige!” Pagpayag niya. Dali-daling inialis ni Ryan ang kanyang nakapulupot na braso kay Claire at iniayos ang kanilang mga gamit. Si Claire naman ay palihim na napabuntong-hininga dahil sa wakas ay naialis na rin ni Ryan ang kanyang kamay sa kanyang balikat. Dahil dito ay unti-unti na ring humupa ang init sa kanyang magkabilang pisngi at naging banayad na rin ang t***k ng kanyang puso. Ngunit kahit na ayos na ang kanyang pakiramdam ay hindi niya maiwasang itanong sa kanyang sarili kung bakit gano’n ang nagiging epekto sa kanya sa tuwing inaakbayan siya ng kanyang best friend. Naalala niya ang mga pagkakataon noon na inaakbayan din siya ni Ryan at nararamdaman din niya ang parehong pakiramdam na kanyang naranasan kani-kanina lang. “Bakit ba ako affected sa pinapakita niya sa akin?” Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi pala niya napansin na napatulala na pala siya. “Bes, o-okay ka lang ba? Marami nang nakalabas na mga kaklase natin. Tara na?” Pag-aaya ni Ryan. Nilinga ni Claire ang kanyang paligid at nakita nga niya na nakalabas na ang mga kaklase nilang sa bandang unahan nakaupo. At halos iilang estudyante na lang rin ang natitira sa loob ng bus. “Guys, come on, double time!” Muling pag-a-announce ng kanilang class adviser. Dali-daling tumayo si Ryan. Tumingin siya kay Claire at sinenyasan ito para tumayo na rin. Agad din namang tumayo si Claire at sumunod sa likod ni Ryan. *** “N-Nick? J-James? Kayo ba ‘yan?” Bulalas ni Claire. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkagulat. “Yeah. Wala na ngang iba!” Mabilis na sagot ni Nick. Nakangiti pa rin ito at halos hindi ialis ang mga mata sa gulat na gulat na si Claire. “Unbelievable!” Ito na lang ang nasambit ni Claire sa pagkabigla. “Who would’ve thought na kaibigan niyo pala itong si Ryan?” Dugtong niya. “Teka, teka, teka.” Sabat ni Ryan. “So, magkakilala kayo? Tanong niya. “Oo, bro!” Siya yung kinuwento namin sa inyo 2 years ago. Siya ‘yung batang nakilala namin noong Grade 5 pa lang kami ni Nick sa may playground.” Pagkukuwento ni James. “Wait, kwinento niyong dalawa ‘yung pangyayaring ‘yon? Grabe kayo sa’kin!” Sambit ni Claire. Bahagyang namula ang kanyang dalawang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman niya. Wala namang paglagyan ang tawa nina James at Nick. Hindi pa rin sila makapaniwala na ang ipapakilalang best friend ni Ryan ay matagal na rin pala nilang nakilala ilang taon na ang nakararaan. Biglang hinarap ni Ryan si Claire. Nakangiti siya habang unti-unting inilalagay ang kanyang braso sa balikat ni Claire. “So... ‘yung babaeng pinagtanggol nila James at Nick noon sa mga batang lalaking nambu-bully sa playground, ikaw ‘yun? Ikaw talaga ‘yun?” Muling pagkukumpirma ni Ryan sa kaibigan. Labis-labis ang hiyang nararamdaman ni Claire nang mga sandaling iyon. Halos hindi niya matitigan nang deretso sa mata ang matalik niyang kaibigan. “Ah...eh...” Hindi malaman ni Claire kung paano ba niya sasagutin ang tanong sa kanya ni Ryan. “Naku, huwag mo na kasing itanggi, Claire! Ikaw nga ‘yon! Ikaw ‘yung babaeng pagkatapos naming iligtas sa pambu-bully ng mga pasaway na batang ‘yun ‘e agad ding tumakbo! Ni hindi man lang nagawang magpasalamat sa kabutihang loob na ipinamalas namin sa kanya.” Patuloy na panunuya ni Nick. “Tinatanong lang naman namin kung anong pangalan mo. Hindi ka naman namin aanuhin, pero imbes na sagutin ang tanong namin, bigla ka nalang kumaripas ng takbo! Mabuti na lang at nahulog mo ang School ID mo. Kaya nalaman namin ang buong pangalan mo.” Dagdag na kuwento ni James. “Para hindi ka namin makalimutan, binigyan ka namin ng bansag. ‘Shy Girl’ ang tawag namin sa ‘yo kasi sa sobrang hiya mo, kahit simpleng pasasalamat sa amin, ‘di mo nagawa.” Patuloy na panunuya ni Nick. Dahil sa kanyang mga narinig, mas lalong kumabog ang dibdib ni Claire. Ngunit hindi na niya kaya pang hindi magsalita ngayon. Kaya nahihiya man ay hindi na rin napigilan pa ni Claire ang kanyang sarili na hindi sagutin ang nang-aasar sa kanyang sina Nick at James. Huminga siya nang malalim at saka nagsimulang magpaliwanag. “Oo na. Ako nga ‘yung babaeng ‘yon. At huwag kayong mag-alala dahil maski ako ay nainis sa sarili ko ‘nun. Hay naku. Ayaw ko na ngang maalala ‘yun, e! Sobrang nakakahiya ng ugali ko back then! I’m so sorry!” Nakayukong sambit ki Claire. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng napaka-awkward na sandaling iyon. Basta ang inisip na lang niya ay kung ano ang tamang gawin. Nagkatinginan sina Nick at James. Nawala ang pagka-sarcastic na awra ng kanilang mukha at tila nababasa nila ang isip ng bawat isa. Agad na inihakbang ni Nick ang kanyang mga paa palapit sa kinauupuan ni Claire at bahagyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga ulo. Magiliw niyang tinitigan si Claire na sa mga sandaling iyon ay wala pa ring lakas ng loob na sila’y tingnan nang deretso. “Well, I guess... destiny has brought us all here together. Pinag-krus muli ang ating mga landas. Let’s be friends, officially.” Masiglang sambit nito. Nagulat si Claire sa kanyang narinig. Ang buong akala niya’y totoong galit sina Nick sa kanya dahil sa hindi magandang nangyari sa pagitan nila noong una nilang pagtatagpo. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang nakayukong ulo at agad na namasdan ang nakangiting si Nick. Naka unat ang mga braso nito sa harapan at akmang makikipag-kamay sa kanya. Hindi agad nagawang iabot ni Claire ang kanyang kamay. Sa halip ay sinubukan niyang iiwas ang kanyang paningin sa lalaking nasa harapan niya. Agad siyang sumulyap sa paligid. Lumingon siya sa kaliwa at sa kanan sa pag-asang kahit paano ay maiibsan ang kabog ng dibdib na kanyang nararamdaman at unti-unting makaipon ng lakas ng loob para muling kausapin si Nick. Ngunit, pinalibutan na pala siya ng buong barkada. Magkakaakbay na nakapalibot sina Ryan, Iya at James. Kitang-kita sa mukha nilang tatlo ang saya na kanilang nararamdaman dulot na rin ng nakaka-amaze na coincidence na nangyari sa kanila. “Don’t leave me hanging here.” Pabirong sambit ni Nick na sa mga sandaling iyon ay naghihintay pa rin na kamayan siya ni Claire. Tila pansamantalang tumigil ang oras kay Claire at nagawa pa niyang kausapin ang kanyang sarili. Sa kanyang pakikipag-usap sa sarili ay unti-unti na rin niyang napagtatanto ang katotohanan sa kung anong klaseng kaibigan mayroon ang kanyang best friend na si Ryan. “T-Totoo ba ‘tong nakikita ko? Ganito talaga ako ka-welcome sa kanila? Ngayon naiintintindihan ko na kung bakit ganoon nalang kung pahalagahan ni Ryan ang mga kaibigan niyang ito. Para na nga talaga silang isang pamilya. S-Sino ako para maging hesitant sa kanila? I want to be one of them.” Aniya sa kanyang sarili. Sa wakas tinapos na ni Claire ang matagal na paghihintay ni Nick. Kinamayan niya ito at magiliw na nginitian. “Alright. Let’s be friends from now on.” Sambit ni Claire. “Welcome to the family, Shy Girl, este, Claire.” Tuwang-tuwang pagbati ni James sa kanya. “H-Hindi ba kayo galit sa akin? Dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawa niyong pagtatanggol sa akin noong binu-bully ako ng mga batang lalaking ‘yun noon?” Pagtatanong ni Claire. Nagkatinginang muli sina James at Nick nang marinig ang tanong ni Claire. “Ano ka ba, Claire. We’re not the type of people na mabilis magalit sa mga bagay-bagay. At saka, wala ka namang ginawa sa amin para magalit kami sa ‘yo. ‘Yun nga lang, wala ka nga lang ding ginawa noon para matuwa kamo sa ‘yo.” Pabirong sambit ni James. Tumingin siya kay Nick at muli na naman silang naghagikgikan. “A-Ah, gano’n ba? ‘E kasi...” ani Claire. Hindi na natapos ni Claire ang gusto niyang sabihin nang biglang umentra sa usapan si Iya. “Claire. Masanay ka na sa amin, alright? Lalo na d’yan sa dalawang ‘yan. Mahilig talaga mang-trip ‘yang mga ‘yan. Basta, kapag from now on, kasama ka na sa circle of friends namin. Kaya alisin mo na ‘yang nararamdaman mong hiya. Okay?” Aniya sabay kindat kay Claire. “Itong dalawa naman kasi, akala mo naman talagang big deal ‘yung nangyari few years ago.” Sabat ni Ryan habang nakikisabay din sa tawanan ng dalawa niyang kaibigan. “Aba! Big deal ‘yun, no? Du’n kaya namin napatunayan na mga superheroes kami! Na hindi kami natatakot humarap sa mga sisiga-siga d’yan sa daan, para lang maipagtanggol ang mga naaapi!” Sambit ni James habang nag-aaktong lilipad na parang si Superman. Nasa ganoon siyang posisyon nang bahagya siyang itulak ni Nick, dahilan para mawalan ito ng balanse at unti-unting masubsob sa mesa ng umbrella, anupa’t muntik pa niyang madaganan ang mga pagkaing in-order nila. Hindi mapigilan ng lahat ang malakas na paghalakhak sa mga nasaksihan. “Tigil mo na nga ‘yang kalokohan mo, James!” Sambit ni Iya. “Mabuti pa nga’t kumain na tayo at talagang nagugutom na ako!” Ani Nick. Dali-dali silang umupo nang paikot sa umbrella at agad na ring sinimulan ang pagkain. Habang kumakain ay hindi sila magkandamayaw sa pagku-kuwento ng mga naranasan at naramdaman nila habang sumasakay sa iba’t ibang klaseng rides sa lugar na iyon. Samantala, napansin si Ryan na tahimik lang na nakikinig si Claire sa mga kuwento nila. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi niya maitago ang galak sa puso nang masilayan niya ang bahagyang pagngiti ng kanyang matalik na kaibigan habang kumakain at nakikisama sa barkada niya. “Bes, ano, ayos ba?” Bulong ni Ryan. “O-Oo naman, Bes! Napaka-welcoming ng kabarkada mo. Thank you sa pagpapakilala mo sa akin sa kanila.” Pabulong na sagot niya. “Sabi ko naman sa ‘yo, ‘e. Hindi ka mahihirapan na maging close ‘tong mga ‘to.” Ani Ryan. Pabulong pa rin ang pagbigkas niya upang hindi marinig nang mga kasama nila. “Again, welcome to the family!” Dugtong niya habang bahagyang inakbayan ang dalaga. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD